HP24 - Modelling

13.7K 437 40
                                    

Kinabukasan ko na pinuntahan si Theo sa office niya. Inalagaan ko na muna buong araw at gabi si mama sa hospital.



Umuwi ako sa amin at nagpalit ng damit na disente. Isang sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba. Dumiretso agad ako sa kumpanya niya pagkabihis ko.



Hawak hawak ko ang calling card na binigay niya sa akin at hoping na hindi pa sila nakakakuha ng model. Lumapit ako sa information desk at tinanong kung nasan si Theo.



"Ma'am sir Theo is in his office right now. Do you have an appointment with him?" The lady asked me.



"Uhh... Wala but I'm his friend." I uttered.



"Okay ma'am. His office is 5th floor only." Sabi ng babae at tumango ko. Nagpasalamat narin.



Hindi gaya ng Premestrice na iisa lang elevator, dito dalawa kahit hindi naman ganoon kataas ang building. Tibay rin ano.



Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 5th floor. May mga kasabay ako sa loob ng elevator pero medyo dumistansya naman ako.



Mga ilang floor muna ang tinigilan ng elevator bago ako nakarating ng 5th floor. It's not like Private's office, mas malawak kung tutuusin itong kay Theo kaysa kay Private. Wews.



I saw there Theo laughing and holding his phone. I think his talking to someone. Buong confident akong pumasok sa office niya nginitian habang naglalakad.



Nakita ko ang paglaglag ng panga niya nang makita ako. "Okay okay I'll talk to you later." Sabi nito at binaba ang telepono. Nilagay niya ito sa bulsa at lumapit sa akin na tuwang tuwa.



"Wow I'm glad you're here. So..." Nagtaas siya ng dalawang kilay at parang sinasabi yung tungkol sa offer niya sa akin dati.



"Yes. Kukunin ko Theo."Simple kong sagot sa kaniya. Parang nag-isip pa siya saglit at kinuha nanaman ang telepono.



Tinitingnan ko lang siya habang nagd-dial ng numero. "Tanggalin mo na si Angel as model. May model na ako thanks." at binaba agad.



"Teka teka.. May model ka na pala? Hala!" Gulat kong sabi at natawa lang naman siya.



He tapped my head twice and uttered, "I want you to do it. I want you to endorse my own product." And then he winked.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon