Napalayo ako kay Roche at agarang tiningnan si Mommy na may taranta sa mabibilis niyang hakbang suot ang nag-aalalang mukha kasama si Daddy.

"Oh God..." she quickly hugged me.

I felt her trembled. Pumikit ako at yumakap pabalik habang si Daddy ay seryosong kinausap ang mga bodyguard.

"Nagulat si Ma'am sa humintong kotse, Sir..." I heard them explaining properly.

My father's eyes drifted to Roche. Kita ko ang paninimbang niya, medyo nagtatanong na tingin, ngunit nanatiling seryoso ang mukha.

My Mom squeezed me tightly and whispered things.

"It's alright... We're here... I'm here, sweetheart... It's alright. You are safe," paulit ulit na bigkas ni Mommy at iginiya ako papasok sa condo unit.

Naiwan ang mga boys sa labas. Pinalis ni Mommy ang luha sa aking mga mata at pinaupo ako sa sofa. She crouched infront of me while wearing her weak smile.

"You're fine, hmm? Calm down now..." marahan niyang sabi kahit kita ko ang panic sa mga mata niya.

I nodded and glanced at the door to see what's happening. The side of Roche's face illuminated in the dark while facing my serious father. Mukhang nag-uusap pa rin sila.

Lumingon si Roche. His jaw clenched. The controlled anger in his eyes didn't escape mine. Iniwas ko ang aking tingin.

"Here," si Mommy na lumitaw ulit sa harap ko at naglahad ng tubig.

"Don't..." hindi ko agad natapos ang sasabihin ko lalo na't umiling iling agad si Mommy, na napupunto niya ang ibig kong sabihin.

"I won't. Hindi ko sasabihin," ngiti niya at pinisil ang aking baba.

"Nagulat lang ako, Mommy. It wasn't his fault," agap ko lalo na't alam kong magagalit siya. I don't want to see her slapping someone who doesn't even know what happened.

"Alright..." saka niya isinabit ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga.

"Let's go to bed. You should rest now, hija..."

Tumango ako at nilingon ang pinto. Lumingon pabalik si Roche. Binawi ko ang tingin at sumunod na sa paggiya ni Mommy sa aking kuwarto.

"Natutulog na kami ng Daddy mo when your bodyguard called! I almost forgot how to breathe! Pati ang Dad mo, halos makalabag ng violation sa kalsada sa pagmamadali!"

I listened to her nonstop rants. Medyo kumalma naman na ako lalo na't narito silang lahat. Na hindi ako nag-iisa.

Dahil siguro sa pagod, mabilis akong nakatulog. Noong magising ako, nasa condo unit pa rin ang aking parents. My mother greeted me cheerfully.

"Good morning, hija! Umupo ka muna. I'll just prepare your breakfast," si Mommy na aligaga na agad.

Nagtungo ako sa sofa kung nasaan si Daddy. Ibinukaka niya ang mga binti at hinayaan akong magkasya sa kanyang kandungan nang doon ko piniling umupo. Nahiga ako sa kanyang bisig habang namamahinga ang kamay niya sa aking likod.

"Aren't you too old for being a baby, sweetheart?" he chuckled a little.

"Miss you, Dad... You're busy," I frowned at him.

His face calmed down. He looked regretful now.

"Your Mom gave up her position on the company. Naging doble tuloy ang trabaho ko."

Pumikit ako at napangiti lalo na't alam kong ayaw nang bumalik ni Mommy roon at atupagin na lamang ako.

"By the way," tikhim ni Dad at parang may laman agad ang susunod.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now