"Crazy Beautiful You! Duh. Di nyo pa ba yun napapanood?"


"Hindi pa." sabay naming sabi ni Chie.


"Tara panoorin natin bukas. May nabili akong CD mung nakaraan sa tabi-tabi eh. Malinaw na din naman. Buhay pirata! HAHAHA!" sabi ni Arisse. Jusko 'tong babaeng'to. Parang di mayaman kung umasta.


"Oo na oo na. Osya, bilin mo na yan." sabi ko kay Arisse.


"HOY BAKIT AKO ANG MAGBABAmsjdubdpwss"


"Wag ka na ngang maingay! Ikaw na magbayad!" sabi ni Chie pagkatapos nyang takpan yung bibig ni Arisse.


Habang binabayaran ni Arisse yung CD, kinamusta ko lang si Chie. Namiss ko 'to eh. Dalawang taon ba namang di nagkita eh.


"Uy Chie. Bakit di mo man lang sinabi sa amin na nakauwi ka na? At kailan ka pa nakauwi dito sa Pinas? Amoy States ka ha." sabi ko kay Chie. Tapos inaamoy amoy ko pa siya. Alam nyo ba yung amoy ng mga gamit mula sa bagong package? Ganun amoy nya! HAHAHA!


"You're creeping me out Kathryn. And mamaya na lang tayo sa Yellow Cab mag Q and A. Keri?" sabi ni Chie sa akin.


"Keri. Ay wait! Nakabili ka na ba ng ticket sa concert ng 1D?" tanong ko.


"OO FRIEND! HIHI. Kaninang umaga pumila ako ng pagkahaba-haba. Kayo?" sabi ni Chie.


Ay pumila pala si Chie kaya di namin siya nakita doon. Hehe. Kawawa naman siya. Nakakastress kaya doon.


"Oo meron na kami. Kaninang umaga lang din. Hehe." sabi ko.


"Oh. How come di tayo nagkita doon?"


"Err kasi. May kakilala si Kuya doon sa arena. Kaya di na kami pumila."


"Hala ang daya nyo! I was there 6 o'clock in the morning! Tapos kayo may connections pala!" sabi ni Chie na nakapout.


"Sorry! Di mo kasi sinabi na umuwi ka na eh."


"I'm here mga furiendzz! Lezgoo na sa Yellow Cab." Bakit ang hyper nito ni Arisse? May something dito hmm.


"Wait lang mga friend! Tawagan ko lang si Kuya. I'll just let him know that we're gonna eat na." sabi ko. I almost forgot na kasama pala namin si Kuya hehe.


+++

"Hello Kuya?Where are you?"


"I'm here sa H&M. Why?"


"Wala lang. Oh BTW, nakauwi na si Chie! And kasama namin ngayon kaya kakain na kami sa Yellow Cab."

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon