VIII. Sa Pambansang Museo

16 2 0
                                    

Kinabukasan, araw ng Linggo ay maagang gumayak si Klay dahil ngayon n'ya ipapasyal ang dalawa sa Intramuros at National Museum. Alas nuebe ang oras ng bûkâs ng museo kaya kailangan n'yang dumaan sa bahay ni Mr. Torres nang mas maaga.

Dala n'ya sa bag ang power bank at charger ng cellphone n'ya. Hindi na kabisado o maalala ni Klay ang mga naging lesson nila noong high school sa Philippine history kaya't sinigurado n'yang may data load s'ya pang google habang naglilibot sila. Hindi rin naging sapat ang pag research n'ya kagabi tungkol sa National Museum at Intramuros dahil sa labis n'yang antok at pagod subalit may iilan naman s'yang naisulat na mahahalagang impormasyon sa notes ng kanyang cellphone.

-----

8:30am pa lang ay nasa bahay na ni Mr. Torres si Klay para sunduin ang mga kaibigan. "Ready na kayo?" tanong n'ya sa mga ito.

Masigla namang sumagot ang dalawa sa kanya. Bago umalis ay kinausap muna ni Klay si Mr. Torres para ipagpaalam nang personal ang pagsama ni Sofia sa kanila.

Pagkababa sa taxi, bumungad sa kanila ang napakalawak na puting gusali na may matayog na Philippine flag sa labas. Halos kabubukas lamang nito nang dumating sila kaya't tatlong grupo pa lamang silang nakapasok sa loob kabilang ang grupo ng tingin nya'y mga kabataang estudyante na namamasyal sa lugar.

"Unang lugar sa listahan natin ay ang National Museum of the Philippines!" pasimula ni Klay, "Sa gusali na 'to nakalagak ang mga makasaysayang bagay ng Pilipinas kabilang ang etnograpiya at antropolohiya ng bansa, pati ang arkeolohika ng bansa nat...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Unang lugar sa listahan natin ay ang National Museum of the Philippines!" pasimula ni Klay, "Sa gusali na 'to nakalagak ang mga makasaysayang bagay ng Pilipinas kabilang ang etnograpiya at antropolohiya ng bansa, pati ang arkeolohika ng bansa natin ay makikita rin dito, lalo na ang mga visual arts collections ng mga sikat nating pintor." paliwanag n'ya sa mga ito habang pumapasok sa nasabing gusali.

Bumungad sa kanila sa unang palapag ng gusali ang Spoliarium Hall.

Bumungad sa kanila sa unang palapag ng gusali ang Spoliarium Hall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"La imagen es muy hermosa y sorprendente.." mahinang naisambit ni Maria Clara nang makita ito.

"Ito ang pinakakilalang larawan sa bansa na iginuhit ni Juan Luna y Novicio noong Hulyo 1883 hanggang Marso 1884 at ginawa n'ya yan habang nasa Rome s'ya.. Imagine, ganun n'ya yan katagal iginuhit. At ayon pa kay kumareng google, 4.26 meters ang taas ng painting na yan at 7.72 meters naman ang haba." Paliwanag ni Klay sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maria Clara at Fidel sa 21st CenturyWhere stories live. Discover now