III. PSYCHOSIS

10 2 0
                                    

"Chandra?" isang tinig kasabay ng mga katok ang nakapagpagising sa akin kinabukasan.

Hindi ko ito pinansin dahil sa antok. Pumikit ako ulit at hindi ko na namalayan na nakatulog pala ulit ako.

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa braso ko at si Ate Ruth agad and bumungad sa akin.

"Ma'am, may appointment po kayo ngayon sa Doctor niyo sabi ni Sir" magalang na sa sabi niya habang nakangiti.

Kinuha niya ang breakfast tray sa coffee table at inabot sa akin.

"Niluto ko 'yan Ma'am. Nabalitaan ko kasi na mahilig ka sa daw bacon waffles? Buti na lang alam ko, dati kasi akong crew sa Pancake house" masiglang kuwento niya.

Nalungkot ako nang makita ang hinanda niya na waffles. My Mom used to cooked this for me and Kuya. I remember how me and Kuya fight for the bacon when we are still kids. The memories of us fighting for the last bacon while Mommy and Daddy is laughing at us. But in the end, Kuya will surrender the last bacon for me.

"Nakuuu Ma'am! Start the day right using a large smile! Oh, english 'yon Ma'am!" proud na sabi niya. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi nito.

Hindi nakatakas sa akin ang ibang accent niya na hindi pamilyar sa akin.

"What's with that Accent?" tanong ko.

"Accent Ma'am? Nakuuu Ma'am, Ilocana kasi ako" sagot nito sa akin habang inaabot sa akin ang isang baso ng gatas.

"Really? Tell me more about yourself" sabi ko bago tumayo na at pumasok sa loob ng sariling CR para magsipilyo at maghilamos.

"Taga Ilocos po talaga ako. Nang maging Registered Nurse ako, sumubok ako mag ibang bansa pero hindi ko pala kaya. Kaya andito ako ngayon sa Maynila. Hanggang sa kumuha ng personal nurse si Daddy mo sa agency na pinagt-trabahuhan ko. Tapos 32 na din pala ako, may asawa at dalawang anak. Nasa Ilocos sila kasi hindi ko pa kaya na dalin sila lahat dito. Kakasimula ko pa lang magtrabaho at nag iipon pa ako para makakuha ng apartment na puwede namin tuluyan na mag anak" mahabang kuwento niya.

"Ilang taon na po ang mga anak niyo?" tanong ko nang makalabas na sa CR.

"Iyong panganay ko Ma'am, pitong taon na. Iyong pangalawa naman mag aapat na taon na sa susunod na buwan. Parehas po na lalaki, gusto ko nga sana magkababae na anak lalo noong nakita kita Ma'am. Sobrang ganda niyo po!" sabi niya na sinusuri ang mukha ko habang kumakain ako.

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. At least ngayon, may nakakausap na ako dito sa bahay unlike before.

"Ma'am tumatawag na po 'yung Secretary ng Daddy niyo, pumunta na daw po tayo sa monthly check up niyo" sabi ni Ate Ruth nang matapos ako maligo.

Tumango lang ako at nagsimula na magpatuyo ng buhok. Tumulong na din sa akin si Ate Ruth sa pagsusuklay para mas mapabilis kami.

I put a light make up to look presentable. I wore a simple white bodycon dress partnered with my white Casual Mid-Heeled Sandals.

"Ay jusko! Para akong nakakita ng anghel! Ang ganda ganda mo Ma'am!" puri ni Ate Ruth na inikutan pa ako para makita ako nang buo.

"Kamukha ko daw kasi si Mommy. She's a model before going to Med School" sabi ko habang tinitignan din ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa harapan ko.

I saw pictures of my Mom when she was younger. She really looks like me. Kung may nakuha man ako kay Daddy, it's his blue eyes and his light brown hair color. But aside that, wala na. Nakuha ko na lahat kay Mommy.

SEE YOU IN MY DREAMSWhere stories live. Discover now