Prologue

10 0 0
                                        

"Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan yan, Franco?"

"Naghihintay pa 'ko ng tyempo."

"Naghihintay?! Naghihintay eh ikakasal na lang kayo't lahat eh buong-buo pa rin sa isip nyang mahal na mahal mo pa rin sya!"

"Cristina ano ba?! Nandyan lang si Rain sa loob! Eh kung marinig ka nun?!"

"Ayaw mo 'kong kausapin sa labas diba? Tama lang na dito tayo mag-usap para marinig nya. Para malaman nya na hindi na matutuloy ang kasal nyo dahil binuntis mo 'ko-"

"Tumahimik ka sabi!"


What if ikaw si Franco? Tuluyan ka bang magagalit kay Cristina kung sya mismo ang magpapaalam kay Rain ng totoong sitwasyon ng relasyon niyong dalawa?


What if ikaw si Cristina? Makikinig ka ba sa pag-awat ni Franco kung buhay na ng pinagbubuntis mo ang nakasalalay?


What if ikaw si Rain? Na nagpapanggap lang na tulog pero gising na gising at rinig na rinig naman ang pinag-uusapan ng boy friend/fiance mo at ng ex nya mula sa loob ng kwarto?


Ako kasi bilang si Rain, wala akong ibang ginawa kundi iiyak na lang ang lahat ng narinig ko. Nilunok ko na lang ang mga hikbi ko wag lang nilang marinig na gising ako at nasasaktan sa mga narinig ko.


Pero kung ikaw ang nasa pwesto ko, anong gagawin mo?


What if ako ikaw?

Rain, Go AwayWhere stories live. Discover now