What the... hell...

Dumilat ako ng buo, halos maging yelo na sa tigas at pagkatigil. He smirked more while looking at me meaningfully, like he finally caught me red-handed doing illegal activities infront of him!

This is so embarrasing! At habang tumatayo ako roon nang mas matagal, parang nilalamon ako lalo ng kahihiyan. Just come out and run, Cassey! Then fly back to Philippines or bury them alive to save yourself from this embarrassment!

"I didn't..." I started mouthing.

Umangat lamang ang kanyang kilay at hinubad ang suot niya nang hindi inaalis ang titig sa akin. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang muscles dahil sa kanyang kilos.

Ang amba kong pagsasalita ay natigil. Isinara ko ang bibig ko dahil parang hindi ko kayang pigilan ang pagkakalaglag ng aking panga.

Mom's unholy things flashed on my mind like she's right about me! I'm really infront of Roche watching him strip!

Hindi ko kaya 'to. Baka mapansin niyang naligo na ako sa pawis at bigyan niya ng kahulugan! Mas mabuti pang lumabas, tumakbo at takasan ito kaysa manatili sa harap niya!

Ang amba kong paglabas ay hindi natuloy nang hinarang niya bigla ang kanyang kamay sa gilid. He cock his head to the side, giving me a signal to stay inside.

Fuck! Oo nga naman. Pag lumabas ako, nakita ng babae, mag-aaway sila lalo! Lalabas pang kabit ako dito, o tago niyang babae! Talagang literal na tago dahil nagtatago ako! And the girl might think Roche is cheating on her! Worst, baka ipost pa sa twitter at mas malaki pang issue ito! This time it's valid!

Ano nga naman ang iisipin ng mga tao kung ang boyfriend mo ay may tinatagong babae sa kuwarto ng hotel kung saan siya nag check in! Kung idadahilan kong nagsauli lang ng laptop, then why am I so guilty and hid myself after knowing the girlfriend is there?!

Talagang lalabas na babae ako ni Roche! At baka maungkat nila na ex ako, mas lalong dadagsa ang haka haka na baka may tago nga kaming relasyon! Idagdag pang nasa Porsche ako!

Nag-amba siyang may aabutin. I quickly use my other hand to cover my chest. Nagkasalubong ang kanyang kilay at binawi ang kamay sabay turo ng hanger sa aking ulo.

Tumingala ako nang mapagtantong iyon ang kanyang tinutukoy. I glared at him. Inilahad niya ang shirt niya sa akin at muling ginalaw ang kanyang ulo sa gilid. He's giving me secret signals again!

God... I feel like we're really doing unholy things at the back of his girlfriend! I feel so low and cheap while thinking about it kahit hindi naman talaga totoo at wala naman kaming tagong relasyon!

"Are you busy tomorrow? Ayoko pang umuwi sa Pilipinas..." si Amanda.

"I'm always busy Amanda..." ani Roche.

Irita kong inilagay sa hanger ang kanyang shirt. Busy my ass! Tumingala ako at isinabit iyon. Noong matapos ay sumandal ulit habang matalim ang titig sa kanya.

This time I saw him unbuckling his pants. Kamuntik na akong tumili ngunit mabilis kong tinakpan ang aking bibig gamit ang isa kong kamay.

"I won't include my boxers..." bulong niya at naantala pa ang paghuhubad niya sa pants.

"What?!" si Amanda na mukhang narinig ang pagbulong niya.

"I said order some food if you're hungry..." si Roche na agarang nakaisip ng palusot.

"Hmm... busog pa ako. Marami akong nakain sa dinner natin," aniya.

Roche didn't give too much attention with Amanda's answer and looked at me again.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now