Sa kabila ng ingay sa Pergola ay may sumigaw kay Jane, "Janey, Virgin Café tayo tonight nila Zigs," yaya ng kanyang blockmate.



 Lumapit si Jane sa blockmate niya, ibinaba ang dalang bag sa isang upuan at kinuha ang kanyang pink, alphanumeric pager mula sa bag at tsinek ito, "Uhmm...saan bang VirginCafé tayo? Makati or Timog?" mabilis na tanong ni Jane.  



 "Makati," maikling sagot ng blockmate niya.



 Kinuha ni Jane ang kanyang bag at muling isinabit sa kaliwang balikat while she clipped her pager to the right pocket of her navy blue uniform slacks, "Okay, what time?"




            Jane Marie Salazar Mercado, that's her full name. Born and raised in Cavite. Solong anak. Mayaman. Ang Daddy niya ay VP sa isang kilalang Advertising Agency. Ang Mommy naman niya ay dating practicing Nurse na after a few years, ay nakapagpatayo ng isang maliit na ospital sa Cavite. Masinop ang parents niya at nag-invest sa ibat-ibang business. Mayroon silang isang malaking grocery sa kapitolyo at isang malaking school supplies/bookstore sa Cavite City. Mayroon din silang isang maliit na drugstore na malapit Sangley Point. At ngayon, isang low-cost housing project sa General Trias ang pinagkakaabalahan ng Mommy niya, kasosyo ang kanyang Tito Ramon, na isa namang Architect.



 Laking private school si Jane at kasalukuyang nasa isang exclusive all-girls school. She's on her last year sa course na AB Mass Communication. Section A siya. Hindi siya masyadong nag-aaral, pero okay at pasado naman lahat ang grades niya. There was even a term during her third year na naging Dean's Lister siya.  



 Mayaman sila, pero disiplinado si Jane. Sobra-sobra ang weekly allowance na ibinibigay ng parents niya. Pero kapag tapos na ang linggo at ubos na ito, ay hindi na siya nakakahingi ng extra. Unless may emergency talaga or may mga miscellaneous na kailangang bayaran sa school. Kaya ang ginagawa ni Jane ay tinitipid niya ang kanyang allowance, matustusan lang ang luho sa pag gimik at yosi. Ang mamahal ng brand ng yosi ni Jane. Noong 90s ay nasa P100+ na ang isang pack. Kaya tinitiis niyang kumain ng mami o goto, mapagbigyan lang ang kanyang bisyo.



 Maputi ang complexion niya, and, shall we say flawless. Medyo wavy ang hair niya. Hindi naman siya ganon kataas, around 5'3 siguro. Hindi rin naman siya ganon ka-sexy, sakto lang. At hindi rin naman siya super pretty, sakto lang din. Pero malakas ang sex-appeal ni Jane. Iyong tipong pag dumaan siya sa harapan mo, mapapa-second look ka. Maganda kasi siyang magdala ng damit. Simple lang ang porma niya. Jeans, shirt, DM's (Dr. Martens) or sneakers, iyan ang madalas niyang suot or get-up. Hindi siya mahilig mag-apply ng makeup. Pressed powder at lipstick nga lang, talo-talo na siya.



 Noong bata pa siya, ay lagi siyang muse ng kanilang section at school. Lagi din siyang kasali sa mga Flores de Mayo. Noong 7 years old si Jane ay pilit siyang isinasali ng kaibigang bakla ng kanyang Mommy sa Little Miss Cavite City. Isang beauty contest para sa mga batang may edad tatlo hanggang sampung taon. Second runner-up lamang siya noon, pero nakuha niya ang karamihan ng mga Special Awards kagaya ng: Best in Talent, Best in Gown, Best in Costume. At natatandaan ninyo pa ba ang batang love team na sina Rose Ann Gonzales at JP de Guzman? Special judges sila sa contest na iyon. Napansin at nagandahan ang Mommy ni Rose Ann Gonzales sa batang Jane. Nilapitan, kinausap at binigyan ng calling card nito ang Mommy ni Jane at kung interesado sila ay gagawin niyang artista si Jane sa Seiko Films, kung saan talent sina Rose Ann at JP.



 Age 9, when she had her first period. Age 13, when she had her first boyfriend. Age 16, when she had her first sex experience with a guy. Pero hindi naman siya easy-girl ha...don't get it wrong because she doesn't sleep around. We can say na "advance" lang siguro para kay Jane ang lahat. Si Jane ay naka-baby bra na, bumibili na ng sanitary napkin at nag-aaral nang mag-tease at maglagay ng Spraynet sa kanyang buhok.Habang ang mga ka-age niya ay makukulit na naglalaro pa ng taguan at Tumbang Preso sa kalsada.



 Jane Marie is one tough, smart girl. Strong ang personality niya. Outgoing. Yosi Girl. First year college nang matuto siyang mag-yosi. Cartier ang paborito niyang brand ng yosi, kung out of stock ito, Sobraine naman. Sobraine, ito yung makulay na yosi ni Amor Powers sa telenovelang Pangako Sa 'Yo. Hindi pa sikat si Amor Powers ay isa na ito sa brand niya. Halos gabi-gabi nga ay naka-guest list sa mga bars ng Makati at Malate sina Jane at mga barkada niya. Pwede na nga siyang maging stockholder ng mga bars sa laki nang nagastos niya dito. Galugad na niya ang kahabaan ng kalsada ng Malate at Jupiter Street sa Makati. Kabisado na niya ang mga schedule ng performers, presyo ng drinks at pulutan. Pati mga waiters at bouncers ng mga bars ay kakilala na niya.



 Jane is also adventurous, a risk-taker. Ayaw niya ng may "what might have been"sa buhay.Para sa kanya, life is boring if you don't gamble. Kailangan sumugal ka—manalo o matalo, at least na-try mo at ibinigay mo ang 100% sa isang bagay. She is a non-conformist and a bit stubborn, na madalas ay pinagtatalunan nila ng parents niya. She does what she wants. No "ifs and buts." Kaya lumaki siyang independent, kahit mayaman sila.



 Ang kanyang Yaya ay lagi niyang tinatakasan at iniiwan kung saan-saan kapag may mga lakad siya. Oo, may pagka-pilya din si Jane. Bago siya mag College ay ibinili siya ng kotse ng Daddy niya. Isang brand new Mitsubishi Galant, package deal pa si Manong-Kuya-Driver. Ayaw ni Jane na may nakabuntot at naghihintay na driver, kaya nag-decide siya na mag-condo na lang. Kaya ayun, si Galant naka-museo na lang sa garahe, at si Manong-Kuya-Driver, naging instant hardinero.



 Lingguhan na lang kung umuwi si Jane sa kanila. At nang tumuntong siya ng third at fourth year, kadalasan ay hindi na rin siya nakakauwi ng Cavite. May Thesis na kasi siya, at ang dami pa nilang mga projects at productions na kadalasang ginagawa kapag weekend at inaabot ng overnight. Kaya mas madalas, parents niya na lang ang dumadalaw sa condo.




Riverymaya, ay isa sa mga kilalang banda noong 1990s. Dating miyembro nito sina Bamboo at Rico Blanco.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon