"Shit! This is shit! Ylave! Gising!" Yun ang huli kong narinig bago tuluyan lamunin ng kalasingan.

Kaya sakit sa ulo ang aking napala kinaumagahan.

I managed to get up and clean myself in the bathroom.

Sa sobrang kalasingan diko na matandaan sunod na nangyari.

"Ohh, gising kana pala"

It's Hadex.

Lumabas ako ng banyo at naupo sa kama.

"Dapat inuwe mo na lamang ako...kaya ko naman."
Sakit ng ulo ko.

Nahiga ulit ako.

"Kaya? Mukha bang kaya mo sa lagay na iyan? Hindi mo pa nga kaya eh"

Hinilot ko ang sintido ko para maibsan ang sakit.

"Si Ellaine sinundo siya kagabi ng boyfriend niya."

Edi sana all.

Wait? May boyfriend ba si Ellaine?
Napabalikwas ako na nagtataka ang itsura.

"What? Did I hear it right? May boyfriend na si Ellaine sino? Bakit diko alam yan."

Lumapit siya sa akin at pinitik ang noo.

Dumaing naman ako at akmang gaganti pero tinampal niya ang kamay ko at naupo rin sa kama.

"Yung ex niya, naging boyfriend niya ulit..."

Malakas akong napasinghap.

"Totoo? Sabi na alam ko iyan si Ellaine ehh! Hayst buti ako kahit ano pang ihain sa akin...wala na talagang babalikan! Sinayang na ako eh, who you siya ngayon!" Pinitik ulit ako at sinamaan ko na siya ng tingin.

"They love each other that's why they get back... and you are not the same case,"

"Hindi talaga! But kung happy siya edi goods ako!"

"Oo na kaya kumilos kana at ng makapag umagahan na tayo"

Right! Umirap ako sa hangin at kumilos na gaya ng sabi niya.

Nag palit lang ako ng maayos na damit at lumabas ng kwarto ni Hadex.

Tss, ngayon ko na pagtanto na wala ako saamin at narito ako sa bahay ni Hadex. Kakahiya tuloy sa mga magulang niya, sabihin wala akong bahay at nakikitulog.

Bakit ba kase hindi niya ako inuwe?

"Oh hija gising kana pala..." Ngumiti ako rito at tumango. "Upo ka"

Umupo naman ako sa silya at nakita kung ano ang nakahain. May fried rice, itlog at may tinapay rin tapos kape.

"Kamusta naman tulog mo... Pasensya na at makalat sa kwarto ni Hadex sinabi ko naman sa batang iyan na maging maayos at baka pag nag asawa iyan ay walang kaalam alam sa pag lilinis ng bahay."

Napatawa ako sa mga sinabi ni nanay.
"Inay naman wag niyo na ako ibuking kay Ylave!" Kunwari'y sabi nito.

"Wag po kayong mag alala wala naman po akong nakitang alikabok man lang." Sabi ko.

"O siya kain na. Nang makapag simula na ang umagahan natin." Sabi ng tatay ni Hadex bago kami kumain.

Naging tawanan at kwentuhan lang ang nangyari sa hapag.

"Nung bata pa itong si Hadex mahilig talaga itong mag paiyak ng kalaro... Sinabihan ko siya noon na wag ugaliin iyon at wala siyang magiging kaibigan, pero tingnan mo nga naman naging matagal rin kayo naging mag kaibigan. Sa wari ko'y ikaw pa lamang ang kaisang isa naging kaibigan niya."

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now