Prologo

16 1 0
                                        

He step into a cheap club. Dito kasi gustong makipagkita ng bago nyang business partner. He owns high-end bars around the city, at sa bago nyang itatayo ay isang mayamang hapon ang magiging kasosyo nya. Marami na din itong naipatayong clubs at gusto naman sumubok na mag invest sa isang high-end bar.

Nilingon nya ang paligid, sari saring amoy ang nalalanghap nya amoy alak, sigarilyo at pawis. Hindi yata kayang magtagal ng isang Caleb Jake Braden sa lugar na ito. Hindi siya sanay na makihalubilo sa mga taong nasa paligid nya, he is rich, filthy rich at sa edad nyang twenty four ay marami na syang negosyo.

"Have a seat Mr. Braden" ani ng hapon at tumawag ng isang waitress upang um-order ng maiinom "beer for me, and jack for Mr Braden"

Tumango lang si Jacob bilang pag sang ayon.

"So Mr. Kobayashi, We talked over the phone pero gusto kong personal kang makausap para sa magiging investment mo sa bar ko" panimula nya.

Dumating na ang kanilang order at nagsalin ito ng beer sa baso "Nakita ko na nga ang proposal mo, at alam mo bilib ako sayo. Bata ka palang pero ang dami mo ng naipatayong bar at hindi lang basta bar, I mean high-end bars pa"

Napatungo sya, mukhang bumilib na agad ang kanyang future business partner. Nagsalin siya ng Jack at diretsong ininom.

Nagsimula ng tumugtog ang banda, kasabay noon ay ang pagdating naman ni Oliver, matalik nyang kaibigan at isa rin sa kanyang mga business partners.

Tinapik nito ang kanyang balikat pati narin ang kay Mr. Kobayashi. "Im sorry Im late" at inokupa ang upuan sa tabi nya.

Nagsimula na silang mag usap tungkol sa magaganap na negosyo. Naagaw lang ang kanyang pansin ng umalingawngaw na ang boses ng isang babae.

Hinanap nya ito at nadako ang pansin nya sa stage. Doon nakaupo sa stool ang isang balingkinitang babae na sa tingin niya ay di nalalayo sa edad nya.

"God, look at her she looks like Monique" sabi ni Oliver.

Pinaningkitan niya ang tingin nya sa babae, she has the same frame as Monique pero ang buhok nito ay natural na kulay caramel, sa tingin nya ay maging ang mata rin nito. She has small lips, may hawig nga ito kay Monique ngunit may pagkakaiba parin sila.

Sinundan ni Mr.Kobayashi ang tingin ng dalawa nyang kausap, nakita nya kung saan nakatingin ang mga ito.

"She's Danielle, singer ko yan dito. Pinambayad utang" naagaw naman ng hapon ang atensyon ng dalawa.

Napailing si Oliver "Pambayad utang? You mean pwedeng itake home?" Siniko sya ni Jake.

Natawa naman si Mr. Kobayashi "No, she's off limits. Parang anak ko na ang batang iyan at mataas ang respeto ko sa kanya. Sa Ina lang nya wala akong respeto, masipag yan nag aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi" Uminom ito ng beer. "Gustong makabayad ng kanyang Ina ng utang sa akin kaya pinilit nya ang anak nyang pumasok dito, noong una ay ayaw ko dahil ayoko ng ganoon."

Tumango lamang siya at binaling muli ang paningin sa stage.

Nagsalin sya ng Jack at pinaikot ikot ang laman ng baso.

"Jack. Danielle" napailing si Jake at sinimsim ang laman ng baso.

Tumawag si Mr. Kobayashi ng isang waiter at may ibinubulong dito.

Nagusap pa sila ng tungkol sa business hanggang sa nawala na sa pangrinig nila ang umaalingawngaw na boses ni Danielle. Maya maya ay nakita na nya ito sa tabi ni Mr. Kobayashi.

Sa malapitan para itong manika! Natural ang pagkabrown ng kanyang buhok at ang kanyang mata, natural din na mapula ang kulay ng mga labi at ang balat nito ay parang kay snow white. Sa unang tingin ay aakalin mo nga itong si Monique pero pag tinignan ng matagal ay nag iibang tao na ito, may cleft chin din ito that highlights her whole face.

She finally cracked a smile. Then, came the three words that would change Caleb Jake Braden's life. "Hi, Im Danielle"

The Fall of JakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora