"Nahihirapan man ako aling Myrna ngunit hinding hindi po ako susuko. Hinding hindi ko bibiguin ang aking mga kapatid sa kanilang mga pangarap sa buhay dahil ako lang ang tanging pwede nilang asahan na makakapagbigay ng kinabukasan sa kanila at igagapang ko sila sa abot ng aking makakaya" luhaang sagot ni Aleah.

....

Biglang nagising si Aleah at mga kapatid nito dahil sa kalampag na nagmumula sa may pinto nilang gawa sa tagpi tagping tabla. Napabangon ng wala sa oras si Aleah saka tinungo nito ang batalan upang maghilamos at mag mumog saka nito tinungo ang pinto.

"Aleah pakibuksan ang pinto! sigaw ng babae sa labas ng pinto na agad na nakilala ni Aleah.

"Ikaw pala Michelle! Kailan ka dumating? tanong ni Aleah saka niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at pumasok si Michelle.

"Kaninang madaling araw lang! O heto pasalubong ko sa inyo at kainin na ninyo ang pandesal na binili ko kanina sa dumaang nagtitinda" ani Michelle sabay abot ng mga dala nito kay Aleah.

"Salamat Michelle" tanging sabi ni Aleah saka nilagay sa plato ang mga pandesal at nagtimpla ng kape para sa kanila.

"Graduation pala kahapon nila Memi at Gina? Sayang hindi ako nakaabot" muling sabi ni Michelle sabay inom ng kapeng tinimpla ni Aleah habang naka de kwatro ng upo at halos kita ang singit sa ikli ng short na suot nito at ang nakasuot ng hanging shirt na kita ang pusod.

Sanay na naman si Aleah sa kilos ng kaibigan dahil alam niya ang trabaho ng kaibigan bilang dancer sa club sa Maynila ngunit hindi niya kinukwestiyon ang kaibigan dahil wala siya sa lugar para panghimasukan ang trabaho nito.

"Michelle sa dati ka pa ba nagta trabaho? maya maya ay tanong ni Aleah na napatigil ang kaibigan sa tanong nito.

"Oo Aleah, bakit? takang tanong ni Michelle dahil ngayon lang siya tinanong ng kaibigan tungkol sa trabaho nito.

"Wala naman naitanong ko lang" nahihiyang sagot ni Aleah....." Wala bang pwedeng mapasukan na iba sa Maynila na pwede ako? walang kiyemeng tanong ni Aleah dahil nais niyang makipagsapalaran sa ibang lugar baka sakaling doon ang kanyang swerte.

"Sa Maynila ay maraming mapapasukang trabaho kung matiyaga ka" sagot naman ni Michelle....."Bakit gusto mo bang magtrabaho sa Maynila? pormal ang mukhang tanong ni Michelle.

"Kung pu pwede sana ay gusto kong subukang magtrabaho doon dahil wala akong mapasukang trabaho rito sa atin. Kasi ilang buwan nalang at magpapasukan na naman at wala akong alam na pagkuhanan ng pangmatrikula ng mga kapatid ko at gastusin sa pagbili ng gamit nila kaya kailangan kong maghanap ng trabaho habang maaga pa" paliwanag ni Aleah na naintindihan naman ni Michelle.

"Eh kung gusto mo ay sumama ka sa pagbabalik ko ng Maynila sa susunod na araw para makapaghanap ka ng mapapasukan mo" mungkahi ni Michelle sa kaibigan.

"Talaga Michelle? Pwede akong sumama saiyo?masayang sabi ni Aleah na halis mayakap na nito ang kaibigan sa sobrang tuwa ngunit.

"Ano Aleah? Sasama ka ng Maynila kay Michelle eh alam mo naman na sa bar nag ta trabaho ang pamangkin kong iyan? singit ni aling Myrna na noon ay biglang napalingona ang dalawa.

