HP35 - I got you

Magsimula sa umpisa
                                    



"Tara na! Mal-late na tayo oh hahaha maganda ka na promise." Lumapit sa akin si Cheska at hinigit ako.



Pero bago kami lumisan ng kwarto ay hinalikan ko muna si Travis. "Yaya, pakialagaan po muna si Travis ha? Pwede na naman siguro ang bottled milk sa kaniya eh haha. Babalik rin ako." Habilin ko sa yaya ni Travis.



Umalis na kami ng bahay ni Cheska at pumunta sa party ni Private. Isang resort dito sa Quezon na pagmamay-ari nila.



Naaalala ko tuloy yung sa Laguna. Nakakita ako ng swimming pool at hindi na ako natatakot ngayon. Medyo marunong na ako lumangoy eh.



Tumingin tingin ako sa paligid. Madilim na at maganda ang pwesto ng mga ilaw dito.



Nahagip ng mga mata ko ang presensya ni Private na tumatawa at may kausap na kapwa businessman.



Nakita ko si Tara sa may pool at may photoshoot pang nagaganap. I rolled my eyes after seeing her. "That girl is insane." I said to Cheska and both of us laughed at that thought.



"Chelsea! You're here! As I've expected." sabi ni Theo at lumapit sa amin ni Cheska. Inirapan ko na lang siya't di pinansin.



May dala-dala siyang dalawang baso at inalok sa akin. Tinanggihan ko na, nadala na ako. Baka may lason or drug nanaman sa inumin na 'yon eh.



"Natakot ka na talaga? Hahaha sorry na, Chelsea." I raised my middle finger at him at natawa silang dalawa ni Cheska.



Nagsimula na ang party ni Private nang magsalita na ang emcee. Nagbigay ng kaunting speech ang magulang neto.



Tinitingnan ko lang mabuti ang mukha ng kaniyang nanay na nagsasalita sa stage. Pinapatay ko na siya sa isip ko dahil sa ginawa niya sa akin. Napakawalanghiya.



Nang makababa siya ay dumiretso siya sa direksyon namin, napatigil siya bigla nang mapansin ako.



"Ohh.. Misty Gonzales you're here. 1 year passed yet you're still tailing at my son?" Private's mother laughed evily.



Kinapitan ako ni Cheska sa kamay. Siya naman ang tiningnan ng nanay ni Private. "Ohh, Chelsea! You're alive.. And why are you holding this girl?" sabay turo sa akin.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon