"Padaan!"

"Excuse me," kalabit ko sa babaeng nakaharang sa daan.

Tumango lang ito sakin bago tumabi, masiyado siyang malapit sa daan at bench ng players. Sa tagal ko na sa school na 'to ngayon ko lang nakita ang babaeng to, hindi din siya mukhang senior high dahil sa tangkad niya. Maputi siyang babae, may kulot pero maikling buhok.

Umupo ako sa bench na katabi ng isang player. Six players lang ang kailangan sa loob ng court, at sa pag kakaalam ko set point ngayon ang pinag-aagawan nila.

Dumapo ang tingin ko kay Third at Ella na nag uusap, himala hindi ata nag laro ngayon si Third? O baka may pumalit lang muna?

"Ilang minuto na silang nag lalaro?" tanong ko sa katabi.

"Kanina pa, hindi lang minuto kundi oras para maagaw ang first set."

"Nandito ba yung babaeng pinag-aagawan ng mga yan?"

Hindi na ko nagulat ng lingunin nito ang babaeng tinutukoy ko kanina at palihim na tinuro iyon.

"Siya yun," wika pa nito.

"Bakit hindi niyo pinaupo?"

"Ayaw ni master e, sabi niya baka daw makita mo pag dumating ka."

Tumayo ako at hinarap ang babaeng pinag-aagawan nila, malambing ang bawat hagud ng mata nito, nando'n din sa mga titig niya na mabuti siyang babae.

Pero bakit naman siya pumatol kay Kuya West? Sa pogi ng lalaking kalaban ni Kuya ngayon, kung ako sa kanya hindi ko talaga iiwan yun.

"Hindi ka napapagud kakatayo?" feeling close kong tanong.

"Wala ng vacant na upuan," mahina ang boses niya, halatang mahinhin.

"Malawak ang space sa bench," turo ko sa bench nila Kuya West. "Upo ka?"

Alam kong nahihiya siya pero tango parin ang sinagot niya sa paanyaya ko. Maybe gusto niya ring makausap si kuya kaya siya pumayag.

Gulat ang mukha ng lalaking kausap ko kanina ng makitang kasama ko na ang babaeng pinag-uusapan palang namin.

"Noveda naman, ako ang malilintikan kay West niyan," may bahid ng takot sa mukha niya.

"Ako naman ang nag papunta sa kanya kaya ako sisihin mo," ngisi ko.

Nang makita kong papalapit na ang grupo nila Kuya agad kong binigyan ng towel at bottle of water ang babae para siya na ang mag bigay kay Kuya West.

"What are you doing here?" tanong nito sa babae bago tumingin sakin. "B-baby," tawag pa nito.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago kumuha ng isang towel at binato sa mukha ni Dame. Hindi kami close ni Dame, binigyan ko lang siya ng towel para may magawa naman ako kahit kunti.

"Sabi ko na nga ba na dahil sa lalaking yan kaya mo ko iniwan!"

Agad na naagaw ng lalaking sumigaw ang atensiyon ko, mabilis itong lumapit samin na may masamang tingin at handa ng lumaban.

"Wag mo kong samaan ng tingin kung ayaw mong tadyakan kita," inis kong wika dahil sa masamang tingin nito sakin.

Bakit naman kasi sakin agad dumapo ang tingin niya? Anong kasalanan ko at sa'kin siya nakatingin ng ganyan?

Naging mahinahon ang aura nito bago tumingin ulit sakin. "I-i'm not, hindi kita sinasamaan ng tingin."

"Sinasabi mo bang nag sisinungaling ako?"

"Sis kalma," bulong ni Ella.

"Sagutin mo ko! Sinasabi mo bang nag sisinungaling ako?"

Umiling siya. "I'm not here for you. I'm here for that asshole!"

Tanging irap lang ang ginawa ko bago tumingin sa babaeng nanginginig parin dahil sa ginawa ng dating karelasiyon. Ang toxic naman ng lalaking to, pag break, break na hindi yung hahabulin pa. Mabuti sana kung pinanganak siyang aso.

"Lapit ka," utos ko sa babae.

"Baby."

"Hindi ko sasaktan tong Baby mo," ani ko pa kay Kuya.

"Ikaw ang tinatawag kong Baby," madilim niya namang sagot.

Narinig ko ang sipol ng mga kaibigan niya habang gulat naman ang itsura ng babae pero wala akong pakialam, instead of kilig ang maramdaman kagaya ng ibang babae niya inis lang ang bumalot sa sistema ko. Hindi ako kikiligin dahil hindi naman ako isa sa mga babae niya, at never akong magiging babae ng ungas na to.

"K-kaya ba hindi ka manlang nag eeffort na makapunto dahil gusto mo naman talaga matalo?"

"Nong una palang nilinaw ko na sayo kung ano lang ang kailangan at kaya kong ibigay sayo, i only fuck and run at hindi parte ang label sa plano ko."

Ulol, gusto kong sampalin siya gamit ang takong ng sapatos ko, he took her virginity kung virgin man ang babaeng to kaya parang binigyan niya narin ng rason ang babae na mag assume.

"Fuck and run," bulong ko bago tumawa at hinarap si kuya West. "Nakakasuka ka, nong isang linggo ibang babae ang pinasukan niyang titi mo tapos ngayon ibang butas na naman? Hindi mo ba makalmot kaya kailangan na ng ibang pag kakalmutan? Nakakadiri ka."

Naging tahimik ang daan na tinatahak ko dahil siguro naman narinig nila ang mga katagang sinabi ko. Ayoko mang pag sabihan siya ng masasakit sa harap ng ibang tao, pero iyon lang ang paraan para malaman niya ang mga maling ginagawa niya.

Hindi pa ko nakakaapak sa lupa ng biglang may humablot sa braso ko, madilim pa sa madilim ang mukha nito, pero wala sa mukha at mata niya ang saktan ako. Hindi nakakatakot ang aura niya, parang galit lang siya pero hanggang don lang yun.

"Gagawin ko ang lahat para mawala yang pandidiri na nararamdaman mo, i'll do everything Baby."

_______
expectation:

Noveda: ‘No need to put efforts, i'll accept you no matter what.

reality:

Noveda: ‘Man whore.’ *sinipa*

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now