Chapter 5 - Pamamaalam

5.8K 187 15
                                    

Chapter 5

"Iho, kasi ang kapatid mong si Edward na Hit and Run. Nasagasaan siya ng truck at tinakbuhan ng nakasagasa, sabi ng tumawag."

"At iho pumunta ka nalang dito para malaman mo ang kalagayan ng kapatid mo ngayon, sabi ng tumawag."

"Si-sige po, naiiyak na sagot ni Gabriel."

At agad ng naputol ang linya.....

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad ng tumakbo papalabas ng kabilang eskinita si Gabriel.

Habang tumatakbo ito agad siyang sinalubong ni Vincent.

"Oooh pre kamusta, sabi ni Vincent at sabay akbay kay Gabriel."

"P-pre wag muna ngayon, nalulungkot na sagot ni Gabriel"

"Bakit Gabriel may problema ba?, tanong ni Vincent."

"Ah p-pre wala, sagot ni Gabriel"

"Anong wala pre. Meron kang problema. Bakit hindi mo sabihin saakin diba mag-kaibigan tayo kaya dapat nagsasabihan tayo ng mga problema, sabi ni Vincent."

"Ka-kasi pre yung kapatid kong si Edward nasagasaan tapos tinakasan pa, naiiyak na sagot ni Gabriel."

"Ah ganun ba pre. Sige tara puntahan na natin, nagaalalang sabi ni Vincent."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad ng dumiretso ang dalawa sa pinangyarihan ng insidente.

Lumipas ang dalawang minuto..

Agad nang narating ng dalawa ang pinangyarihan ng insidente.

At nadatnan nila ang maraming tao, naguusap-usap na mga pulis at ang katawan na tinapalan ng kulay itim na tela.

Nang makita ni Gabriel ang katawang iyon. Agad niyang pinuntahan iyon at tinanggal ang tela na naka tapal sa katawan ng kanyang kapatid.

Nang tinanggal niya na ito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa kanyang kapatid na si Edward.

Dahil halos malasog ang katawan nito at naliligo ito ng sarili niyang dugo.

Dahil sa nakita. Agad humagulgol si Gabriel at paulit-ulit niyang sinasabi..

"Hindi ko kayang mawala ka Edward. Bakit ikaw pa ang nawala dapat ako nalang, paulit-ulit na sinasabi ni Gabriel."

At dahil doon agad nilapitan ni Vincent ang kanyang kaibigan at sinabing..

"Pre tama na, tama na yan. Tanggapin nalang natin na wala na ang kapatid mo, payo ni Vincent."

"Pre, madali mo lang masabi yan kasi hindi mo kapatid ang nawala, umiiyak na sabi ni Gabriel."

"Kasi Gabriel kung hindi mo tatanggapin na wala na ang kapatid mo mas lalo kang mahihirapan. Tandaan mo meron ka pang nanay. Kung ganyan ang ipapakita mo sa nanay mo baka parehas kayong bumagsak, sagot ni Vincent."

"Oo nga pre. Tama ka kailangan mas lalo akong maging matatag dahil may nanay pa ako, sabi ni Gabriel at sabay punas sa kanyang luha."

"Salamat pre sa payo mo. Tunay ka talagang kaibigan, sabi ni Gabriel."

"Wala yun pre diba mag-kaibigan nga tayo. Ang magkaibigan nagtutulungan, sabi ni Vincent."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad ng pumunta sa Morgue si Gabriel at nakipag-usap doon upang agad ng maipa-crimate ang bangkay ng kanyang kapatid na si Edward.

Regalo (COMPLETED)Where stories live. Discover now