CHAPTER 4: SHE'S BACK

77 47 0
                                    

She's back

ASHRA POINT OF VIEW

Kakauwi ko lang ng bahay kaya dumiretso na'ko sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Hindi na din naman kami nag tagal sa cafè na 'yon, nag kwentuhan lang kami at umuwi na din kaagad.

Pero kahit nakauwi na ako hindi ko pa din makalimutan yung cute na Waiter doon sa cafè!

Pumunta ulit kaya kami bukas don? Kaso wala na pala akong pera dahil sa uniform na binili ko.

But that guy looks familiar talaga, ang alam ko nakita ko na s'ya eh kaso 'di ko maalala kung saan.

Hmm . . .

"Di ko talaga maalala." Bumuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pag papalit ng damit saka ako humiga sa kama, pumikit lang ako saglit pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Hindi ko alam kung ano o sino ang sumapi sakin kagabi at ang aga ko nakatulog, ang aga ko tuloy nagising ngayon, buti na lang talaga at na lock ko ang pinto ng bahay.

Tumayo na'ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Maaga pa naman pero maliligo na'ko para hindi na'ko magmamadali mamaya.

Ito nga pala ang pangalawang araw ko sa USM (University of San Miguel) bilang estudyante, sana naman ay mas gumanda pa ang araw ko ngayon kaysa kahapon.

Hindi talaga ako makapaniwala na nagkaroon kaagad ako ng mga kaibigan sa unang araw pa lang ng pasukan.

At gustong gusto ko 'yon.

Ano kayang mangyayari ngayong araw?

Pagkatapos kong maligo, plinantsya ko muna ang uniform ko saka ko ito sinuot.

Simple pero maganda ang uniform namin, long sleeves ang blouse at may nakasulat pa na maliit na 'USM' sa may bandang puso, may necktie na kulay blue at kulay blue din ang palda na hanggang tuhod ang haba.

May aircon naman bawat classroom ang school namin kaya siguro long sleeves ang uniform.

Ang expensive!

Nag long socks na din ako, at nag sapatos, pero hindi school shoes ang sosuotin ko.

Baduy na kung baduy pero hindi kasi ako makapaglakad ng maayos sa school shoes ko lalo na at may takong ang ipinadala na sapatos ng nanay ko, kaya nag converse nalang ako na kulay white.

Nilagay ko nalang din sa bag ang ID ko dahil ayokong isuot 'yon.

Pangit pangit kasi ng tao na nandon, sino ba yun? Ay ako pala.

Pero ang sabi ni Miss V. nasa Number 1 rules nila ang pagsuot ng ID, kapag nahuli ka daw ng school president ay mayayari ka daw ng sobra dahil sa malupitang punishment na matatanggap mo, may punishment daw talaga dapat para magtanda ang mga estudyante at araw araw na suotin ang kanilang ID, may tatlong warning naman daw, pero kapag lumagpas na kana ng tatlong warning saka mo pa lang matatanggap ang punishment na 'yon at dahil isa akong mabuting estudyante . . . hindi ko susundin si Miss V.

Hindi naman siguro mahahalata na wala akong suot na ID diba, saka hindi ko pa nakikita na naglilibot ang president, ni hindi ko nga s'ya kilala kaya bakit ako matatakot?

Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay saka lang ako lumabas ng kwarto at bumaba.

Pero hindi ko inaasaahan ang nakita ko...

She's back..

"Baby! Buti naman at gising kana! Mommy's here! Na miss mo ba ako?Nagpa-deliver ako ng breakfast, halika at sabay na tayo kumain." Lumapit s'ya sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi habang ako ay nakatulala lang at nakatingin sa mga paper bag na nasa paligid, iba iba ang tatak ng paper bag, may coach, Zara, Penshoppe at iba pa.

Sunset With YouWhere stories live. Discover now