SS 29

710 17 2
                                    

Chapter Twenty-Nine
1st

ILANG beses na tumutunog ang phone ko sa tawag ni Kedge. Wala pa akong sinasagot dahil sa sakit na naramdaman ko. Kahit alam ko na wala ako sa pwesto ko para masaktan at magselos at, wala ako sa tamang pwesto dahil hindi kami.

Call ended nanaman ang nakita ko sa phone ko pero alam ko na ilang segundo lang e lalabas nanaman ang Kedgie is calling.

And I was right. He called after a few seconds. I turned my phone off dahil nakakasawa pakinggan ang ringtone ko. Kung kanina ay parang falls ang luha na nanggagagaling sa mata ko, ngayon ay ambon nalang sa tuwing maiisip ko siya.

I miss him already. Kahit kanina lang ay magkasama kami. Pero hindi ko na siya dapat pang mamiss dahil sobrang linaw na sa akin na sila pa ni Shane, na niloloko niya lang ako, na isa ako sa mga laro niya, na magaling siyang aktor, at siguro gumaganti siya sa akin dahil sa pananakit ko sa kanya noong college pa kami.

Wrong timing namang nagsipasok sa isipan ko ang happy memories namin ni Kedge. Nakikita ko ang mukha niya sa isip ko. Bakit ganoon? Naiimagine ko pa lang ulit ang kulay tsokolate na mapupungay niyang mata ay natutunaw na 'yung galit ko para sa kanya. Pakiramdam ko kapag humingi siya ng tawag ay mapapatawad ko siya agad. Kapag nagpaliwanag siya ng kasinungalingan ay paniniwalaan ko agad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. This is crazy.

You're just overthinking, Stella. Huwag kang OA! bulong ng kabilang parte ng utak ko.

Humikab ako sa naramdaman kong antok. Na overdose na ako ng matinding overthink kaya siguro ako inantok, mabuti nalang at inantok na ako dahil hindi ko na kakayaning isipin ang mangyayari sa amin ni Kedge. Sana lang ay hindi ko din siya mapanaginipan.

"Christella!" sigaw niya sa isip ko. My heart jumped sa thought na tinawag niya ako sa buong pangalan ko at hindi sa 'stella' lang. Desidido na akong talikuran ang lahat ng mayroon sa amin dahil alam kong mali. Kumirot agad ang puso ko sa naisip. Shit. Kailangan kong iwasan si Kedge... Si Kedge... Si Kedge na nagpasaya sa akin nang mga panahon na dapat ay nalulungkot ako sa absence ni Dino. I sighed and smiled, bye baby.

Naramdaman ko nanaman ang luha ko sa pisngi habang nakahiga ako sa kama. Pucha, masakit.

"Christella!" sigaw niyang muli. It sounds... real. I wiggled my head. Lutang ka nanaman, Stellie! Kung anu-ano naririnig at naiisip mo. Mukha ka nang Kedge

"Christella!" My eyes widened. Totoo nga, pakshit. Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw ni Kedge. Kinuha ko ang phone ko at tinapat sa tainga ngunit wala akong narinig na sigaw niya doon. Sumilip ako sa bintana at nalaglag ang panga ko. What is he fucking doing here!?

Tinakpan ni Kedge ang ulo niya sa pamamagitan ng kanyang mga kamay ng may mga tumulong tubig galing sa langit. Umaambon pa! Anak ng wrong timing!

"Umuwi ka na, Kedge!" sigaw ko pabalik at lumakas na ang ulan. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nakatingala lang siya, nakatingin sa akin.

He shook his head, "no! Hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako pinapakinggan!"

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa tinawag niya sa akin. Paano nalang kung marinig nila ate 'yon? I just rolled my eyes at bumaba para kausapin siya.

Kumuha muna ako ng payong bago lumabas. Tinanong ako ng guard namin kunga saan ako pupunta, sinabi ko, pupunta lang ako sa gilid ng bahay dahil nandoon ang kaibigan ko.

"Hoy!" Panimula ko nang makita ko siya. Lumingon agad siya sa akin, hindi ko alam kun umiiyak siya o hindi dahil sa ulan pero ang lungkot ng mukha niya. Lumunok siya at nilapitan ako. Pero umatras ako. "Umalis ka na nga." I murmured.

Stealing Stella (Book 1)Where stories live. Discover now