Nang tumunog bigla ang musik na Beautiful in White by Westlife ay nagsimulang unti-unting bumukas ang pintoan kaya naman kaming lahat ay dun na nakatingin at inaabangan ang magandang bride.

Nang makita na namin si Kaede ay hindi ko mapigilang mamangha dahil sobrang ganda niya. Hindi ko rin namalayang tumulo ang luha ko. Ano ba yan, Athena, para namang ikaw ang kinasal niyan!

Mas lalo akong namangha ng nilingon ko si Zares at nakita ko siyang malamlam na nakatingin kay Kaede na may malambing na ngiti. Hindi rin nakatakas sa pangingin ko ang pagluha ng kanyang mga mata. Nakangiti si Kaede habang papalapit sa soon-to-husband niya. Nagkatitigan lang sila na para bang sila lang dalawa ang nandito sa simbahan.

****

"I pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." Anang pari kaya nagpalakpakan kaming lahat lalo na nung masuyong hinalikan ni Zares si Kaede. Kumibot pa ang mga labi nila at alam kong nag-a-iloveyou-han silang dalawa.

"Congratulations!" Sigaw naming lahat ng magpicture na kami.

"Hey..." May kamay na pumulupot sa bewang ko at natawa ako ng pugpugin ni Daren ng maliliit na halik ang pisngi ko.

"May tao!" Kunwaring saway ko. Hindi niya ako pinansin at mas hinapit pa ako sa kanya.

"You look beautiful."

"Aba'y syempre, ako to oh!" Hindi na siya nakasagot pa at napailing nalang ng pinicturan ulit kami ng photographer.

"Everyone, let's proceed to the venue!" Sigaw ng kung sino kaya lumabas na kaming simbahan.

"I'll introduce you to my dad." Bulong bigla ni Daren ng makasakay kami sa kotse niya.

"A-Ano?" Kinabahan ako bigla.

Natawa siya. "Are you nervous? Don't be. Dad is cool."

"But, you, my parents..." Putol-putol kung usal.

He held my hand. "Babe, it's okay. As if your parents are here. For now, I want you to meet my parents first. Okay?" Mahinang sabi niya kaya kumalma ako.

"Okay..." He squeezed my hand before turning on the car. "Nakita mo na si mom, right? Nung hinabol-habol mo pa ako at napunta ka sa bahay, that's where you met my mom."

Naalala ko bigla ang kahihiyang pinanggagawa ko noon kaya uminit ang pisngi ko. "Kinalimotan ko na nga eh! Wag mo ng ipaalala, please!"

"Aw, my baby is so cute and adorable!" He pinched my cheek. "But seriously, nakakahiya nga yunㅡ"

"KEITH DAREN!" Diin ko habang tiningnan siya ng masama.

He laughed at that. "Just kidding, babe. Love you!"

****

"Mom!" Sigaw bigla ni Daren ng makapasok kami sa venue. Sinaway ko pa siya dahil sa lakas ng boses niya. "Mom, I know you met her already but I want to introduce her to you again. She's Athena, my girlfriend"

Nabaling ang tingin ko sa babaeng pamilyar ang mukha. "Hi, dear. Finally, we meet again. Hindi mo ko dinalaw ulit sa bahay." Ngumuso pa ang mommy ni Daren. Siguro nasa late-40s na siya pero hindi halata sa itsura dahil bata pa tignan.

"Mom! Ayan na naman kayo eh!" Medyo natawa ako dahil sa inakto ni Daren. Ganito ba siya pag kaharap niya mommy niya? Hmm, childish din pala tong boyfriend ko.

"Pasensya na po, na-busy lang po nitong mga nakaraang araw." Daren stared at me teasingly.

"Oh, its okay now. I'm so happy to know na kayo pa rin ng anak ko. Actually, I'm his adoptive mother. Please be comfortable around me, dear." Natigilan ako. Adoptive mother?

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Onde histórias criam vida. Descubra agora