"Tiyang Myrna! Kahit naman po ganito ang klase ng trabaho ko ay hindi ko naman po ibinubuyo si Aleah na pumasok sa ganoong klaseng trabaho! Gusto niyang magtrabaho sa Maynila kaya sinabi kong pwede siyang sumama sa akin. At saka kung sakaling yayain ko siya at tumanggi siya? Mapipilit ko bang pasukin niyaang mundong ginagalawan ko? Hindi diba dahil kahit na pa isa lang akong pukpok ay alam ko rin ang ipkakapahamak ng aking kaibigan" parang napipikong sagot ni Michelle sa tiyahin.

"Oo nga po aling Myrna, ako po ang nagpapatulong kay Michelle na makapunta ng Maynila para maghanap ng trabaho doon na kahit na maging sales lady o katulong dahil wala akong pag asa rito na makakita ng trabaho" paliwanag ni Aleah na tumango tango nalang ang matanda dahil parang napahiya ito sa mga sinabi sa sarili niyang pamangkin.

"Pasensiya kana iha, naaawa lang ako kay Aleah kaya nasabi ko iyon at nag alala na rin dahil baka mapariwara lang siya kung sakaling sa club siya mag trabaho"nahihiyang turan ni aling Myrna sa pamangkin.

"Ako rin naman po tiyang awang awa rin po ako sa kanila dahil alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang nawalan nang mga magulang ngunit nagpapasalamat parin ako dahil naririyan kayong lagi sa tabi bilang ina ko na laging umiintindi sa katigasan ng ulo ko at tumatanggap ng buong buo sa akin kahit na alam mong usa akong salot sa lipunan, isang babaeng ikinakahiya ng lahat, isang babaeng nagbibigay aliw sa mga lalaking hayok sa laman para lang makuha ko at maranasan kahit paminsan minsan ang kasaganaan sa buhay. Kahit na ang katumbas niti ay ang buo kong pagkatao ngunit hindi alam ng marami na kahit ganito lang trabaho ko ay ipinagmamalaki ko parin dahil wala akong pini perwisyong tao kundi sarili ko lang ang aking ginagamit hindi ibang tao" maluha luhang pahayag ni Michelle.

"Pamangkin ko kahit na ganyan ka ay mahal na mahal kita dahil ikaw lang ang naiwang ala ala ng mahal kong kapatid at kahit na ganyan ang trabaho mo at matigas ang ulo mo minsan ay mahal parin kita" saad ni aling Myrna kaya naman nagkaiyakan ang mag tiya maging si Aleah ay naiyak narin.

....

Iyakan ang magkakapatid na sina Aleah, Memi at Gina dahil sa araw na iyon ay paalis na ng Maynila sina Michelle at Aleah. Dahil hindi sanay na malayo si Aleah sa mga kapatid ay halis magang maga na ang mga mata nito sa kaiiyak dahil hindi niya kayang iwan ang kanyang mga kapatid ngunit kailangan niyang gawin ito para matupad ang mga pangarap niya para sa mga kapatid.

"Ate iiwan mo kami ni Gina? humihikbing tanong ni Memi habang yakap yakap nito ang kapatid na luhaan din.

"Mga kapatid ko, kailangan kong gawin ito para sa inyong dalawa. Para sa atin din ang gagawin kong ito dahil nais kong maipagpatuloy ninyo ang inyong pag aaral. Nais kong matupad ang mga pangako ko sa ating mga magulang. Ayokong matulad kayo sa akin kaya kunting tiis lang ang kailangan nating isakripisyo para makapag aral kayo Memi at Gina.At Wag kayong mag alala dahil naririyan na,an si aling Myrna at alam kong hinding hindi niya kayo pababayaan" umiiyak na saad ni Aleah at biglang niyakap ang dalawa nitong kapatid kaya mas lalong nag iyakan ang tatlo at maging sina Aling Myrna at Michelle ay umiiyak naring yumakap sa magkakapatid.

Ano ang magiging buhay ni Aleah sa Maynila?

Matutupad kaya niya kanyang mga pangarap at pangako sa mga kapatid?

....itutuloy.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoWhere stories live. Discover now