Chapter 4 : Mother and Son

106 31 9
                                    

A week passed....

Imelda POV -

"Anyways, These are my children, Imee and irene, insert my only boy, Bongbong. He's not here, he can't come with us today"

"Oh, that's fine. I guess he's busy"

"Naku, yes he is so busy as always talaga"

"Anyways, your two girls are grown ups na pala, so beautiful like their mom"

"Thanks, tita!"

Meanwhile....

Bongbong POV -

Balak ko sana magpunta sa office ni Mommy, may pinabibigay na letter yung teacher namin, ang sabi need ng signature ng parents.

Yes, kaganina pa ako dito sa may gilid ng poste nagtatago, napakadaming bisita ngayon dito sa palasyo. And i heard everything...

Hindi 'ko alam na may gaganapin pa lang party ngayong gabi, ni hindi ako sinabihan nila mommy.

Lahat pala sila nandito, except sa akin. Kaya pala busy silang lahat mula pa kaganina. But that's okay! Wala naman akong gagawin dito kaya mas mabuti pa na umalis na lamang ako.

Akmang lalakad na ako paalis, ng bigla akong tawagin ni Manang Rosa, aish! Wala akong nagawa  kundi magpakita na lang sa kanilang lahat. Nakita ko sina Mommy and my sisters. Mga ekspresyon nila ay parang nakakita ng multo.

"Yay! Kuya is here mommy!" irene exclaimed.

Lumapit sa akin si Manang at inaya ako na kumain muna bago umalis, ngunit busog pa naman ako.

"Ikaw talaga, kanina kapa inaantay ng mommy mo," wika niya, habang nilalagyan ng panyo ang aking likuran.

Bumuntong hininga ako, ang dami kasing gawain lalo na sa school, kaganina ko nga lang natapos lahat ng projects namin. Tapos ngayon eto pa dumadagdag.

"Sorry po manang, saka hindi naman po ako imbitado dito, hindi nga po ako nasabihan man lang na may pagdiriwang pa lang magaganap" walang gana na sambit 'ko.

Tumawa siya ng kaunti at kinurot ako sa pisnge.

"Hahanapin kaba ng mommy mo kung hindi ka imbitado? Kahit kailan talaga pilyo ka!"

Nagtawanan kaming dalawa, sa totoo lang mas masaya pa kasama si Manang Rosa kaysa sa kanila, palagi silang may mga sariling mundo. Muli kong nilingon ang direksiyon kung nasan sila. Nakatingin pala sila sa akin.

I saw mommy walking towards to me. Binalik ko na lang ulit yung tingin kay Manang.

"Oh, ayan na pala ang mommy mo, panigurado na miss kana niyan" nakangiti niyang wika sa akin.

"Hindi ka po nakakasiguro manang, mas masaya pa siguro sila kung wala ako dito" nakasimangot kong sabi.

"That's not true, anak" narinig ko ang boses ni mommy mula sa aking likuran.

Sinenyasan ko na si manang na umalis muna, at ako naman ay nakayukong nilingon si Mommy.

Narinig niya pala yung sinabi kong iyon?

"U-uhmm, nandito ka po pala ma"

"I'm sorry anak kung hindi ka na namin natawagan, busy kasi ang mommy mula pa kanina"

"Okay lang po, i understand."

Pilit akong ngumiti sa kanyang harapan, na para bang wala lang yung mga narinig 'ko kaganina.

Mother's Love Where stories live. Discover now