Isang beses lamang nakapunta si Marsha sa bahay nina Jane sa Cavite pero she certainly knows her way back by heart. Pagdating nila sa tapat ng bahay nina Jane ay may nakita siyang isang babaeng nagwawalis ng mga tuyong dahon mula sa mga namumukadkad na roses na nakatanim sa plant box. Walang pagaalinlangan at nilapitan niya ang babae para magtanong, "Uhhmm....Good Morning! Pwedeng magtanong?"



"Magandang umaga din naman. Ano po iyon?" sagot ng babae.



"Andyan ba si Jane?-Paki sabi friend niya."



"Ay si Maam Jane po ba?-Naku, bihira na silang umuwi dito. Kadalasan pag may okasyon na lang sila nagagawi ditong mag-anak."



"Ahh...okay. Bakit saan na ba sila nag-stay ng Mom at Dad niya ngayon? Sa Manila na ba?" nagtatakang tanong ni Marsha.



"Ay naku, hindi po. Sina Ser at Mam dito pa rin sa Cavite. Pero sina Mam Jane at si Ser Eric, sa may Macapagal na po umuuwi. Simula po kasi nang nagka-baby si Mam Jane eh naging busy na siya lalo na po at nag-branch out na 'yong Tapsi Haus. Napakadalang na po nilang umuwi ng Cavite," dagdag pa ng babae.



Parang nabagsakan ng langit at lupa si Marsha ng mga oras na 'yon. Hindi siya halos makapaniwala sa mga sinabi ng babae, "Mag-anak? Eric?-Baby?" Hindi nakapagsalita si Marsha at nakaramdam ng bahagyang pagkahilo.



"Ay Mam, okay lang po kayo? Hindi muna kayo pumasok sa loob?" alalay ng babae sa kanya.



"No, I'm fine. Napagod lang siguro ako sa biyahe. Sige mauna na ako. Thank you."



"Sige po. Ay, ano po ba ang pangalan nila? Para pag umuwi sina Mam Jane ay masabi ko sa kanya na dumaan kayo." Lumingon sa kanya si Marsha, ngunit hindi na ito sumagot at pilit na lamang ngumiti.



Pagsakay muli ni Marsha sa SUV ay hindi niya napigilan ang sarili na maiyak. Naisip niya, "I'm too late! She didn't wait for me. This was all my fault. I should've not left her in the first place," naghahalong galit at pagsisisi ang nararamdaman ni Marsha ng mga oras na 'yon, "Kung naging matapang lang sana ako, hindi sana magkakaganito.-Pero hindi, I won't quit this time. Hahanapin ko siya at sasabihin ko sa kanya kung anong nararamdaman ko. Sasabihin ko lahat-lahat. And I need to make sure that she's okay-that she's happy. I will find her no matter what," kumbinsidong sabi ni Marsha sa sarili. "Mang Danny, sa Tapsilog Haus po tayo, sa Taft."


May isang parking slot na lang nang dumating si Marsha sa Tapsilog Haus. Agad niyang binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. As usual, jam-packed na naman ito sa customers. Napansin niya ang mga renovations na ginawa at ilang pagbabago sa desenyo nito. Napansin din niya na marami na rin palang nagbago sa paligid nito sa loob ng halos limang taon. At mabilis niyang naalala ang mga masasayang araw na magkasama sila ni Jane dito.



Hindi naman nagtagal at may namukhaan siyang isang babae na pumunta sa likod ng counter. Maikli ang kanyang brown na buhok at wavy ito. Naka puti itong blouse at pantalon na maong. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at muli niyang pinag-aralan ang babae. Tama ang kanyang hinala, si Jane nga ang kanyang nakita. Maganda pa rin ito sa kabila ng mga taong nakalipas. Hindi maipaliwag ni Marsha ang saya na nararamdaman ng mga oras na iyon. Tumingin si Marsha sa salamin, mabilis na sinuklay ang kanyang buhok at naglagay ng konting lipstick at blush on para maitago ang kanyang pamumutla.



Pababa na sana siya ng sasakyan nang may biglang lumapit na lalaki kay Jane. Mataas ito at kayumanggi, at masasabing gwapo. Karga niya sa kanyang braso ang isang batang babae. Humalik ang bata kay Jane at pagkatapos ay kinuha niya ito mula sa lalaki. Masaya nilang nilaro ang bata. "Siya siguro si Eric at ang baby nila," bulong ni Marsha. Napahinto siya sa pagkilos at pinagmasdan niya ang mga ito. Pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya, ni hindi na nga niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Sa mga oras na iyon, naghahalo ang saya at sakit na kanyang nararamdaman. Masaya siya at finally ay nakita na niya si Jane. Nakita niya itong masaya, kasama ang kanyang pamilya. Pamilya na kahit kailan ay hindi niya maibibigay kay Jane. Saya na kahit kailan ay hindi niya mapapantayan, dahil kahit kailan ay hindi niya ito mabibigyan ng isang anak.



Mabilis niyang isinara ang bintana ng SUV, "Mang Danny, sa bahay na po tayo at paki laksan na lang po ang music." At doon, kasabay ng malakas na tugtog ni Rita Coolidge ng "I'd Rather Leave When I'm In Love", ay ibinuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman...lahat ng sisi...lahat ng panghihinayang. Naputol lang ang pag-iyak niya nang tumunog ang kanyang cellphone, "Hello?-Yes Mamang pauwi na kami-hindi ho ako umiiyak, sinisipon lang ako. Medyo napagod lang siguro sa biyahe pero okay lang ho ako, don't worry. Uhmm....Mamang-I am ready to go back to Australia with you."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon