85

845 35 9
                                    

"Dravis." Tawag ko kay sakanya.

"Hm?" Sagot nito sa'kin.

"Kinakabahan ako, what if madapa ako mamaya sa stage? nakakahiya 'yun." Sabi ko naman.

Natawa lang 'to at tinignan ako. "Akong bahala pag may tumawa sayo." Sabi nito at niyakap ako.

Medyo nahiya nga ako kasi ramdam ko 'yung ngiti ni tuta at halatang nakikinig sa usapan namin. Si tita na nag drive papunta sa school ko.

Nang makarating kami sa school ko ay dumiretso na ako sa rest room para isuot ang toga ko. Nang masuot ko 'to ay dumiretso na ako kay kila tita para ituro sakanya kung saan sila uupo ni dravis.

"Taray sis, pogi nung bf mo ha." Sabi sa'kin nung isang block mate ko.

Nginitian ko lang 'to. "Sympre naman magaling ako pumili ng kauululan e." Sagot ko kaya parehas naman kaming natawa. Puro kasi ghoster at mahal pa ang ex nakukuha niya.

"Prayer reveal naman diyan." Dagdag pa niya.

"Ama namin 3× a day." Sagot ko na lang sakanya. Hindi rin nag tagal ay nag simula na. 'yung iba kong blockmates nag-siiyakan na unang kanta pa lang kaya natawa naman ako.

Ilang graduation song lang ang sinalang at nag simula na silang mag tawag. Tatlong section na nga lang ay kami na kaya mas lalo akong kinabahan.

Natigilan ako ng biglang tumunog 'yung phone ko.

bebi

9:25 AM

hi baby

don't be nervious okay?

i love you

bebiii

huhu

malapit na

you're so cute

i want to kiss you

same :((

parang gusto ko na din agad matapos para we can cuddle na

okay baby

later

stop using your phone na

sunod na kayo

goodluck baby

always remember that i'm so proud of you

Napangiti na lang ako sa mga sinabing 'yun ni Dravis. medyo nawala ang kaba ko dahil sa mga sinabi niya, tumayo na rin kami ng nag signal na 'yung prof namin.

"Solis, Sittie Leix L. Magna Cum Laude." Sabi ni Mr. Torres at sinabihan ako ng medal ni Tita.

"I know your mother is so proud of you Sittie, and like her i'm so proud of you sweetie." Sabi ni tita kaya tuluyan na akong naiyak.

Thankful ako kasi nandito si Tita para palitan si Mama pero mas gusto ko pa din kung si Mama mismo ang mag sasabit sa'kin pero wala eh nang iwan siya agad.

"Tita naman e, nag papaiyak pa." Sabi ko at pinunasan ang luha.

Nag picture lang kami doon at nang makita ko si Dravis na malawak ang ngiti at may bulaklak na dala ay mas lalo akong naluha.

so lucky so have them.

Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. "Congratulation my love, so proud of you." Sabi nito at hinalikan ako. Nag take lang din kami ng iilang pictures at hinintay na lang matapos ang program.

Nang matapos ang program ay umalis na kami at dumiretso na sa Tagaytay. Si Dravis na 'yung nag drive papunta sakanila para isabay na si Olivia at papunta doon sa tagaytay.

Habang nasa byahe nga ay walang ibang ginawa si Olivia kung hindi kausapin ako ng kausapin, okay lang naman din saakin atleast nagkakaroon kami ng bonding kahit papaano.

Nang makarating kami sa tagaytay ay may pa blind fold pa si Dravis hindi niya alam, ako nga may surprise sakanya para mamaya.

Inalalayaan niya ako hanggang sa makarating kami sa pinto at nang bumukas ang pinto ay nagulat ako sa nakita ko, sobrang layo sa pinlano namin nila Tristan.

"Happy graduation Sittie!" Sigaw nilang lahat kaya nagulat naman ako. Nginitian ko silang lahat. "Thank you so much guys." Sabi ko.

"Wow magna cum laude pala 'to si idol nakakahiya namang dumikit." Pang aasar agad ni Tristan ng makita ang medal ko, hindi ko pa pala nahuhubad.

