DTR14: Potential Rivalry

25 3 0
                                    

Sassy's POV

Nasa loob ako nang sasakyan habang nakatitig sa isang paper bag. Sa sobrang emotional ko kagabi, sayang hindi ko na nabigay 'yong gift ko kay Justin. I don't know kung kailan ko siya ulit makikita para mabigay ko 'to sa kaniya.

"Okay na po ba kayo, Ms. Sassy?" Pangangamusta ni Carmela. Nakita niya rin kasi ako kagabi pagkatapos kong maiyak.

Hindi na namin pinag-usapan 'yong dahilan, baka nga may idea na siya dahil nandon rin naman siya no'ng dinner. Aware din naman ang PA ko sa nangyari sa parents ko, 'yon nga lang hindi ako masyadong nakikipag-usap pa tungkol sa personal kong buhay. Sinasadya ko talagang maging busy palagi as a coping mechanism.

"Yes, I'm okay." I gave her an assuring smile, which she also gave back to me.

I already composed myself before leaving the house. It seems like I had mastered the art of pretending that everything is perfectly fine.

Babalik na naman kami sa location ng taping ngayon. Hindi ganon kaaga ang call time ko kaya nagkaroon ako ng extra time sa pagtulog, halos 10:00PM na kasi ako nakauwi kagabi.

Nang bumaba ako sa sasakyan ay marami nang tao sa labas. Mga main lead kasi ang kinukunan ngayon. Saglit lang akong bumati sa mga tao do'n tsaka bumasok sa tent na assigned for me. Alerto naman ang makeup artist para simulan akong ayusan.

After almost an hour, lumabas na ako ng tent dahil kasama na ako sa scene. Hindi naman ganon kahirap 'yong role ko kaya nag-eenjoy ako. Parang kahapon lang yata ako dumalas magkamali dahil distracted ako.

"How was the matter yesterday?" Nasa gilid ko na pala si Jeremiah.

"Ah, thanks for helping me yesterday, Miah. Okay naman." I responded after facing him with glee.

"Nice to know. Sa susunod, if may kailangan ka, just tell me. I'd be happy to help." He offered.

"Hmm. Ikaw rin, if ever you need some help. I'll surely do something as much as I can." Syempre hindi naman pwedeng ako lang ang hihingi ng tulong, pwede rin naman ako 'yong tumulong.

"Sige, aasahan ko 'yan." He gladly accepted my offer.

Mayamaya lang, sumalang na kami sa harap ng cameras. It was a smooth take kaya mabilis lang kaming natapos. Sabay-sabay na rin kaming naglunch sa set. Ang sayang nakakasalamuha na rin namin pati ang mga veterans. Walang discrimination or anything, para na kaming nagiging pamilya.

"Makikitaan talaga sila ng chemistry eh. Baka nga sa susunod magkaproject pa sila as main leads." Dinig kong sabi ng director at nasa amin na pala ang tingin ng marami. Sa amin ni Miah.

Nagsipag-agree naman ang mga kasama namin dito. May mga dumadagdag pang compliments at nanunukso pa ang iba.

Hindi ako nakapagsalita, nag-thank lang sa kanila si Miah tsaka ako kinalabit. Nilingon ko siya at parang sinasabi niya sa'kin na dapat akong magreact ng maayos kahit sa mata lang kami nag-uusap. Wala sa plano ko ang makipag-loveteam, tinanggap ko lang 'tong project dahil supporting cast lang naman ako. I'm just trying this for fun, mas gusto ko pa rin ang magperform.

Ayaw ko namang maoffend sila sa'kin kaya nagpasalamat na lang din ako dahil sa nakita nilang potential sa'kin.

"You don't plan to do acting long-term?" Pagkatapos ng lunch ay pinili kong maupo sa isang bench para mapag-isa muna pero sumunod naman si Miah.

"Was I that obvious?" Nilingon ko siya tsaka nagsalita.

"At least to me, yes, obvious nga." Sagot niya.

Define The Relationship (SB19 FF: Justin)Where stories live. Discover now