Chapter 27: Happiness Pt.2

1K 40 0
                                    

Chill's POV


December 26, andito pa din kaming magbabarkada sa resthouse nila Johndel. Napag-usapan na namin 'to sa Manila pa lang na 28 na kami uuwi. Andito kami ngayon sa isang magandang park na may basketball court mga naka jersey kami. Ako pang basketball pati ang mga lalaki, yung ibang babae e, jersey na pang volley ball. Yun trip nila e, ako basketball.


Nag pustahan kami. At sino pa ba ang mananalo syempre kung wala ako talo sila Johndel tch. May pera na naman ako! nang matapos ang ilang beses naming pustahan ay lumapit kami sa mga nag va-volleyball. May mga kalaro sila na babae din. Umupo ako at Johndel at ang mga loko ay nag chi-cheer kila Kylie na nakipag pusta siguro.


Nag punas ako ng pawis at uminom ng tubig, nagpapunas kay Johndel ng likod at ganon din siya. Nanood kami at nang matapos ang SET 3 ay panalo sila Kylie at ayon may pera din sila hahaha. Ang lakas pala mag spike ni Jellie, elibs ako doon ah.


Napag desisyonan namin na kumain sa isang simple restaurant dito dahil panalo kami sa pusta. "Sino ba ka-pustahan niyo, Chill?" tanong ni Ate Jelay.


"Mga taga rito ata, lalaki rin." Simpleng sagot ko at uminom ulit ng tubig.


"Magkano ba pustahan, Kuya?" Tanong ni Jade na pawis na pawis. Pinunasan muna ni PJ ang pawis ang kapatid at sinagot na ang tanong, "1 thou lang. Tangna brad! pulubi sila e no?!" PJ na nakipag apir pa kay James. Ayan, na naman ang mahangin na si JamesPatootie.


"Oo, tangna! mga mukha nila parang binagsakan ng lupa at langit! pfft! wala e, syempre kasama niyo ako sa laro." mayabang niyang sagot. Binatukan siya ng mga lalaki at inasar.


"LOL! paano babagsakan ng lupa e, tayo nga nakatapak sa lupa. Hindi ka nga maka-puntos ng tres kanina e! kapal nito." sabat ko.


"...buti pa ako three point shooter." dugtong ko na mejo nagmamayabang. At ayon, binatukan din nila ako maliban kay Johndel.


"Yabang!" James


"Oy! atleast may ibubuga 'no! 'di tulad sayo na puro depensa lang! Tangna! nakaka-hiya 'yon, James Patootie!" Pagdiin ko sa James Patootie niya. Nagtawanan sila at inasar si James. Si James naman, naka mukha-asim lang. LOL!


Nauuna ako maglakad dahil sila inaasar pa si James. Lumapit saakin si Johndel at inakbayan ako. Pinunasan niya ang pawis ko sa noo at hinalikan iyon. "Ang lakas mo talaga mang-asar." Sambit niya na tumatawa.


"Hindi ka parin nagbabago. Mejo na-miss ko nga yung lagi mo silang trip! hahaha!" LOL! oo nga 'no mejo hindi ko na ginagawa 'yon.


Tumawa na lang ako at ng dumating na kami sa restaurant na nilakad lang namin dahil mahangin naman ay umupo na kami agad sa isang malaking lamesa at maraming upuan.


Nag order kami ng hindi naman karamihan pero sakto lang. Mga lutong bahay naman ang nandito eh kaya masarap. Habang kumakain kami ay may music na tumututog somewhere sa restau na 'to. Callalily pa. Na relate tuloy ako sa ginagawa namin ngayon na nagtatawanan at asaran. Ako lang ata nakaka-rinig kasi kain lang ako ng kain dito samantalang sila ang ingay. Lalo na ng mga lalaki.


"Ngunit ngayon 

kay bilis maglaho ng kahapon

Sana'y huwag kalimutan 

ang ating mga pinagsamahan..

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na

Minsan tayo ay naging

Tunay na magkaibigan.."


Napa-ngiti ako. At napansin nila iyon at ayon, saakin na napunta ang atensyon at nang asar na naman.


"Ahhhhh ahhhhh.. 

Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin 

Inuman sa magdamag 

na para bang tayo'y mauubusan.."


"Sa ilalim ng bilog na buwan

Mga tiyan nati'y walang laman

Ngunit kahit na walang pera

Ang bawat gabi'y anong saya.."


Napansin ng mga lalaki ang music at naki sabay sa pag-awit kahit maingay oks lang sakanila. Sumabay na din kaming mga babae.


"Ngunit ngayon 

kay bilis maglaho ng kahapon

Sana'y huwag kalimutan 

Ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na

Minsan tayo ay naging

Tunay na magkaibigan.."


"Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari

Kahit na anong gawin

Lahat ng bagay ay merong hangganan

Dahil ngayon (ngayon) tayo ay nilimot ng kahapon

Hindi na mapipilitang 

buhayin ang ating pinagsamahan.."


Matapos ng kanta nagtawan kami at nag high five naman ang mga lalaki at nag buhatan na naman ng bangko. Kesyo ang ang ganda daw ng boses nila, kesyo talo daw ang bokalista ng Callalily sa boses nila.


Nagbayad na kami ng bill at ako lang ata ang hindi nakapag ambag dahil si Johndel na daw ang sasagot sa ambag ko. Mejo malaki din ang bill namin daw nang Dessert pa kami.


Naglakad ulit kami pauwi para naman ma-digest ang kinakain namin na sobrang dami at puro putahe.


Nasa likod nila ko ngayon at pinapanuod sila. Ang saya nila tignan dahil makukulit pati ang mga babae. Tumatawa ako habang pinag pe-pyestahan na naman nila si James at Kylie. Mga ugok talaga.


Isa lang ang napagtanto ko ngayon. Na makita ko lang silang ganyan masaya na ako, buo na araw ko. Nawawala sa isip ko na pagkatapos nang mga ito ay may sasalubong na lungkot at problema.


Pero ganon pa man masaya ulit ako na anjan lang sila palagi para sa isa't-isa masaya na ako.

One of the Boys (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin