The Boss' "Boss" Wish

Comenzar desde el principio
                                    

"I miss you apo, so do you want me to tell the good news now?"

"Just spill the beans lo." Di uso i miss you too Nadine?

"Well ... I want to give the company to you, after all your hardships to our family business, I think you deserve to be the CEO of our company"

My eyes brighten up at nawala lahat ng pagod at struggles ko sa biyahe kanina.

SABI NA E PAREHAS KAMI NG INIISIP NA GOOD NEWS NG LOLO. This is it!!!!!

"Talaga Lo?"

"Oo apo, but you have to get married first before I fully lend you the company"

ANG SAYAAAA! CEO NA KO!!! I JUST KENNOT!!!

"OMG! It's okay lang Lo!" teka nagpprocess pa sa utak ko magiging CEO na ko!!!!

Wait what?

but you have to get married first ...

ANOOOOOO!!! Kasal?

"ANO LOOO! KASAL! NO WAY!" Shit bakit ba ang slow ko! Ngayon ko lang narealize yung "but" na yun ah! Tapos sabi ko pa "It's okay lang"

"So I guess you just realized it now pa lang. Hahaha" Sige tawanan mo pa ko sabi na e hindi to magsasabi ng good news ng walang "but's"

"Pero Lo, I can manage naman the company without any marriage involved"

"Do you want me to set you up on a Marriage Proposal Date or you will do that on your own?"

AS USUAL. Di nya ko pinapakinggan!!!

"Lolo naman, stop setting me up on any dates! No, I will not get married!"

Tss. No way! Over my drop dead gorgeous body!

"So it's a no also, pwede ko namang ipahawak sa magaling na businessman ang business natin so di ko na kailangang magworry and I guess if papayag ka sa wish ko ayaw mo ng set up so it means may fiance ka na??"

"Lo as I've said earlier di naman need ng marriage, I CAN MANAGE THE BUSINESS ALONE!"

"Not for me, I want you to get married and have kids! Nadine apo tumatanda na ang Lolo mo, anong gusto mo? Mamatay muna ko bago ka magpakasal hindi ko na makikita ang mga apo ko"

"Lo, mag aampon ako for you"

"No!! That's not a good idea! Apo I have lung cancer, stage 2 na gusto mo bang mamatay ako ng di ko nakikita ang apo ko o kahit ang mapapangasawa mo man lang?"

WAIT CANCER?!

"CANCER?!" Ang lakas lakas nya tingnan tapos may cancer sya? Teka bakit ngayon lang nya sinabi sakin to? Balak nya bang isurprise ako ng cancer nya?

"Oo apo, ayoko muna sanang sabihin sayo pero sa tingin ko this is the right time to tell you my illness, so payag ka na ba? Hindi mo ba mapagbibigyan ang lolo, apo?"

Wag kang bibigay Nadine baka gino-goodtime ka lang ng lolo mo- Brain

Nadz you have to obey what your lolo said ayaw mo bang pagbigyan ang last wish nya from you? - Heart

Nako sinasabi ko sayo Nadya baka plano lang yan ng Lolo mo para pumayag ka! - Brain

Hihintayin mo pa bang mawala sya bago mo igrant yung gusto nya. Bahala ka, nasa huli ang pagsisisi girl. - Heart

TEKA! Pati ba naman kayo ginugulo ako! Mukhang tama ang utak ko baka plano lang to ni Lolo para mapapayag ako, Tama! Gagawa ako ng paraan! I will not agree to this stupid idea that my lolo thinks.

She's The BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora