"Sila naman yon, iba ako" sagot ko.

"Pero hindi natin alam. Mahuhulog ka din diyan Bri" sabi ni Pat.

"Kapag nahulog ka, at nag kagustohan kayo ni Blake. Edi mas mapapalapit ako kay Drake!" Sabi ni Lyka.

"Malandi ka ding babae ka noh! Walang araw na hindi mo binabanggit ng one thousand times yung pangalan ng drake na yon" sabi ni Pat.

"Ewan ko nga sainyo! Ikaw Kristy bat hindi mo nalang sagutin si Brandon para mas madali sakin"  singhal ni Lyka.

"Brandon and I are in good terms." sagot ni Kristy.

"Kaya pala nung isang araw inaya kita, sabi mo busy ka! Kay brandon ka din pala babagsak" sabi ni Lyka.

"Malandi ka din Kristy" sabi ni Pat.

"Hep hep! HAHAHAHA target niyo yata yung mga Bestfriend ni Blake ha" sabi ko at tumatawa pa.

"Sabihin mo pa! Baka sunod ikaw na" sagot ni Sai.

"No way kaya!" sabi ko.

"Itong si Pat , mas malandi to. Akala mo hindi sila nag uusap sa cellphone ni Ian " sabi ni Lyka.

"Hoy ! Ikaw talagang babae ka chismosa ka e! Sabi ko na pinapakaelaman mo yung cellphone ko! " sagot ni Pat.

"Nakita ko lang hindi ko binuksan. Ang feeling mo! " sagot naman ni Lyka.

Ang sarap nilang maging kaibigan. Kahit anong masasakit na salita kanilang natanggap. Walang may nasasaktan.

"Pano kong palagi tumitibok yung puso mo kapag may kasama kang lalaki?"  tanong ko sakanila.

"Edi gusto mo siya, o di kaya kapag tumitibok ang puso mo kasi may ugnayan kayong nararamdaman. Mutual ganon" sagot ni Sai.

"Eh paano kong mabilis ang tibok ng kanyang puso kapag mag kasama sila pero sa labas niya anyon sinasabi niya na hindi gusto?" tanong ko ulit.

"Kapag ganyan, ayaw mo lang aminin ang tunay na nararamdaman mo kasi nga hate mo yung tao pero deep inside mahal mo " sagot no sai.

"Baka nga" pabulong na sabi ko.

"Bakit mo natanong?"  Kristy asked.

"A-ah kasi yung friend ko, from my old school. Asking for some advice. "Ani  ko.

"Simple lang naman, kapag nararamdaman niya na kapag kasama niya ang isang tao. At bumibilis ang tibok ng kanyang puso. May gusto siya. " sagot ni Pat.

"Yan yung nararamdamn ko kapag nakikita ko si Drake" sagot ni Lyka.

I just rolled my eyes.

"Gustong gusto mo talaga siya e nu" sabi ko.

"Literal! Crush ko siya since Grade 7 until now parang wala lang ako sakanya huhu " sabi ni Lyka with action na parang iiyak.

"Umamin ka kasi" sagot ko.

"Nah, not my thing. Mas okay sakin na tinatago tong feelings ko. Kaysa e reject niya ako. Edi mas masakit pa" sagot ni Lyka.

Napaisip ako bigla. Kapag ang nararamdaman ko na ito at may gusto ako kay Blake. Pano ko masasabi? Sasabihin ko ba? Or susundin ko yung sinabi ni Lyka na wag nalang? Baka hindi niya naman ako gusto. He just want to use me for revenge.

Mix emotions yung nararamdaman ko. Sasabihin ko ba or wag nalang?

Its better if i talk to Saichi alone and  seek some advice. This is not normal for me.

Biglang nag ring ang bell and we need to go back to our classroom.

Our teacher discuss and told us we are having some experiment tomorrow and we need to bring such things she said. After that , uwian na namin.

"Sai, we need to talk" sabi ko sakanya habang inaayos yung bag mo.

"Sure, wait for me" ani niya na inaayos din bag niya.

I texted Blake that he just wait me in the Gate because Me and Saichi have something to talk about.

I already texted Manong Tomas earlier that i can taker my self.

"Lets go" sabi ni Saichi.

Tumango lang ako at pumunta kami sa rooftop ng school.

"Ano gusto mong pag usapan" tanong niya sakin.

"About Blake" sabi ko.

Tumingin lang siya saakin.

"Kahapon ilang beses kong nararamdaman kapag kasama ko siya ang bilis nang tibok ng aking puso. Maraming beses kahapon. Pumunta kami sa bahay nila. Mas nakilala ko siya bilang siya" sabi ko.

"Hindi ko alam Sai kong bakit ito yung nararamdaman ko. May halong inis. Pero kapag tatanongin ako hindi ko gusto e. Pero itong feeling na kapag kasama ko siya ang bilis nang tibok ng aking puso. " dagdag ko.

"I knew it! Yung tinutukoy mo kanina sa canteen ikaw yon ha! " sabi niya at tumango lang ako.

"Sabi ko na e, mahuhulog ka. Alam mo Bri that's not hatred . Mahal mo na. Pinagsiksikan mo lang na hindi mo gusto dahil nga sa mga ginagawa niya sayo. Pero deep inside gusto mo na." sagot niya.

"Gusto ko na ba?" patanong ko sakanya.

"Yeah, gusto mo na" sabi niya.

"You can unloved him naman pagkatapos ng deal niyo pero sayo na yan kapag mas tuluyan kang mahulog. I think Blake was such a nice guy. Its your decisions" dagdag pa niya.

"Madali ba yon? Kasi kapag kasama ko si Blake. I feel something inside me na, malapit kami. May nararamdaman ako" sabi ko.

"Medyo hindi, medyo oo. Kasi alam mo ba Bri. Walang masamang mag mahal. Sayo na yun kong titigil mo. " sagot niya.

"Right! I think we need to keep this. Saatin lang to muna Sai. At tsaka i don't let Blake na malaman niyang gusto ko siya." Sabi ko.

Saichi nood at me and she hugged me.

"Thankyou Sai, you're the best" sabi ko.

She smiled at me and speaking of the devil . Blake was calling.

"I think we need to go" sabi ko.

Bumaba na kami ni Saichi and I saw Blake waiting on me in the gate. I kissed Saichi on cheeks and i said goodbye to her.

Lumapit ako kay Blake.

"Date tayo" ani niya.

"Okay, may bibilhin din naman ako" tumango ako habang bumilis tibok ng aking puso.

Mas bumilis pa nung binigyan niya ako ng bulaklak. Ayan nanaman yung pabulaklak niya.

Naalala ko sinabi ni Saichi.

"Gusto mo na" "Mahal mo na"

——————————————————
CHECK IT OUT CHAPTER 6 ~~~~~>

HIGHSCHOOL LOVERSWhere stories live. Discover now