"Christella," tawag niya sa kalmadong boses.

"Hm?" Sinubukan kong itago lahat ng nararamdaman sa boses ko.

"Kaya ka ba, nag- ugh... tampo ngayon kasi..." he paused, hindi malaman ang susunod na sasabihin pero mukhang alam ko na iyon. "dahil kay Shane?"

Wrong timing namang nagiba ang kulay ng traffic light mula sa green papunta sa red. Tumingin ako sa daan at napabuga ng hininga ng makitang ang dami nang tumigil na sasakyan.

"Hindi." I lied.

"Really? Hindi ka naman dapat magtampo o magalit dahil wala nang kami. Ikaw na ngayon, okay?"

I don't know baby. I don't know. Ako na nga ba ngayon? Wala na nga ba talaga kayo? Wala akong lakas. Walang-wala. Gusto kitang sigawan at hagisan ng napakadaming mga tanong pero walang lumalabas. Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

"I want to hear your thoughts, Christella."

Umiling ako. Hindi ko kayang sabihin dahil maluluha lang ako.

"Please."

Bumuntong-hininga ako, "tumatawag si Shane sa iyo kanina habang magkayakap tayo."

"Oh tapos?" tanong niya, may halong pagtataka ang boses niya.

"My S-shane?"

His eyes widened at nakita ko ang pagiisip niya. Nabuking ka ba? Umayos ako ng upo at tiningnan ang traffic light. Ilang sandali lang ay nag-green na ito. Nakita ko ang pag-andar ng kotse. Madilim na kaya't medyo nasisilaw ako sa mga ilaw ng kotseng dumadaan.

"Sorry. Wala akong time para ibahin iyon. Siya kasi ang naglagay ng panglan niya sa phone ko at minsan nalang naman siya tumawag kaya hindi ko na naiisip."

Lies.

Tumango lang akong muli at hindi na siya pinansin. Pinagmamasdan ko lang ang mga kotse, buildings at mga bahay hanggang sa makita ko nalang ang tapat ng bahay ko.

I just waved my hand bilang respeto sa pag hatid niya. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at pumasok na sa bahay.

"Who's the guy, Christella?" tanong ni ate Christine. Napatingala si kuya Toffie na komportableng nanuuod ng TV sa livingroom sa tanong ko. Pinatay niya agad ang TV sa narinig na tanong. Shiz, I'm dead.

"Dino's cousin." I answered. Damang-dama ko ang kalabog ng puso ko.

Tumaas ang kilay nilang pareho.

"Alam naming may mali, Christella. Bakit iba ang nakikita namin sa mga mata mo?" seryosong sinabi ni kuya pero ramdam ko ang comfort.

Parang gusto ko nalang na maiyak sa kanila. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat pero kahit na kapatid ko sila hindi ko maiwasang isipin na baka i-judge nila ako at hindi nila maintindihan. Gusto kong itanong kung ano ba ang nakikita nila sa mga mata ko dahil nawalan nanaman ako ng pakiramdam sa nangyayari.

Pakiramdam ko ay naloko ako ni Kedge. I deserve it. Kasi niloko ko rin naman si Dino. Si Dino na walang ginawa kundi mahalin ako. Eh si Kedge? Ano ba ang nagawa niya sa akin except sa dati pa niya akong minahal. Hindi ba't sinira niya lang ako? Kami ni Dino.

Umiling ako at naglakad na papunta sa hagdan ngunit pinigilan ako ni Ate. "Christella," Her forehead creased, "omg, why are you crying?"

Nanlaki ang mata ko at agadang pinunasan ang luha ko sa pisngi. Hindi alam na umiiyak na pala ako. Ganoon na kamanhid dahil sa overthinking ko.

"Stella." tawag ni kuya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Yinakap ako ni Ate. "bakit?" She guided me sa living room. Pinaupo niya ako sa sofa at hinimas ang likod ko. "Manang!" sigaw niya at sumenyas na humihingi ng isang basong tubig.

Stealing Stella (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon