I lay on my bed and contemplate hard and loudly.

"If papupuntahin ko si William at Franko after their Bio class, they're probably going to agree naman. Pero what if biglang bumisita si kuya Ed?"

Ilang mura ang lumabas sa bibig ko matapos sabihin ang tanong ko outloud.

Frustratedly, I sort of screamed on my pillow and breathed heavily afterward. I stared at my desk, then at my ceiling before deciding to do something I might regret later on.

I took my phone from its stand and texted my guy friends.


Eloise Madrigal: guys punta kayo sa condo ko aft class n'yo, lets study together


I also texted the address of my condo and unit number. Tatawag lang naman sa akin 'yong lobby para makaakyat ang mga kaibigan ko, e. Madali na 'yon.

Ang hindi madali ay ang posibilidad na magsabay paakyat ang Kuya ko at mga kaibigan sa lobby o elevator kung ngayon nga ako bibisitahin ni Kuya.

Kaya naman t-in-ext ko muli ang mga kaibigan ko.


Eloise Madrigal: kapag nakita nyo to

Eloise Madrigal: *sent an image* 

Eloise Madrigal: wag na kayong tumuloy


Better safe than sorry, baka mauwi pa ako sa bantay-sarado talaga, e.

Nagluto ako ng hapunan at kumain habang hinihintay ang mga kaibigan. Bumili raw sila ng dinner at sinabing dito nga raw muna sila dahil wala pa rin ang mga sundo nila at Grab. Baka matagal pa raw.

"Sino 'yong s-in-end mo, Eloise?" tanong ni William pagdating niya. "Kuya ko, baka kasi magsabay kayo. Bawal lalaki rito, e, kaso 'di ko magagawa mga activities ko if wala akong kasama na ilang tao."

Kumunot ang noo ni William. "Gago, baka bugbugin kami ng Kuya mo." Aniya. Umiling ako. "Hindi kayo ang pagagalitan, ako, 'pag nagkataon. Pero 'wag mo na isipin. They might come pa if you keep on thinking about them."

"Siguraduhin mo lang, ah? Baka umuwi akong may pasa sa mukha ko. I don't want to get hurt for just staying in a friend's condo," umupo na ako sa harap ng desk ko at ginawa ang essay na hindi ko natapos.

May magic talaga kapag kasama ko mga kaibigan ko, kahit no'ng nasa Batangas ako. Meaning ba nito, masiyado akong dependet sa presence nila? Pero 'di naman talaga... parang utak ko na may problema; it wasn't an emotional thing, I think, because I can still function to do every other thing naman.

Natapos ko ang essay ko for PolSci before my two friends left me to go home.

"Nasa baba na 'yong Grab ko, Eloise. Uwi na me," pagpapaalam ni Franko. He took his bag and wore it behind him before getting his trash to put in my trashbin.

"Ingat," sabi ko habang sinusundan siya para isara ang pinto. "Wait, Franko!" biglang sabi ni William nung makalabas na si Franko.

"Nasa school na rin driver ko, sabay na tayo." Nagsuot na ng sapatos si William at lumabas na rin. "Ingat kayo," huli kong wika sa mga kaibigan.

Pumasok ako sa banyo ko matapos i-lock ang pinto.

I can breathe now, at least I finished my essay already. Ang kailangan ko na lang gawin is 'yong sa econ. Pero baka yayain ko na lang si Lara bukas para gawin 'yon. Tutal, hindi ko na siya magagawa ngayon.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Where stories live. Discover now