11 Lies (Malalaman Mo Rin)

126 4 0
                                    

Written By: Zer0_Green

******

Bago ako mawala sa buhay mo,

gusto ko lang sabihin sayo na sana masaya ka na ngayon, sana Sana mapatawad mo ako sa lahat ng Kasinungalingan ko, Sana kalimutan mo na ako, sana pati pangalan ko hindi mo na matatandaan, sana nakakunot ang noo mo ngayon habang binabasa ito at matanong sa sarili mo "Sinong Hinayupak Ang Nagsulat Nito?"

Minsan nga, Gusto kong iuntog ang ulo mo para magka amnesia ka nalang at makalimutan mo na ako pero Hindi Kita Mahal at isa na naman yung kasinungalingan..

******

Lie #1:

Nakahiga ako ngayon sa kama ko nang nagtext ka,

"Samahan Mo akong mag mall please, I love You" -ikaw

Nakakatamad Kang Kasama

"Ayoko, Tinatamad Ako"-ako

Sana naman, hindi ka na magpumilit, Nakakatamad Magreply

"O sige, pahinga ka nalang ha? Kung okay kana. I love you"-ikaw

Hindi na kita nireplyan,

Nakakatamad

#1.Tinatamad ako:

Hindi ako tinatamad, Lahat Ng mga pag-anyaya mo sa akin, hindi ko tinanggihan, ginagawa ko lang yun kasi, malalaman mo rin

******

Lie #2

Ilang araw narin, Nakakasawa na ang Pagsabi mo ng I Love You, nagsasawa na ako sayo

"I Love You babe, Halika, Selfie tayo"-ikaw

Lage naman eh, Nakakasawa mag Selfie na kasama ka..

"Ayoko, Nakakasawa na Yan"-ako

"O sige, ako nalang"-Ikaw

*click*

Nang matapos kang magselfie selfie diyan, Pinapili mo ako kung alin ang magandang selfie na nakuha mo.

Nakakasawang tignan ang pagmumukha mo, alam mo yun?

# 2.Nakakasawa Ka Na:

Hindi yan totoo, Hindi ako nagsawa sayo at kahit kailan, Hindi ako magsasawa sayo, Ang gusto ko, ikaw ang magsawa sa akin kasi, malalaman mo rin

*****
Lie #3

Nandito Ako sa Bahay, nagpapahinga nang tumawag ka..

"Babe, Bakit hindi mo man lang ako kinakamusta? Hindi mo man lang ba ako na miss?"-ikaw

Hindi ka naman ka miss miss. Bakit ba tawag ka ng tawag?

"Hindi Kita namimiss, Kahapon nga lang tayo nagkita kaya hindi kita namimiss"-ako

Kahit Kailan, Hindi Kita Namiss

"Ay, Oo nga noh? Pero kasi, Miss na miss na kita eh, sige busy pa ako eh, bye, mamimiss kita I love you"-ikaw

Pwes ako, Hindi kita namimiss

# 3.Hindi Kita Namimiss:

Miss Na miss na miss kita, namiss ko ang mga halik mo, namiss ko lahat lahat, namimiss parin kita, Hindi pa ako nakamove on, pero sana ikaw ay naka move on na kasi, malalaman mo rin

********

Lie #4

Nakaupo ako sa sofa at nagbabasa ng libro nang dumating ka,

11 Lies (Malalaman Mo Rin)Where stories live. Discover now