p r o t e c t i o n 34

810 36 4
                                    

"Ex...Excuse me?" 'yun lang ang nasabi ni Steph dahil agad siyang hinila ni Josiah.

Hindi na umangala pa si Steph dahil biglang naging seryoso si Josiah at di na ito nagsalita pa. Pilit binabalik ni Step hang nakaraan pero wala naman siyang ex na Ken, gusto niya sanang magtanong kay Josiah pero parang wala ito sa mood at baka mabangga pa sila kapag iniistorbo niya ito.

Mabilis silang nakaabot sa condo unit nila. Nilagay ni Josiah ang susi sa dining table at uminom ito ng tubig. Si Steph naman ay nasa living room lang at humiga sa couch, sumama bigla ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kanina. Hindi niya alam pero sumakit bigla ang ulo niya.

Hindi niya napansin si Josiah na tumabi sa kanya, umupo ito sa may paanan niya.

"Wag mo ng isipin 'yun." Sabi ni Josiah kaya napabangon si Steph at umayos ng pagkakaupo.

"Sino ba siya?" tanong ni Steph pero umiwas lang ng tingin si Josiah.

"Matulog na tayo." Mahinang sabi ni Josiah at umakyat na nga siya.

Nagtungo na rin si Steph sa kwarto niya, medyo sumilip pa siya sa kabilang kwarto dahil hindi ito nakasara. Nakita niya si Josiah na may tinitext at umiling, tapos umupo sa kama at parang stress ito. Umiling nalang si Steph at pumasok na nga siya.

Syempre, hindi sila magkatabi matulog, baka madagdagan na naman. LOL.

Kinabukasan...

"Stephy babes, okay ka lang?" nag-aalalang  tanong ni Kelly nang makita niya si Steph na hindi ginagalaw ang pagkain.

"At nag-aalala ka talaga." Komento ni Steph saka niya ito inirapan.

"HAHAHAHA! Joke lang, nagpa-practice lang ako sa script ko mamaya." Nakangising sabi ni Kelly saka niya kinuha ang makapal na papel at binasa ito.

"Abnormal talaga." Komento ni Sam na may kaharap sa phone.

"Pero di nga, parang ang tahimik mo yata." Sabi ni Kelly at napatingin naman si Sam sa kanya.

"Di ka na nasanay, ganyan talaga pag buntis." Saad ni Sam kaya tumawa naman si Kelly.

"Ganun? Sana pala palagi nalang siyang buntis, para hindi siya nag-iingay at nang-aaway." Bulong ni Kelly na narinig naman ni Steph kaya umirap nalang ito.

"Sabihin mo na kasi ang problema mo para naman matulungan ka namin." Hinawakan ni Sam ang balikat ni Steph pero inalis niya ito kaagad dahil naiilang ang buntis. LOL.

"May kilala ba kayong Ken?" tanong ni Steph at nagkatinginan ang dalawang magkaibigan.

"Kasi sabi niya ex ko raw siya, pero parang ngayon ko lang 'yun nakita e." pagpapatuloy pa nito sabay inom ng pineapple juice.

"Baka naman, pinagtripan ka lang 'nun." Sabi ni Kelly at mabilis na tumango si Sam.

"Wala kaming kilalang Ken." Patuloy pa ni Kelly

"At who's that pokeman ba? Ngayon nga lang naming narinig ang name na 'yan." Sambit ni Sam

Hindi nagsalita si Steph at nagbuntong hininga nalang ito. "Siguro." Ang sagot nito at kumain na.

"So kumusta na si Celine at Josiah?" tanong ni Kelly

"Naghiwalay na sila." Kalmadong sagot ni Steph

"Huh? Pero magkasama sila ngayon, look." Napanguso si Sam at tinuro ang sina Josiah at Celine na magkatabi sa upuan. Matagal silang nakatingin sa dalawang nag-uusap at nagtatawanan.

Umiwas sila kaagad nang mapansin ito ni Celine.

Kumunot naman ang noo ni Steph, "Sabi niya sa akin, wala na raw sila. O tapos ano na naman ito? Magkakabalikan sila?" tanong ni Steph at napakuyom.

"Tanungin mo kaya." Suhestiyon ni Kelly

"Para naman maliwanagan ka." Dagdag naman ni Sam.

Napaisip si Steph at mukhang tama naman ang mga kaibigan niya.

"Hi Stephanie!"

Napalingon ang tatlo sa lalaking bumati at nagulat sila.

"Hi Kelly, hi Sam." Tawag ng lalaki sa dalawa.

"Kilala niyo siya?!" bulalas ni Steph at napaturo sa dalawang nakangangang kaibigan.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon