CHAP 12

135 2 1
                                    

The students had already scattered when we arrived at the university, busy sa mga kailangang gawin dahil sa darating na paligsahan sapagkat next week na gaganapin.

Wednesday ngayon kaya't apat na araw nalang para mag ready at mag training ang mga mag aaral, dito sa University ko laging ginaganap ang paligsahan kaya sila ang dadayo, isang beses palang siguro na nakadayo ang mga SU student sa puder ng Halston University base sa senend sa aking mail ni uncle.

Magkasama kami ngayon ni Gabby dito sa cafeteria, dahil naboboring si Gabby, at tapos na rin naman na ang trial namin, si Ensley ay nasa hall para sa volleyball, sa court naman ang tatlong lalaki at si Shimie naman ay nasa billiard room. Nalaman ko lang din ngayon na sa basketball ang apat na lalaking leaders, at si Sorelle ay hindi ko na inalam, anong pake ko sa kanya.

Ang magkapatid namang Castre ay hindi ko alam, I didn't see them today.

Puro lang kami training hanggang sa magtanghalian, nagsama-sama lang kami sa cafeteria upang kumain, walang dumaldal sa amin kahit na si Ensley dahil mukhang pagod ang mga gaga. After eating, it's back to training, all the students are busy and obviously preparing for the match. Hindi ko naman first time mararanasan 'tong labanan sa ibang panig dahil mayroong gan'to sa Japan, different rules nga lang ang meron doon.

Natapos ang oras hanggang hapon ay nagsiuwian na ang lahat, except sa mga leaders dahil inutos ni Dean, last day na bukas and the next day ay pahinga ng mga tao, and after that day laban na ang kabilang panig. I don't know but I feel excitement.

"Are you ready, all leaders?" Dean asked.

Ang iba ay sumagot at ang iba'y tumango, andito si Gab, hinihintay lang kami.

"Napapansin ko naman na mukhang handa na ang lahat, gusto ko lang sabihin na galingan niyo, hawak niyo ang pangalan ng paaralang ito, may mga tiwala ako sa inyo." salaysay nito. "Mga mukhang pagod na kayo kaya hindi ko na papahabain 'to. Goodluck to all of you."

"Thank you, Dean." ani Sheero.

We all left the conference room, we went straight to the parking lot and got into the cars. Magkasama kami ni Gab sa iisang sasakyan at siya ang nagdadrive, si Ensley at Shimie ay magkahiwalay ang sasakyan, ang tatlong lalaki naman ay magkakasama sa iisang sasakyan.

Nakasabay pa namin ang ibang leaders, at pare-pareho lang kami ng tinatahak na daan, kaya nagmumukhang nagrirides lang kami.

Sa maaliwalas na pag uwi, may napapansin akong sumusunod sa amin, mga naka kotse rin ang mga ito kaya hindi mo mapapansin ang kahina-hinala.

"Gab, iliko mo."

"I know." mukhang kahit siya ay napapansin 'yun.

Pag kaliko niya ay sumunod din sa amin ang sasakyan nila Shimie, mukhang kahit sila ay napapansin 'yun, maluwang kasi ang daan kaya kitang-kita kung may kakahinala ba.

May mga kasama rin silang naka motor, higit anim o pitong motor na ang umaaligid, kahit sila Sheero na kasama namin dito sa daan ay pinalilibutan.

Pagod na yung tao tapos ngayon pa susugod, mukhang sinasadya a.

Dumeretso lang kami sa nilikuan namin, at walang katao-tao rito dahil puro puno lang, nagdidilim na rin.

Nakita ko sa side mirror ang lalaking lumusot ng bintana at tinutukan kami ng baril. Shit! "Yuko!"

Pinaputukan lang kami ng pinutukan ng baril hanggang sa makalapit sila lalo, naghalungkat ako ng baril dito sa sasakyan, at mukhang wala, kay Gabby kasi itong sasakyan. Shit naman!

"Gabby, may baril ka?"

"None."

Tsk! "Bilisan mong magdrive!" sigaw ko rito dahil mas lalong lumalapit ang mga nagpapaputok. Muntikan na akong mauntog sa harapan dahil sa pagtigil at pag gewang-gewang ng sasakyan. Mukhang tinamaan na ang gulong.

Living QueenWhere stories live. Discover now