Chapter 2- That Smirk

Start from the beginning
                                    

"Happy birthday, Freen! This is Mama Aom. I saw you with your friends. Hindi ko na kayo inistorbo. Do treat them for me."

Nakamot ko ang ulo ko kahit wala naman akong kuto o balakubak. Biglang nangati e. Sinabi ko agad ito kay Mama. Sabi ko ibalik niya 'yong sinend ni Miss Aom.

"Naku, 'Nak. Magtatampo 'yon. I-treat mo na lang sina Tee."

Hay! Pinaforward ko ang line number ni Mrs. Aom para makapagpasalamat. Ang reply lang niya ay welcome at tatlong emoji na nakangiti. God! Ano ba naman itong pinaglagyan sa aking sitwasyon nina Daddy!

"Gusto niyong magshopping?" Tanong ko sa mga kaharap ko.

Para namang silang mga nakakita ng multo. Titig na titig sa akin.

"Adik ka ba? Wala pang sahod. Shopping ka diyan." May inis na sabi ni Jim. "500 na lang laman ng wallet ko. Haha! Manglilibre ka ba Tee? Baka naman."

"My treat." Tipid kong sagot. "Hhmm?"

"Naku! Busog na pala ako. Tara shopping muna tayo." Nilagay ni Kade sa paper bag 'yong doughnut na kakagatin sana niya. "Hoy. Baka magbago ang isip nito. Tara na." Hinila-hila pa niya sa braso si Jim. "Once in a lifetime lang 'to."

---

While they are busy looking for some clothes, inabala ko naman ang sarili ko sa pagtitingin ng pictures n'ong Rebecca Armstrong.

Freshman pala siya sa Dong Feng. Hindi na nakakapagtaka naman na doon siya nag-aaral. I just don't hear about her. Or I am just focus sa work ko? Nonetheless, she is pretty. Based on her posts and pictures, she's out and proud into women.

Is it safe to say that she's a womanizer? Paiba-ibang babae ang naka-post na kalambingan niya. May mga pictures na they are almost kissing. And this woman ang gusto ni daddy na pakasalan ko? This is living in hell! Plus ilang taon na ba siya? 18? God! Parents ko talaga!

"Sino 'yan? Hoy! Angganda!" Exclaims Jim.

Nag-exit ako agad sa app. "Nothing. Tapos na kayo?"

Mapangduda ang tingin niya sa akin. "Ikaw, Freen ha? May nililihim ka ba? Saka bata pa 'yon ha? Makasuhan ka ng child abuse! Haha!"

"I just happened to stumble on it. Tinignan ko lang. Pila na tayo sa counter. Then magpa-footspa tayo."

---

Nakikinig lang ako sa mga kwentuhan nila habang nakapikit ako. Sana kasabay sa pagtanggal ng kalyo ng paa ko ay matanggal din ang stress ko. Just thinking about marrying without my consent is fvcking irritating. Paano pa kung magkasama kami sa iisang bahay?

"Bakit kayo nag-break ng gf mo? Boring ba siya?" asked Kade. "Deleted lahat ng pictures niyo ha? Saan ka kumukuha ng sipag para magdelete? Haha!

"Nope. Individual differences. And I met someone."

"Gago! Individudal differences ka pa. Ma-chics ka lang talaga! Haha!" Nang-aasar na sagot ni Kade. "Bueset ka talaga. Tumino ka na! Hindi ka na bumabata."

"Oo nga naman, Tee. Tingnan mo itong si Freen. Matino na. Hindi na adik! Bugnutin na lang! Haha!" Panunukso pa ni Jim.

Buti hindi niya nababanggit 'yong nakita niya kanina. Siguro ay naniwala siya na hindi ko sadya ang pagtingin ko sa profile n'ong Rebecca.

"Oh my God! Freen!"

Napamulat ako nang tumili si Jim. Nakakahiya sa mga nag-aattend sa amin! Pati paa niya ay napasipa e.

"Ano ba 'yon? Bakit ka tumitili?!" Inis kong tanong. Naghihintay nga kaming tatlo sa sasabihin niya.

"Freen! Naalala ko na! Naalala ko na!"

"Ang alin?" Para kasi itong tumama sa jackpot. Napalo-palo pa niya ang braso ni Kade.

"'Yong girl kanina. 'Yong tinitingnan mong profile! Only daughter nina Miss Tina 'yon!"

Fvck? Akala ko naman nalimot na niya! Act normal as if nothing is happening, Freen.

"Teka ha? Baka naman friend mo din siya in secret? Parang parents niyo? Don't tell me, bukod sa amin may friends ka pang close sa'yo."

Safe! 'Yon lang pala ang concern niya.

"Student namin siya." Sagot ko saka muling nag-relax ng upo. "Hindi ko pa siya na-meet."

And sana nga hindi ko na ma-meet. Cancel wedding sana.

---

Chill and Heal Bar.

Tee owns this bar. Everyone is welcome here. Evident naman sa mga interior designs na nagsusumigaw ng LGBT! Pero karamihan nang nagpupunta dito ay mga girls. Siguro kasi kilala naman na ang owner ay lesbian.

"Madalas tayong tumambay dito. Hindi ka naman nababaliko?" Asked Jim after drinking her shot. "'Yong totoo?"

Umiling ako. "Nothing interesting."

Umusog pa siya sa tabi ko. "Hindi ako sigurado ha? Hindi ko lang sinabi kanina. Pero 'yong Rebecca. At 'yong pagkunot ng noo mo n'ong chinecheck mo ang profile niya. Girl, I know you. May problema ka ba sa kanya?"

Umiling ako agad. "Something just came up. Kaya na-curious ako."

"Sure ka? Hind sa wild ang imagination ko ha? Girl, child abuse 'yon. Bata pa 'yon."

"Walanghiya ka talaga! Iniisip mo bang type ko 'yon? No way!"

Pinagtawanan pa talag ako. Curious talaga sila kung baliko ako kasi parents ko nga ay parehong babae. Kaso wala e. Hindi pa ako nagkakagusto sa babae. And if ever? Not that Rebecca. I'll just think of a possible option para hindi magpakasal sa kanya.

I excused myself. Lalabas na muna ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga ilaw.

"Bumalik ka ha? Baka mamaya escape to house na 'yan. Wala ka pang ambag dito. Hindi pa 'to bayad! Haha!" Kade talaga! Mukhang pera!

"Oo. Masakit lang sa mata 'tong pailaw." Iniwan ko pa ang phone ko sa kanya para maniwala siya.

Tumayo na ako. Ininom ko pa ang natitirang alak sa glass ko. Paglingon ko, hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil may kumawit sa batok ko! Angbilis ng pangyayari! Magkalakip na ang mga labi namin!

Shit! Anglambot ng labi niya. She's like tasting my lips like candy. She pulls me even closer! Babae siya! Come to your senses, Freen! Shit! Kinagat ko ang labi niya. Saka lang siya tumigil sa paghalik at itinulak ako.

Sumakto ang sabay-sabay na switch ng mga led lights. It's her! It's Rebecca!

Ngumisi pa siya saka tumalikod at lumayo. 

---

AN: I hope to see you in GIVE YOUR FOREVER (FreenBeck Fanfiction) private group. 

One Time Payment will be Php200 via GCASH. 

This story has minimum of 40 chapters with 80000-100000 wordcount. 

I will keep you updated as soon as the group is ready. 


Give Me Your ForeverWhere stories live. Discover now