CASUAL X

12 5 0
                                    

Nang imulat ko ang mga mata ang una kong nasilayan ay ang mahimbing mong pagtulog. Ilang minuto akong nanood sa mabagal na paghinga mo.

Sa puting kumot, nagsasalo ang ating hubad na katawan ngunit wala na ang init. Nakalimutan natin ang mundo nang ilang saglit.

Bumangon ako, nagbihis ngunit hindi ka ginising.

Naisip ko na, kahit anong klaseng pagpapaligaya ay hindi sapat para sa 'yo, sapagkat nasa akin nga ang iyong katawan ngunit wala naman ang iyong puso. 

Lumabas ako ng kwarto. Hindi na ako babalik. Kung tumawag ka man upang yayain ulit ako sa susunod na gabi, sasabihin ko ng HINDI.

DAGLIANWhere stories live. Discover now