"Hindi naman palpak ang tawag don kundi sacrifice. Pero alam mo, pareho pala tayo dahil nong nag-uumpisa ako rito sa Elite. Kung anu-ano ring kalokohan ang naiisip kong gawin."

Natatawa kami pareho ni Rio.

Jusko nadagdagan na naman ang madaldal sa grupo. Madaldal din itong si Rio pero magaan ang loob ko sa kanya. At masaya ako na nakakausap ko siya.

Kahit ngayon lang kami nagkasama ng taong ito kung umasta kami parang antagal na naming magkakilala.

"....naghahanap ako ng room baka may bakante pa sa room mo, Seya?"

"Walang bakante, kasama ko si Reign sa kwarto."

"Talaga? Woah! Saan kaya ako lilipat para hindi malayo ang kwarto ko sa inyo. Saglit lang ha, pupuntahan ko muna si West para makahanap ako ng malilipatan na kwarto."

"Okay, Rio."

Nagtungo ako dito sa canteen at bumili ng juice at tinapay. Umupo ako at nag-iisip isip. Dapat kasi nagpalipat na lang ako.

Natuktukan ko ang sarili ko. Paano ako makikisama nito kay Reign ngayon. Magkasama kami sa kwarto tapos hay.....Oo na! Aaminin ko na, crush ko siya kaso may GF na siya. Ang sabi ko pa naman noon, ayoko ng crush kasi pang high school lang 'yon.

"Seya, tinapay at juice na naman ang kinakain mo."

Napaangat ang tingin ko-----si Reign.

Umupo siya dito sa tapat ko. Punong puno pa ang bibig ko kaya nginuya ko muna ang tinapay saka ako uminom ng juice. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, at ganon din siya sa akin. Pero nauna akong umiwas ng tingin at inubos ko na itong hawak ko na tinapay.

"Kaya mo na ba talaga? Dahil maghahanda na tayo sa susunod nating misyon."

Tumango ako. "Kaya ko na Reign."

Kanina pa niya ako tinititigan, pero tumayo siya at nagpunta sa counter. Pagbalik niya may dala dala siyang mga pagkain. Kanin at ulam.

"Sabayan mo na akong kumain, hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga. Pasaway ka kasi nag aalala ako na iniwan kita sa mall baka ano na naman maisipan mong gawin doon."

Ano ba akala niya sa akin nababaliw na? Sa tingin ba niya magwawala ako sa mall.

"Busog na ako, Reign."

"Kumain ka puro ka tinapay at juice."

Wala akong nagawa kundi kumain ulit, sumubo ako ng kanin at ulam.

"Kanina yong pinuntahan ko sa restaurant ay kaibigan ko si Erish, isa siyang pulis. Kinamusta ko lang. Hindi na kita isinama dahil hindi niya alam ang totoo kong pagkatao. Ang alam niya isa akong flight attendant."

Natigilan ako sa pagnguya. Kung ganon hindi niya girlfriend yon? Akala ko tuloy gf niya 'yon.

Tuloy-tuloy ang subo niya. Mukhang nagutom siya. Anong oras na rin kasi ngayon.

"Bakit hindi mo pinuntahan yong gf mo?"

Curious lang ako, bakit pinuntahan niya yong kaibigan niya pero yong gf niya hindi niya pinuntahan. Di ba dapat priority ang girlfriend.

"Hmm iniisip mo ba talaga na may gf ako?"

Tumango ako. "Oo, di ba sabi mo may GF ka."

Napansin ko ang bahagyang pagngiti niya.

"Sa susunod dadalawin ko rin siya at dadalhan ng bulaklak kung saan siya nakahimlay."

Nakahimlay? Anong ibig niyang sabihin?

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum