IV

3.7K 160 0
                                    

CHAPTER IV


MAGANDA ANG gising ni Galen, dahil dumating na ang araw kung kailan papasok ang pinsan niyang si Syera, na nagpaplanong pumasok ngayong araw. Ilang araw na rin ang nakalipas noong huli silang magkita at mag-usap nito. Napatitig siya sa bakanteng ladder back chair na walang umuupo na nasa tabi nito na one set apart lang ang layo mula sa kanya.

Nasa likuran naman niya na mga tatlong metro ang layo ang Duke na parating nakaantabay sa kanila. Ito ang parating nagbabalita sa Emperor kung ano ang nangyayari dito.

Siya pa lang ang naroon sa silid, ayaw niyang mahuli sa klase. Mga ilang minuto ang nakalipas ay pumasok ang kanyang nakakatandang kapatid na si Caley, kasama ang mga pinsan nilang mga lalaki na sina Marceil, anak ni Markuz. At ang magkapatid na Daviz at Qivin na anak ni Gabrielle.

Bumaling ang apat na lalaki sa Duke, the four bowed their heads, dahilan para tumango ng ulo ang Duke sa kanila.

Greetings, Your Grace.” anang apat. Matapos magbigay ng respeto ng apat sa Duke.

Umupo ang apat na lalaki na bagong dating sa kanyang likuran na parating  magkasama. Habang nag-uusap ang mga pinsan ni Caley na nasa tabi niya ay napatitig siya sa likod ng kapatid niya na nasa unahan.

Napalingon na lamang silang limang lalaki maliban sa Duke sa malaking pinto ng bumukas ito at bumungad sa kanila ang mga pinsan nilang mga babae, ang triplets na sina Lariena, Lara at Laryne na bunsong mga anak ni Markuz kasama ang anak ni Gabrielle na si Gracel na labing anim na taong gulang at ang pinaka-bata sa klase ang panganay na anak ni Aerina na si Iris na labing apat na taong gulang. Ang dalawang kapatid naman ni Iris na sina Rodrigo na labindalawang taong gulang at si Mara na walong taong gulang ay may kanya naman itong klase kung saan para lamang sa mga bata na hindi pa nakakatuntong sa edad na 14 years old.

Napabaling si Galen sa wall clock kung saan may labing limang minuto pa bago magsimula ang kanilang klase.

Samantala sa silid ni Syera, hindi magkandaugaga ang dalaga sa pag-aayos sa kanyang sarili. Walang tumutulong sa kanya para mag-ayos hindi tulad ng mga pinsan niya na may mga katulong na tumutulong na bihisan sila at ayusin ang mga buhok nila. Simula nang isumbong niya sa Emperor ang ginawa ng katulong sa kanya ay wala ni isang katulong ang nakalaan para paglingkuran siya. Para siyang outsider na nakipagsiksikan sa hindi niya kauri, iyon ang pakiramdam ni Syera sa mga oras na iyon. Pero kailangan niyang i-adjust ang sarili sa ganitong pamumuhay na meron siya sa ngayon.

Itinali ni Syera ang medyo kulot at mahaba nitong buhok na kulay red-orange na namana niya sa kanyang ina, her skin is white as a snow. Hinawi ng hintuturo niya ang curtain bangs niyang humarang sa kanyang mata. Nang matapos niyang itali ng maayos ang buhok at masigurong ayos na ang kanyang buhok ay napatitig siya sa salamin.

Umupo si Syera sa gilid ng kama niya para isuot ang ruffled lace wedge boots na kulay itim. She's wearing a wine red long sleeve dress, with lace up lagpas tuhod nito ang haba ang suot.

Nang maayos na ang sarili niya, kaagad siyang nagmamadaling naglakad para umalis. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase nila.

Nakailang beses na napatitig si Galen sa wall clock kung saan dalawang minuto na lamang ang natitira bago magsimula ang klase nila. Nandito na ang guro nila na si Lady Felecia asawa ng isang Commander Knight sa Kanluran.

40 seconds left...” anang isipan ni Galen sa sarili nito. Napansin naman nina Caley ang pagtitig ni Galen sa orasan na para bang may hinihintay ito.

Bumuka ang bibig ni Lady Felecia para sana simulan na ang kanyang klase ng bigla itong mapatigil at mapatitig sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang hindi nila inaasahan na papasok sa klase nila ngayong umaga. Kahit ang Duke ay nagulat sa nakita. The Duke couldn't believe that Syera came to class today. That was only delayed by a few seconds.

I Should Be The EmpressWhere stories live. Discover now