Day 7 - Lunch

8.8K 308 17
                                    

DAY 7 – Lunch



The sun was already up when we arrived. Naunang buama si Ivan upang dumiretso at makipag-usap sa may tourism office para sa kukunin naming accommodation sa island. I wonder if how long are we going to stay here, wala naman kaming napag-usapan at isa pa, ayaw ko naman magtagal dito. I still want to visit other places.


When he came back, lumabas na ako ng kotse niya. It was literally super hot kahit na andyan na 'yung dagat. Mainit na nakakasunog talaga 'yung araw at nakakalusaw 'yung init.


"So, sasakay tayo ng bangka?" ignorante pero excited kong tanong kay Ivan.


"Obviously... pero depende kung gusto mong languyin," asar nito. Inirapan ko nga. I don't get him. Sometimes he's sweet then next, he's a total jackass. Not that I like it when he's sweet. Mas okay pa rin 'yung tarantado siya.


"Sir, dito na po kayo, handa na po," tawag ng isang tila ba nagoorganize ng mga byahe ng mga bangka. "Ito lang po ba gamit niyo? Tulungan ko na po kayo," aniya sabay buhat sa ilang bags. Pinanood ko sila ni Ivan na naglipat ng ilang gamit namin. Dalawang bag lang naman sa 'kin at isa kay Ivan tapos 'yung mga pagkain na binili namin kanina.


"Dapat pala nagluto tayo ng foods. Parang picnic," ngusong sagot ko.


"May mga pwedeng pagkainan naman sa ilang isla, ma'am," sagot ng lalaki kanina.


"Bakit ba puro pagkain nasa isip mo?" tanong ni Ivan na sinagot ko ng irap. "Lahat ata kinakain mo. Wala ka man lang bang allegry?" dagdag niyang tanong.


Lalo akong ngumuso rito. Sasabihin ko na sana na may ilang pagkain na bawal sa 'kin pero ayoko kasi nga parang ang killjoy lang ng dating. "Ano bang paki mo? Masama ba kumain?" mataray kong tanong pabalik.


"And you're too moody!" asar niya pa.


"Naku, LeFevre ka! Tigilan mo ako baka mamaya ihulog kita sa bangka!"


"Hihilain kita para sabay tayo mahulog," tila ba makahulugan niyang sabi. Natameme ako dahil sa muli kong naramdaman ang kanina lang na pinipigil ko. Wala naman meaning ang sinabi niya, hindi ba? Literal kong dapat intindihin iyon, hindi 'yung kung anu-ano ang iniisip ko.


"Whatever," irap kong sagot.


"Okay na, sir at ma'am," tawag ng bangkero.


Naunang sumakay si Ivan kesa sa 'kin. Pagkasakay na pagkasakay niya ay inabot niya ang aking kamay at inalalayan ako. I felt the new but familiar feeling when my palm met his. I decided to withdraw that almost made me fall behind but he quickly grabbed my waist, preventing me to fall... and making me almost kiss him.


I gulped when I thought his eyes were reading me, as if piercing through my soul. My heart fluttered. He's giving me weird – really weird – emotions. Hindi ito pwede. This is so wrong. Mariin ko siyang tinulak.

14 daysWhere stories live. Discover now