PROLOGUE

1 0 0
                                    


      

          > AUTUMN AMETHYST <

                     > YEAR 2013 <

Uwian na at wala parin si tito upang sunduin ako. Kasama ko ngayon Chie kaklase at kapit bahay din namin matanda ako sa kanya ng tatlong taon kaya naman mas mataas ako ng kunti sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng gate ng skwelahan ngayon at inaantay si Nilson upang sunduin kami, ang sabi nito kasi sakin kanina na susunduin niya nalang daw ako kasi mamamasada siya.

Ngunit mag aalas singko wala parin siya medyo madilim na ang paligid kaya kinakabahan na din ako.

Di rin ako makakasakay ng ibang traysikel dahil wala akong pamasahi, limang piso lang kasi ang ibinigay niya sa akin kanina kasi sabi niya ay susunduin niya naman daw ako.

"Autumn sumakay nalang kaya tayo mag gagabi na oh baka mag alala na naman si lola sa akin."-sabi ni Chie

"Wala akong pamasahi Chie eh, sabi kasi kanina ni tito susunduin niya nalang daw ako, limang piso lang kasi ang binigay sa akin."

Totoo naman talaga na wala akong pamasahi gaya nga ng sabi ko kanina limang piso lang ibinigay ni tito.

"Ano ba naman yang si ninong highschool na tayo pero ganun parin ang baon na ibinibigay sayo."

"Hayaan mo na nga aantayin nalang natin siya ayaw ko rin kasing iwan ka mag isa dito."

"Salamat Chie"- tugon ko nalang sa ka ibinalik ang tingin sa daan at tinatanaw kung nandito na ba si tito Nilson.

Bumibigat na ang nararamdaman ko gabi na kasi paniguradong pag bubunga ngaan na naman ako ni nanay, pagagalitan na naman ako at kung ano-anong masasakit na naman na mga salita ang maririnig ko.

"Autumn,Chie nandito pa pala kayo? gabi na ah, sumabay nalang kayo samin ni Kuya hahatid kayo ni kuya sa inyo."- biglang sabat ni Christian na ngayon ay naka angkas na sa motor ng kuya niya.

"Buti ka pa tian makakauwi ka na, inaantay pa kasi namin tito ni Autumn susunduin daw kasi siya kaya sasabay nalang ako."- tugon ni Chie

"Nako gabi na mga babae pa naman kayo, tara na idadaan ko lang si Christian sa amin tapos hahatid ko kayo sa inyo."- sabi ng kuya ni Christian.

Nagdadalawang isip akong sumabay dahil baka may maka kita na naman na mga chismosa sa amin at kung ano na naman ang e tsitsimiss.

"Chie sumakay ka na dito nalang ako antayin ko nalang si tito, baka galitan ka ng lola mo gabi na."- sabi ko kay Chie

Ngunit ayaw sumakay ni Chie ng di ako kasama at ayaw rin kaming iwan nila Christian dahil kami nalang ang tao dito at dilikado daw kasi nga mga babae kami.

Bit-bit ang kaba sa dibdib umangkas kami ni Chie sa motor nila Christian at umandar na ito paalis.

Habang nasa daan nag-uusap si Chie at Christian habang ako tamang pakikinig lang sa kanila. Kanina pa bumibigat ang dibdib ko baka kasi sunduin ako ni tito tapos wala na ako doon paniguradong pagagalitan na naman ako nun.

"Diba tito mo yun Autumn?."- biglang usal ni Christian tiningnan ko ang gawi na sinasabi niya at di nga siya nagkakamali.

Si tito nga iyon may pasahero at makakasalubong namin.

Nang mag sulubong ay yumuko ako sa takot na makita kami ni tito,ngunit sa di inaasahan nahagilap ni tito ang tingin ko.

Abot-abot ang kaba sa dibdib ko dahil sa tingin na iyon ni tito alam kong may mangyayari sa bahay mamaya na ikakagimbal na naman ng pagka tao ko.













©Secret pen.





AUTUMN AMETHYST- OBSESSION SERIES 1Where stories live. Discover now