Ayokong magaya ang mga magulang niya sa magulang ko na feeling mauubusan ng pera dahil sa katiting na ginagastos ko. Na para bang mauubos ang gold bars ni Daddy sa secret room pag gumastos ako ng peso.

Kung tutuosin pwede na sila hindi mag trabaho dahil sa kinikita ni Daddy sa mga previous paintings at mga paintings niya ngayon. May mga fashion show din na laging host or mag mo'model si mommy kaya no need to fly sa ibang bansa for big events.

Model din naman si Tita Eden pero minsan ko lang siya makitang umalis o lumipad sa ibang bansa para sa isang fashion show. Lagi din siyang nandiyan pag may laban sa volleyball si Kuya West.

"OMG! MAY DAYUNG HINAHAMON SI WEST! I CAN'T BELIEVE THIS! ANG LAKAS NG LOOB NILA!" praning na ani ng isang babaeng may kulot na buhok. Pinapaypayan pa nito ang sarili na wari mo'y mahihimatay anytime.

'Aarte naman ng mga 'to, kinaganda nila 'yan?'

Sa pagiging hambog ni Kuya West hindi na ko mag tataka na merong team na susugod nalang dito bigla para sa isang laban tapos ang taya laging ganito, 'leave my girl if you lose,' mga linyahan ng mga dayung nawalan ng girlfriend dahil sa ngiti ni Kuya West.

"Sa ganda ba naman ng lahi namin hindi na ko mag tataka na maraming chicks si West," ngising wika ni Ella.

"Mukhang titi kasi si Kuya West," bulong ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga singkit na mata niya. "HAHAHAHA pangit kaya itsura ng titi-"

Agad kong tinakpan ang bunganga ni Ella ng makitang nag lalakad ang grupo ni Kuya West papasok ng entrance. Glass ang ibang bahagi ng canteen kasama na don ang pinto kaya madali mo lang makikita kung sino ang papasok kung nasa loob ka nito. Malalaman mo din kung ga'no karami ang tao sa loob pag nasa labas ka.

"Baho naman niyang kamay mo," ungot pa nito.

Gusto ko siyang singhalan pero hindi ko magawa, ayokong lumingon ang grupo nila samin dahil nakakainis ang mukha nila. Rude lang akong tao pero hindi ako mapanghusga pero pag ang grupo ni Kuya West ang pinag-uusapan, sumasama ng subra ang ugali ko.

"What's wrong with you? Takot ka kay West? ngising tanong nito sakin.

"Me? Scared to that asshole?" patago kong turo sa grupo.

At dahil ilang taon na kong nakatira sa bahay ng mga Clemente kilalang-kilala ko na ang takbo ng utak at bituka ng mga kaibigan ni Kuya West. Lahat sila walang kwenta at merong manwhore records.

Halos ka-team lang ni Kuya ang kaibigan niya at mga iniinvite niya tuwing may party sa bahay nila, at yung iba hindi ko na alam kung sino-sino o saan niya napupulot.

"Hi girls."

Tumaas ang isang kilay ko ng makitang kinindatan ni Third si Ella at kinilig naman ang gaga. Gusto ko siyang sigawan na wag lumandi dahil may boyfriend na siya, pero ayoko naman siyang mapahiya kaya mamaya ko nalang kukurutin sa singit.

"Assholes," bulong ko bago tumalikod.

Hindi ko pinapansin ang pinag uusapan nila dahil abala ako sa pag ubos ng snack kong halos lunch na dahil marami. Sana pala dalawang sandwitch nalang ang dinala ko at tubig para matapos agad.

"Baby."

Agad kong kinapa ang tubig ko dahil sa gulat ng may bumulong ng 'baby' sa likod ko.

Kingina? Ayokong maging cause of death ang nabulonan, ang panget nun. Nakakahiya narin pag burol ko na.

"Umusog ka naaasiwaan ako sa mukha mo," inis kong baling kay Kuya West.

"Come on, i didn't mean it and promise hindi ko na uulitin."

"Bakit? Di mo ba malunok yung bahay niyo kaya iniisturbo mo ko ngayon? Takot kang masumbong?"

"Alam ko naman na hindi ka mag susumbong, baby."

"Don't call me baby dahil nakakasuka, at para malaman mo mag susumbong ako dahil pupunta si Tita mamaya sa bahay para kausapin ako," i smirk.

Kasinungalingan. I'm lying dahil hindi naman talaga sinabi ni Tita yun, hindi ko pa nga nareplayan ang last text niya dahil iniisip ko pa kung paano mag susumbong sa mga ginagawa ni Kuya West.

"Pagud sila galing Colombia kaya hindi paaalisin ni Daddy si Mommy sa bahay."

"Edi ako ang pupunta don."

Natigilan ako dahil sa sinabi. I almost forgot na sinabi kong hinding hindi na ko tatapak don ng walang dahilan o kasama, pero pwede ko namang isama si Ella para maging valid ang pag apak ko sa bahay niya diba?

"Baby," tawag niya ulit sakin.

"Isa pang baby mo masasampal talaga kita," pinanlakihan ko ito ng mata.

"Mommy missed you."

"Alam ko."

"Pinababalik kana sa bahay," wika niya pa.

"Pwet mo," niligpit ko ang gamit bago hilahin si Ella na abala sa pakikipag landian kay Third.

Naiinis talaga ako pag nagiging malambing ang turing niya sa'kin. Nakakasuka at ang lagkit sa katawan pag dumidikit siya, siguro dahil mas sanay akong nag mumurahan kami at nag papatayan sa bahay nila.

I mean, dzuh sanay akong nag babangayan kami since day one, naalala ko pa kung paano niya ko patayin gamit ang mga titig niya nong ginanap ang fashion show.

Inabala pa ni Tito ang panunuod ko ng anime that time kaya subra talaga ang inis ko sa kanya, tapos malalaman ko may sama ng loob siya sakin kaya ganon niya nalang ako kausapin?

Tinawag din ba naman akong plastik, kaya daw may Doll sa name ko dahil plastik akong tao sinabihan pa ko ng maganda kung tatawaging plastik diba?

Kaya kung ano man ang ugaling pinapakita niya, alam kong may plinaplano siya. Hindi siya magiging kalmado ng ganon kung walang bagyong mangyayari. Kung walang malakas na hampas ng hangin na kayang yanigin ang buong sistema ko.

'As if naman may papayanig ako diba? mga delulu niya!'

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now