Prologue

55 3 1
                                    

Boring days, boring life.

Wala na bang katapusang buhay to?

Napadako ang mga mata ko sa mga kaklase kong nag dedebate ukol sa pabor ka ba sa teknolohiya o hindi.

Hanggang sa kolehiyo kailangan pa bang diskusyuhan ang paksang ito? Walang katapusang digmaan at mga pabalik- balik na mga argumento. Nakaka umay.

"Hindi ko naiintindihan bakit mo sinasabing napaka sama ng epekto ng teknolohiya sa atin nang ito nga ang tumubos sa ating mahal na inang kalikasan?" Nilakasan ng aking kaklase ang kanyang boses at ngumisi sa madla.

Hm. Para saan naman yon? Pero nang napansin kong mga nakaw tingin ng aking mga kaklase ay napa irap ako sa inis. Papansin.

"Tinubos sa mga manggagawa para mas maging madali ang kanikang mga trabaho. Kung iyong iintindihin, hindi ba't Ikaw mismo ay nagpapakasasa sa teknolohiyang bumubuhay sa atin?" Humakbang sya paatras at pinwesto ang sarili sa gitna habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa akin.

Bakit pa nga ba ako nandito at nakikinig sa walang kabuluhang  argumentong ito?

Walang patumpik-tumpik pa ay nagsimula na ang kabilang panig. "Ha! Hindi nakakapagtaka bakit ganyan ang iyong mga ugali." Ani nito sabay lingon sa kalabang panig.

"Nagpapakasasa? Walang kabuluhang opinyon. Kung iyong mamarapatin, gusto ko lang sabihin na hindi teknolohiya ang solusyon sa lahat ng bagay! I-aasa sa Stignant ang pagpasa ng mga dokumento dahil napaka dali lang hindi ba? Kaya nga nasca-scam eh! Nakakatawa! "

Hindi ko nakikita ang pinupunto nya. Ano connect? Nag latag ba sya ng biro para matawa ako?

"Yun na nga! Wala nga tayong mga selpon, Facebook, messenger, Instagram! Para makita at makausap natin ang mga mahal natin sa buhay. Kaya kailangan pa nating gumastos ng malaki para sa transportasyon. Kung kailangan natin ng mga litrato para sa mga mahahalagang okasyon kailangan pa nating rumenta ng mga digicam. Kung gusto natin malaman ang balita kailangan pa nating pumunta sa setro at gumastos! Hindi ba kayo nalukungkot sa buhay na ito? Hindi ba kayo nalukungkot na umiikot ang mundo sa teknolohiya?"

Ugh. Yang mga linyahang ganyan na naman. Palaging nalang grade school palang yata ako gamit na ang argumentong iyang.

Pero mukhang epektibo naman ito sa mga kaklase ko dahil madaming nag iingay at nagbubulungan na sumasang-ayon sila sa sinasabi nito.

"Hindi nyo ba gustong maranasan yung kahit saan ninyo gustong pumunta ay may dala- dala tayong gadget na tinatwag na selpon, na kung saan pwede tayong kumuha ng litrato kahit saan, kahit sa banyo, bago matulog, manood ng mga pelikula gamit ito at sa tingin nyo ba, hindi parin nakakapag laro sa labas ng bahay at nagsasama ang mga tao kahit na may cellphone sila?"

Hm. Napaka emosyonal naman ng kanyang mensahe.

Na kita ko na ang pakay nya sa kanyang huling mga salita.

"Sa tingin nyo, tingin nyo hindi sila nagkakatuwaan sa mga ganung eksena sa buhay nila? Kung ang problema nila noon ay pagkaka kulong sa selpon ng mga kabataan. Ngayon naman obsesyon na sa teknolohiya ang ganap." Parang nalukungkot na wika nito at may maliit na ngiti sa labi tsaka bumalik sa pwesto into.

Subalit hindi ito nakatakas sa akin ang mga mainit na palitan nila ng tingin na tiyak walang tamang mga iniisip.

Sa lahat ng pwedeng maglaban bat ang dalawang toh pa?

Kung titignan parang nag away pa ang dalawa sa personalan na dahilan.

Sapagkat, may tama naman sila. Nakuha ang pinupunto nila pero, wala parin eh. Parehong tema lang pupunta. Gusto kung makarinig ng ibang patutunguhan sa ganitong diskusyon. Iniba lang ang pag tulay sa mga ideya ngunit parehong konspeto parin.

Nakakaumay.

Nang natapos ang klase ay ata't na akong makaalis sa unibersidad dahil sa mga nag kalat na mga bangkay na handa akong sugurin.

"Roseanne!!"

"Tingin naman dito, Roseanne!"

"Roseanne! Sandali!!

Wala talaga silang balak na tantanan ako.

Binilisan ko ang pag lakad takbo hanggang sa nakaabot ako sa aking distinasyon.

Sinipa ko ang pinto at humahangos na sinampal ng malamig na hangin ang aking katawan na tagak-tak ng pawis dahil sa pag takbo mula sa mga bangkay na humahabol sakin.

Mula sa aking kinatatayuan, kita ko ang boung sentro ng Ilocos.

Kita ko ang nagtata- asang mga istraktura, lalong lalo na ang Twin Tower kung saan nakatira ang mga malalaking mga tao na gumagasta ng kuryente sa syudad.

Kaakibat noon ang Clock Tower na nagsasaad ng mga mangyayari sa boung mundo.

"Kakapasok lang na balita! Naipasa na sa WUP o World Unity of the People ang dektadora na nagsasaad ng pagbabalik ng mga online games sa boung mundo. Ang kaibahan lang, isang laro lang ang sinabing pwedeng laruin ng mga bawat Isa."

Huh? Laro?

Napadaos-dos ako sa pinto at hinintay ang sunod na sasabihin ng taga ulat.

"Ang game ay tinatawag na Born Wicked na naglalayon ng pagkakaisa ng bawat tao, ano mang lahi, babae kaman o lalaki, edad at bahay mo may malaki, maliit o pwede na, magkakaiba man kulay at relihiyon ay magkakasama parin tayo."

Ang corny naman ng linya nayan.

***
DISCLAIMER;
THE PLACES, EVENTS, NAMES AND CHARACTERS ARE NOT COPY PASTED, RE WRITTEN OR RECORDED BY ANY MEANS. PHOTOS ARE NOT MINE. SO DO NOT REPOST.  THE STORY IS CREATED WITH WILD, WIND IMAGINATION OF YOURS TRULY. PLAGIARISM IS A CRIME.

From the inspiration of Falling Into Your Smile, The National School Hunk Is A Girl, and Love 020 (Yangyang ver.) AND I also play War Craft, LOL, DOTA2, CodM, Roblox, Pubg, Wilddrift, Avalor, ML and Valorant.

Born Wicked Where stories live. Discover now