"A-anong nangyayari, Isaiah?" kinakabahang tanong ko. "Hindi ba may ginamit ka kanina? Bakit mag ganyan pa rin?" Ang tinutukoy ko ay ang malapot na nasa mga daliri niya.


Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Hinanap ko ang isang kamay niya na may hawak ng rubber kanina. Kinuha ko iyon at ibinagsak sa ibabaw ng kama. Napasinghap ako dahil punit ang dulo niyon.


"Vi, nawasak..." may nginig sa boses niya.


"N-nasaan ang nawasak? Nasaan, Isaiah?" takot na tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Iyon iyong nararamdaman kong kakaiba.


Naiwan sa loob ko iyong dulo ng wasak na rubber. Nasa loob ko!


Nataranta naman siya nang makitang paiyak na ako. "Vi, 'wag kang umiyak. Gagawan natin ng paraan. 'Wag kang umiyak."


Hindi ko mapigilan ang paghikbi dahil takot na takot na ako. "Bakit nawasak? Anong nangyari? Bakit?! Peke ba iyon?!"


"Hindi ko alam. Promise, hindi ko talaga alam. Bigay lang ni Miko iyan, eh. Lucky charm daw. Hindi ko naman alam na gagamitin natin ngayon. Pero hindi 'yan peke. Nasa kanya iyong box niyan. Hindi ko talaga alam bakit nawasak. 'Di ba dahan-dahan naman tayo kanina?"


"A-anong gagawin natin? Paano kukunin? Bakit kasi nawasak? Bakit nagkaganoon? Anong mangyayari? Maoospital ba ako? Ayokong maospital!" Nakakahiya at baka may iba pang makaalam. Ayoko.


"Gagawan natin ng paraan, 'wag ka nang umiyak, please?" pagpapakalma ni Isaiah sa akin, pero siya mismo ay parang gusto na ring maiyak. "Hindi naman kita papabayaan."


"A-anong paraan?" sumisinghot na tanong ko. Takot na takot na ako.


Sinilip niya ang ilalim ng t-shirt ko. "Titingnan ko kung baka puwedeng kunin."


Kusang tumikom naman ang mga binti ko dahil sa hiya. Hindi ko yata kaya na bubusisiin niya ako. Lalo nang makita kong hawak niya ang kanyang phone. Bukas ang flashlight niyon.


"Sorry, boo. Kailangan kasi nating malaman kung kayang makuha." 


"Ayoko, Isaiah! Kapain mo na lang, please!"


Sinibukan niya ngang kapain gamit ang isa sa kanyang mahahabang daliri. Napaigtad ako dahil masakit pa rin. Tumigil naman siya.


"Sorry. Dadahan-dahanin ko."


Nang ipasok niya ulit ang daliri ay tiniis ko kahit masakit pa rin. Napahawak na lang ako nang mariin sa balikat niya habang hinihintay siya. Napabuga siya ng hangin nang alisin ang daliri.


"Nakapa ko pero hindi ko makukuha nang padaliri. Hindi kakayanin, baka lalo lang matulak sa loob."


Tumayo si Isaiah at hinagilap ang hinubad niyang brief at shorts at madaling isinuot. Kinuha niya ang phone niya at tumitig doon. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin. Napasabunot siya sa kanyang buhok at muling ibinaba ang phone.

South Boys #3: Serial CharmerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum