II. Ang Portal

75 4 0
                                    

"Bilis, Katukayo at baka may makakita pa sa 'ting guardia sibil" mahinang wika ni Klay sa kaibigan habang inaalalayan ito nila Fidel na makaakyat sa burôl.

Batid sa mukha ni Klay ang kasabikan na marinig ang kampana at lumitaw ang portal upang maisama ang dalawa n'yang kaibigan. Taliwas naman sa mukha ni Maria Clara na may pag aalinlangan pa rin na sumama sa katukayo subalit bandang huli ay napapayag din ito sa paniniwalang maaaring buhay pa si Crisostomo at maaring mabago n'ya ang kanilang kwento oras na sumama s'ya kay Klay. Nais din ng dalaga masaksihan ang mundo na humubog kay Klay upang maging matapang. Kailangan kong maging matapang para sa pagmamahalan namin ni Crisostomo..

"Sigurado ka ba na tama itong ating gagawin, katukayo?" sambit n'ya nang makarating sila sa tuktok ng burôl.

"Maniwala ka, Maria Clara hindi ko kayo ipapahamak ni Fidel sa gagawin natin."

Bahagyang nakakubli ang tatlo sa malapad na puno ng Nara habang nagpapahinga. Mula sa kanilang pwesto ay tanaw na tanaw ang kapatagan at ang ilog kung saan magkakarugtong ang mga lugar na madalas nila noon puntahan. Malapit sa ipapatayo sanang eskwelahan ni Crisostomo, ang lugar kung saan naganap ang kanilang salo-salo, ang ilog na pinaliliguan noon nila Maria Clara kasama ang kanyang mga kababata, at ang ilog kung saan lumuha si Klay at una n'yang naramdaman ang kabutihan sa kanya ni Fidel. Lahat ng ito ay kapwa may malungkot at masayang alaala sa kanila na kasama si Crisostomo Ibarra.

"Binibining Klay, batid ko na nais mo kaming tulungan subalit nakasisiguro ka ba na ito ang tamang lugar para sa sinasabi mong.. portal?" tanong sa kanya ni Fidel.

"Oo dito lalabas yung portal o kahit na sa'n basta nandun ako at tumunog ang kampana. Excited yarn?" masiglang sagot ni Klay na may bahagyag pag irap kay Fidel.

"Sandali- Tunog ng.. kampana? Katukayo?" pagtataka ni Maria Clara.

"A.. Oo tukayo, basta, mahirap ipaliwanag pero magtiwala ka mamaya may tutunog na kampana na ako lang ang makakarinig." sagot naman ni Klay na bahagyang nag aalangan kung s'ya ba'y paniniwalaan pa ni Maria Clara.

-----

Ang kaninang dilaw at maaliwalas na kalangitan ay nagiging kahel na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang kaninang dilaw at maaliwalas na kalangitan ay nagiging kahel na. Bahagya na ring lumalabo ang tanawin ng kapatagan dahil sa unti unting paglatag ng dilim.

"Ali!" mula sa bahagyang madilim na bahagi ng kakahuyan ay lumabas ang alitaptap palapit kay Klay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ali!" mula sa bahagyang madilim na bahagi ng kakahuyan ay lumabas ang alitaptap palapit kay Klay. "Ali, ito na ba yung moment of truth?" masiglang wika ni Klay sa alitaptap habang paikot ikot ito sa paglipad sa kanyang harapan.

Maya maya pa ay narinig na ni Klay ang tunog ng kampana na batid n'yang s'ya lang ang nakaririnig dahil hindi man lang sumilip ang dalawang kaibigan sa kanyang kinaroroonan. Mula naman sa maliit na mamulamulang liwanag ay nagsimula na ring lumaki ang portal. Hindi s'ya makapaniwala na ito na ang pagwawakas ng kanyang pagsubaybay sa kwento ng Noli.

Naluluha ang mga mata ay akmang babalikan n'ya ang dalawang kaibigan na nakakubli sa puno upang sunduin. Subalit bago pa man s'ya nakahakbang ay natigilan s'ya nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Miss Maria Clara Infates!" pasigaw na tawag sa kanya ni Mr. Torres na tila ba nayayamot. "Ano sa tingin mo itong ginagawa mo?" dagdag pa nito.

"Mr. Torres buti nandito ka na. Gusto ko sana isama sa mundo natin kahit sila Maria Clara at Fidel na lang. Ayokong pati sila ay mapahamak o patayin din ni Rizal sa kwento." Pagsusumamo nito sa kanyang propesor na hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis.

"This is off limits, Miss Infantes. Hindi na maaari 'yang ipinipilit mo." singhal nito habang nakapamewang.

"Sir, ito na lang po talaga ang naiisip kong paraan para mabago ang kwento at mailigtas sila. Please, Mr. Torres." pagmamakaawa ng dalaga.

"Ang lahat nang ito ay nakasulat na. Wala ka na o tayong magagawa pa sa ending ng kwento, Miss Infantes. Daang taon na itong naisulat ni Rizal."

Tuluyang nagbagsakan ang kanina pang namumuong mga luha sa mata ni Klay dahil sa narinig. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag asa kahit alam n'ya sa sarili na kahit s'ya ay hindi rin sigurado kung buhay pa nga ba si Crisostomo at kung anong mga susunod na mangyayari kay Maria Clara sa kwento. Ang nais n'ya na lamang gawin ay ang maisalba si Maria Clara at Fidel ngayon.

"Wala na ba talagang iba pang paraan, Sir? Lahat ba talaga sila mamamatay nang ganun ganun na lang? Hanggang ngayon talaga bad trip pa rin ako sa ginawa ni Rizal sa kwento ng Noli. Wala ba syang puso? Wala b--"

"Miss Infantes! Magdahandahan ka sa'yong pananalita.. Gaya ng mga tauhan ng kwento, nagiging masalimuot at malungkot ang kahihinatnan kapag puro emosyon at labis na pagmamahal ang iyong pinairal. Labis na pagmamahal sa pera, posisyon o kapangyarihan, sa mga minamahal sa buhay, at kahit sa labis na pagmamahal sa bayan. Hindi mo ba ito natutunan dito, Miss Infantes?"

Nagpatiluhod na umiyak si Klay sa narinig salo ang kanyang dibdib na tila sasabog na sa sakit ng kalungkutan. Nasaksihan n'yang lahat ng sinabi ni Mr. Torres. Ang pagmamahalan nila Crisostomo at Maria Clara, ang pagkamalupit ng mga prayle at makapangyarihan sa bayan, ang malupit na sinapit ni Sisa matapos mawalay sa mga anak, ang mga sakripisyo ni Elias at Fidel para sa kaibigan, at ang malupit na mga sinapit ni Crisostomo Ibarra para sa bayan. Wala s'yang maisagot sa guro kundi ang kanyang pag iyak. Napakasakit naman palang magmahal sa mundong 'to. Ang tangi n'yang nasabi sa isip.

"Sir kahit katiting na chance ibigay n'yo na sa akin. Kahit dito na lang sa dulo maipakita ko kay Maria Clara ang kaya n'yang baguhin sa hinaharap kung hindi s'ya susuko ngayon. Baka naman po, Mr. Torres?" pakikiusap n'ya sa guro.

"Tumayo ka riyan. Huwag kang lumuhod. Wala na rin akong magagawa kaya magpaalam ka na sa kanila, Miss Infantes."

Sandaling nag isip si Klay ng ideya. "Hindi, Sir. Alam kong kaya mo silang palabasin sa mundo natin kahit saglit. Nakakapagpabalikbalik ka nga from real world papunta sa Noli 'di ba? Karakter na rin ako sa kwento kaya once na lumabas ako sa portal ibig sabihin pwede rin sila! So I doubt kung ipipilit n'yong wala kayong magagawa sa final request kong ito... And besides, kayo ang dahilan kung bakit ako nandito at ba't ako nagkakaganito." Tumayo mula sa pagkakaluhod si Klay at sinusubukang ipakita sa guro ang kanyang pagkadesidido.

Yamot namang napabuntong hininga ang guro at kakamut-kamot ng ulo. "O s'ya sige isama mo sila pero hanggang Biyernes lamang ang pwede nilang ilagi sa mundo natin," inis na singhal ng guro rito. "napakatigas ng ulo." pahabol pa nito subalit tila hindi na ito napansin pa ni Klay sa labis na kasiyahan.

Napayakap ang dalaga kay Mr. Torres na agad namang ikinagulat ng guro. Bahagya s'ya nitong inawat sa pagkakayakap. "Ay, sorry, sorry Sir. Sobrang saya ko lang talaga. Thank you so much, Mr. Torres. You're such an angel." puri nito sa nayayamot na guro.

" puri nito sa nayayamot na guro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Maria Clara at Fidel sa 21st CenturyWhere stories live. Discover now