Prologue

8 2 0
                                    

It’s been six years since the last time I have ever been here. A lot of things had changed but the weather remains the same. Hot, summer vibes indeed.

My thoughts immediately fade away after I heard my phone ringing. Of course, it’s my friend who is calling. Whom do I expect to call, right?

“Huy babae! Kanina pa ako tawag nang tawag! Umayos ka nga!” sigaw ni solene kaya nilayo ko ng kaunti ang aking cellphone. Grabe naman, kakarating ko lang.

“Kumalma ka nga, Solene! I just finished everything to settle here tsaka hindi naman kita boyfriend para ganyan ka umasta ha!” natatawa kong sagot sa kaniya. Narinig ko ang bawat mura niya sa akin mula sa telepono.

“Che! Ikaw na lang ang walang boyfriend, tandaan mo ‘yan Elira!” sigaw niya ulit. Totoo ang kaniyang sinabi, mula noong umalis ako rito sa Pilipinas ay nagkaroon na siya ng boyfriend at ‘yon ang dahilan kung bakit ako umuwi, ikakasal na siya next month.

“Oo na, Solene! Nasaan na ba ang susundo sa’kin para tantanan mo na ‘yong kakasigaw mo diyan?” Tanong ko para ibahin ang usapan.

“Pumunta na siya, icheck mo ‘yong kulay blue na kotse diyan. Sinabi ko sa driver na kumaway siya basta may maliit na lalabas sa airport eh, may nakita ka bang kumakaway?” humagalpak siya ng tawa. Bwisit talagang kaibigan ‘to!

Tumingin ako sa mga naka parking at tangina, totoo ngang may kumakaway na driver! Kakarating ko lang, nabwibwisit na ako sa katarantaduhan ng kaibigan ko sa buhay. Akala ko naman tumino na ‘yon simula noong may boyfriend siya pero mas lalong lumala yata!

Pumunta ako roon sa kumakaway at pekeng ngumiti sa kaniya.

“Uhm. Hello po, kuya! Kilala niyo po ba si Miss Solene Valdez?” Tanong ko habang tinitignan siya.

Tumango naman siya at ngumiti. Wow palangiti si kuya.

“Opo, ma’am! Ikaw po ba si Miss Elira? Scam pala si ma’am eh! Sabi niya mukha raw pong bruha iyong susunduhin ko rito, maganda naman pala!” Natatawang sambit niya habang binubuksan niya ang back seat para makapasok ako.

‘Yung bwisit ko kanina ay mas lalong nadagdagan dahil sa sinabi ng driver. Padabog akong pumasok at tinawagan si Solene.

“Oh?? Nakita mo na siya?” Natatawa niyang tanong habang ako ay bumuntong hininga para pigilan ang sarili kong sigawan siya.

“Oo. Nakita ko na. Papunta na kami diyan.” Seryoso kong sabi.

“Huwag ka ngang matamlay diyan. Naiimagine ko ‘yong mukha mong nakasimangot! O siya, maghahanda pa kami ng hapunan namin. Mag-ingat kayo” sabi niya at pinatay ang tawag.

Tumingin na lamang ako sa bintana. Ramdam ko na ang pagod mula sa biyahe. Ang dami nang nagbago. Napapaisip tuloy ako kung kumusta na siya. May iba na kaya siya tulad ng iniisip ko? O kaya hinintay niya ako tulad ng pangako niya?

Umiling ako dahil gusto kong makita niyang hindi na ako apektado sa kaniya kapag nagkita kami. Kaya ko kaya? Kakayanin ko.

Biglang huminto ang driver sa gilid ng isang malaking gusali. Nagtaka ako at tinignan ang pangalan no’n. Bumilis ang tibok nang puso ko.

Sanchez H. Hotel.

“Ma’am, mag book daw po muna kayo ng hotel dito sabi ni Miss Solene dahil hindi ka raw po pwede sa kanilang bahay na manatili. Magkita na lang daw po kayo kinabukasan Kalmadong tugon ng driver kaya tumango na lang ako kahit kabadong kabado na ako.

Tangina mo talaga, Solene!

Lumabas ako at confident na naglakad papunta sa kanilang receptionist at nag book ng isang vip room sa third floor.

“Andiyan na si sir. Mag-ayos kayong lahat!” sigaw ng isang receptionist kaya naman napatingin din ako sa kanilang tinitignan.

It feels like the world has stopped for a moment. The grief. The pain. The longing. Different feelings came the moment I saw him walking straight in my direction. He has grown a lot. His eyes remain the same, cold. His body became more firm than the last time I saw him. His style in fashion became more professional and more neat.

“Good evening, everyone. You may take your break and eat. Thank you for your hardwork.” he said without showing any emotion. Cold.

Binalingan niya ako, kumalabog ang puso ko. “And you, take the keys and go to your respective room. It’s unprofessional that you’re still standing here without employees.” He smirked.

Wow ha!

“Excuse me! This is my first time here so it’s understandable.” I smirked too! Akala niya ha!

“Fine then. If you’re new here, let me send you to your room. No excuses.”

The benchWhere stories live. Discover now