Part three

0 0 0
                                        

Ilang araw pa ang lumipas at dumating ang result ng autopsy. Balisa ang lahat sa explaination. Dahil pati ang colonial na gamit sa pagpatay ay walang finger prints.

"Nakakasigurado ba kayo na walang pumasok sa lugar kung nasa'n kayo?o wala ba s'yang kakaibang kinikilos bago mangyari ang insidente?" Tanong ng pulis

"Naka-lock ho lahat ng pinto bago kami magsipagtulog. Kahit naman nung sinugod sa ospital si vin eh naka-lock padin ang mga pinto."hayag ni ara
"Pa'no ka nakakasigurado?"

"Ho?siguradong-sigurado. Ako ang naglock ng lahat ng pinto. Ako din ang nagbukas nung binitbit si vin."mataas na ang boses ng dalaga

"Teka nga lang ho? parang sa huling sinabi n'yo eh parang sinasabi n'yong nagsuicide s'ya."anas ni brent

"Posible din naman 'yon."sagot ng pulis

"Damn! Are you out of your mind? Kayo ho ba kaya n'yong mag-suicide ng gano'n kasaklap? Kadaming parte ng katawan na pwedeng saksakin para magpakamatay,ba't sa bunganga pa?"anas parin ni brent.

"Kumalma ka brent."pang-aalo ni amber

"My point naman ho si brent do'n,isa pa... nasa fifth floor kami. Kung suicide 'yon, ba't 'di nalang s'ya tumalon sa bintana?isa pa, diba ang mga nags-suicide,may last letter?"tugon ni miro

"Oo,may point kado'n hija."sagot ng pulis. Napatingin si kiel kay miro
"Hijo ho."pantatama naman ni kiel
"Ok, hijo. Sorry..."ulit ng pulis "...kung hindi suicide,ano pa ang rason kung bakit s'ya namatay?kayo narin ang nagsabi naka-lock ang mga pinto,ibig sabihin walang nakapasok. Pwede ring isa sa inyo ang pumatay."natigilan ang lahat sa salita ng pulis.

"...tengene! Isa daw sa'tin ang pumatay? Adik ba s'ya?ba't naman gagawin natin 'yon? Kung sakali man na isa sa'tin ang may galit sa kan'ya 'di naman siguro rason 'yon para pumatay yung taong 'yon."sabi ni ara

"Guys ngayon palang,kung may naging galit kayo sa kapatid ko sabihin n'yo na 'di ako magsusumbong sa pulis."sabi ni jessie

"Nagbibiro kaba?that's so rude. Tingin mo ba gano'n kami kasama?"anas ni brent.

"Brent naman? Let her,naguguluhan lang s'ya sa nangyari."sabi naman ni amber

"Hindi lang naman kami ang pwedeng suspect. Diba ikaw rin naman,nagkaro'n kayo ng alitan tungkol sa pamana ng magulang n'yo?"napatingin ang lahat kay jessie nung banggitin 'yon ni miro.

"How dare you!!!hindi ko gagawing pumatay para lang sa pera!"galit na napaiyak nalang si jessie akmang susugurin na n'ya si miro nung awatin s'ya nila kiel.

Magaalas dos na ng gabi
"...ano nga kaya sa tingin mo ang nangyari?"tanong ni ara habang sinusuklayan nito si amber

"Honestly, 'di ko din alam. Napakamisteryoso ng nangyari eh."sagot ni amber

"sana malaman na natin para naman mabigyan ng hustisya si vin."sabi pa ni ara,tumugon naman si amber nung mapatingin sa cp si ara dahil sa may nag-txt. Pagkabasa n'ya ay agad s'yang tumayo.

"Oh bakit?"tanong ni amber

"Lalabas lang ako sandali,may pupuntahan ako."sagot ni ara.

"Huh?sama 'ko. Hating-gabi na baka mapa'no ka sa daan."

"Wag na,papasalubungan nalang kita. Ano gusto mo?"tanong ni ara.

Bago bumaba ng kotse si ara ay nagpabango muna ito saka sinipat ang sarili. Ngumiti ito ng maganda saka lumabas.
Nagtaka pa ang dalaga nung makita n'yang bukas ang gate ng pupuntahang bahay pero 'di n'ya 'to pinansin at pumasok nalang s'ya agad.
"Brent? Brent..."tawag n'ya habang papaakyat sa hagdan,dahan-dahan pa 'yon. Napahinto s'ya nung makarinig ng kung ano kaya pinakiramdaman n'ya 'yon. Nanggagaling sa kwarto ni brent. Tinapat n'ya ang tenga sa pinto nung muli n'yang marinig ang kakaibang tunog kaya bumugso ang kakaibang pakiramdam sa kan'ya at agad n'yang binuksan ang pinto nung mamulagat s'ya sa nasaksihan.
Gano'n nalang din ang pagkagulat ni brent nung makita si ara.
Nagbabadya na ng pagluha ang mga mata ng dalaga habang titig na titig kay brent na nakahubad at ang isang dalaga na nakabalot lang ng kumot.
"Shit you are!" Anas ni ara na sinugod ang babae.
"w-wait ara!"gulat na awat ni brent pero huli na naabot na ng dalaga ang buhok ng babae at nahila na n'ya ang babae pabagsak sa sahig.

The chain messageWhere stories live. Discover now