Hindi rin nag tagal ay kumain na kami at bardagulan nonstop, as usual kawawa samin si tristan at parang konti na lang eh mapipikon na

"Guys omg may naisip akong laro." Bungad ni Gi balik niya galing labas

okay dito na mag sisimula.

"Anong laro?" pakikisakay naman ni Tristan.

"Tara doon." Aya ko kay Dravis.

"Ayaw mong mag cuddle and kiss nalang tayo baby?" Tanong niya at nginisian ako.

Umiling ako. "Landi ah mamaya na bebi makisali muna tayo." Sabi ko naman

"Mamaya na kayo mag landian dyan! mas magugustuhan mo mang yayari dito dravis!" Sigaw ni Tristan. "Fuck you!" Sigaw ni Dravis pabalik kaya naman hinatak ko na lang siya papunta doon.

"Siguraduhin mo lang matutuwa ako dito Tristan." Sabi niya at umupo na.

Ngumisi lang si Tristan at tumingin sa'kin. Sinenyasan ko na lang siya na tumahimik siya kaya mas lalo siyang natawa. "Daldal ha." Saway sakanya ni Gi.

"Okay so ang laro ay mag bubunutan lang tayo dito, kung sino ang mabunot mo mag bibigay ka ng message sakanya, so bawal lame message ha dapat 'yung ma touch siya ganun." Sabi niya

Tumango kami at isa isang bununot. "Okay ako na mauna." Pag bibida ni Tristan. "Nabunot ko ikaw Gi, message ko sayo ano ba uhm siguro masaya ako nakilala ka ni chan sana mag mahalan pa kayo ng sobrang tagal, bawal mag hiwalay." Sabi niya at nag kunwaring nag punas ng luha.

"Pangit ng message, okay so nabunot ko si labidabs Chan. ayokong mag iyakan dito pero super saya ko kasi nakilala kita and thank you kay tristan kasi kahit papano naging tulay siya sa love story natin, kung mag aaway man tayo please wag sana umabot sa hiwalayan, mahal kita sobra." Sabi nito at niyakap naman siya ni Chan.

Agad namang nag react si Tristan na parang nandidiri. "Tangina kadiri amputa corny." Sabi niya kaya naman binatukan siya ni Gi at tinignan ng masama kaya naman tumahimik na lang siya.

"Ako next, nabunot ko si Tristan, message ko sayo salamat sa pagiging tulay mo hindi lang kami ni gi natulungan mo, pati sila sittie sana mag ka jowa kana para di kana maging bitter, mahal kita kapag kailangan mo ako sabi ka lang handa akong tulungan ka." Sabi nito.

Sobrang na touch ako sa sinabi ni Chan dahil ramdam ko 'yung sincere sa boses niya. "Okay sige ako na lang next." Sabi ko

"Sympre nabunot ko si Dravis. uhm ano salamat kasi dumating ka sa buhay ko hindi lang puro saya o kilig naramdaman ko nung nakilala kita, ayoko na 'tong patagalin gusto ko pang gumawa ng madaming masasayang memories kasama ka." Huminto ako saglit dahil taksil talaga 'tong luha ko naiiyak na naman ako.

"Tandaan mo 'tong araw na 'to next month mag cecelebrate ulit tayo sa date na 'to pero bilang monthsary naman natin, Sinasagot na kita, Dravis." Sabi ko at sunod sunod tumulo ang luha ko.

Sunod sunod silang nag hiyawan napatingin naman ako kay Dravis na hanggang ngayon ay tulala pa din at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Lumapit ako sakanya. "Ayaw mo pa ba?" Tanong ko. Tinignan ko siya sa mata at nginitian. Niyakap niya ako at ramdam ko ang pag kabasa ng balikat ko.

"Thank you Sittie, hinding hindi ko 'to sasayangin. wala na akong masabi kung hindi mamahalin kita, mamahalin kita hanggang dulo." Sabi nito at tsaka ako hinalikan sa labi.

notice me, sir dravisDonde viven las historias. Descúbrelo ahora