Day 2

11.9K 339 14
                                    

Sorry, late post :x

DAY 2

The guard greeted me good morning as I entered the mall. I tried to smile but my mind failed me, tinatamad daw ang neurons ko na mag-utos. In short, I snobbed him. When I entered McDonals, I didn’t bother smiling back to the workers, I didn’t even bothered greeting back the cashier.

“The usual.” I said in a monotone voice. “Additional extra hot coffee, please.” At least I said please. I’m not that totally rude. I gave her my money and went straight to sit at my favorite spot but to my surprise, somebody was sitting there already. Aba, anak ng.. ugh!

I checked my watch. I’m even earlier today that my usual time pero may nakauna sa pwesto ko? Taas kilay kong nilakad ang daan patungo doon. Nobody could sit on my place. Okay, I do not own the place pero I’ve been here for three months at wala pang kahit sinong nakakaagaw ng pwesto ko.

“Excuse me.” Iritado kong sabi nang narating ko ang likod nito. Hindi nya ako nilingon. “Excuse me.” Mas malakas at mas iritado kong sabi. The nerve, hindi pa rin sya lumingon! Bahagya kong itinulak ang balikat nito and he cocked his head to his right at doon ko lamang napagtanto na nakaearphones pala ito.

“Oh.” He said tapos ay hurap ito sakin. Laglag naman ang panga ko. He was that guy yesterday! Yung kasabayan kong kumakain dito, yung kung makatitig sakin eh akala mo first time makakita ng maganda. “Makikiupo ka?” May ngisi sa labi nyang tanong.

Halos maabot na ng kilay ko ang anit ko sa sobrang pagtaas ko dito. Akala ko simpleng antipatiko lang, sobrang hangin din pala. “You are on my place.”

Nangaasar itong lumingon lingon sa paligid hanggang sa nagkunwari itong napagtanto na nito ang ibig kong sabihin. “Ah, sayo tong mall?” Nakangisi nyang tanong.

“Or sayo tong branch ng McDo na to? O manager dito?” Dagdag pa nito nang hindi ako sumagot. “Ah! Pinareserve mo lang tong pwesto na to?” Mas nangaasar pa nitong tanong. “Pero wala naman nakalagay eh.” Pinili kong titigan lamang ito. I can’t believe na may nabubuhay na kagaya nya. “Or we could just share seats here.”

Napaismid ako sa huli nyang sinabi. “In your dreams.”

“Yea, you were naked in my dreams.”

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Goodness! Manyak pa! “Too bad hanggang panaginip ka na lang.” I said and decided to walk away. Bwisit! I chose to seat far away from him pero kada naliligaw ang tingin ko sakanya, nahuhuli kong nakatitig ito saken habang nakangisi! Damn this guy!

14 daysWhere stories live. Discover now