41

111 18 28
                                    

eiza's diary

oct. 02

dear yesterday's eiza,

i just got off my phone. i talked to my parents for an hour on facetime. it was already 12 at midnight.

i'm still up because... i've been thinking about ryan. it hasn't been a while since i met him and became friends, but i saw how different he was when i spent another night with him.

his silence the first night we spent together walking and his silence earlier were completely different.

it felt like a different version of a song that gives a different mood and meaning between the verses.

no'ng tumawid siya at tumayo sa tabi ko, hindi siya nagdalawang isip na tanungin ako kung gusto ko ba maglakad-lakad or kumain or pumunta ulit sa park. he was kind of nonchalant but not to the point that it would make me feel weird communicating with him. hindi ako tumanggi at sabay naglakad palayo sa café. i even waved goodbye at emon and he winked at me. i repressed a smile knowing what he meant. loko.

katulad ni ryan, iba rin ang ihip ng hangin. tahimik lang ang paligid. pumapari't parito ang mga sasakyan at mga taong nakakasalubong namin. may iilang lampost na kumukurap na ang ilaw. may mga pusang pagala-gala sa tabi.

i love noticing things. it never fail to fill the void in my mind, but sometimes it overwhelms me, tricking my mind that there's so much going on around me when there's not.

i'm already at the point where i'm getting used to our silence together, but at that moment it was really different. his silence was different. it seemed like there a lot of stuff going through his mind he couldn't say outloud?

hindi ako mahilig magbilang ng oras kapag kasama ko siya pero kanina, nagbilang ako. kalahating oras na kami naglalakad, naubos ko na ang matcha latte at hawak ang cup, pero wala pa rin siyang kibo. hindi ko na lang ito inaalala at patuloy siyang sinabayan sa paglakad. hindi na siya nanigarilyo mula noong lumapit siya sa 'kin, pero  kumapit sa damit niya ang amoy ng usok nito.

he probably smoked a lot the whole day.

mag-iisang oras na ang lumipas nang mapansin kong ibang daan ang nilalakaran namin. hindi ko napigilang mahawakan siya sa palapulsuhan niya, kasabay nito ang kakaibang pagtibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

"r-ryan, nasa ibang daan na tayo."

he gave me a small reassuring smile. ang pogi. "ah, alam ko 'to. hindi tayo naliligaw, eiza. hawak ka lang kung natatakot ka."

napatango na lang ako habang sinusubukang alisin sa isip ko ang mukha niya habang nakangiti sa 'kin kanina lang. he looked effortlessly mesmerizing with the hue of orange street lights. kahit na ang lungkot ng mga mata niya.

bumalik kami sa paglakad at napalunok nang maramdaman ang init ng papulsuhan ni ryan. i decided to hold onto the hem of his white shirt. napansin ko siyang napangiti pero hindi ko na lang din inisip. natakot talaga ako sa dilim ng eskinita na pinasok namin.

ilang lakad ang hinakbang namin palabas ng eskinita, bumungad sa paningin ko ang mailaw na three storey building na nakatayo sa tawid. sa kinatatayuan namin, sa gilid, may waiting shed kung saan may mga naninigarilyo at nagkukwentuhan. naghahalo ang usok at ingay sa paligid. i was so confused until ryan look back at me.

"dito ako madalas tumambay tuwing weekends noon."

nagpatuloy kami sa paglalakad pero mas mabagal ito kesa kanina. sobrang liwanag ng iba't ibang kulay ng ilaw sa bar.

Lesbar. iyon ang basa ko sa parihaba at artsy designed signage sa gitnang parte ng building. nagkalat ang mga tao sa daan. may isang mahabang pila papunta sa entrance. rinig ko ang dagundong ng isang up-beat music na tumutugtog sa loob ng bar. may mga nakasuot ng magagarbong makeup at damit, nag-aabutan ng alak at sigarilyo. may mga naghahalikan at nagsisigawan. napansin ko rin ang mga tao sa rooftop ng building.

... are we in love?Where stories live. Discover now