Chapter 24

2K 121 15
                                    

After 10 years....

Yoona's POV

"MOOOOOMMMMYYYYY!!!" Agad naman akong napatakbo palabas ng bahay namin.

"Mommy! Si Kuya oh!" Napa-face palm naman ako sa ginagawa ng magkapatid, nagbabasaan gamit ang hose.

"Tumigil na kayo diyan at baka magka-sipon pa kayo. Come." Agad naman silang lumapit sakin, nako basang-basa sila. Tsk.

"Hubbbbyyy! Pakuha ng dalawang towel!" Pagsigaw ko. Aba, masakit sa lalamunan ha.

"Eto na Wifey oh." Sabi ni Luhan at inabot sakin ang dalawang towel. Binigay ko naman sa kanya ang isa.

"Oh, tuyuin mo si Princess." Utos ko sa kanya, tumango naman siya.

"Princess, dito ka kay Daddy." Sabi niya kay Princess at sinimulan ng tuyuin ng towel, agad ko namang nilapitan si King.

"Mommy, kailan po tayo bibisita kay Tita Seohyun?" Tanong ni King, napangiti naman ako.

"Hmmm. Kailan ba gusto niyo?" Tanong ko, ang cute cute talaga ng anak ko.

"Mamaya po Mommy! Magdala tayo ng flowers and fruits!" Masiglang sabi niya, tumango naman ako.

Yes, I'm married. Syempre kay Luhan, and may dalawa na kaming anak. Si King Nathaniel Lu at ang bunso naming si Princess Kier Lu. 9 years na kaming kasal ni Luhan, si King naman ay 8 taon at si Princess ay 5 taon.

About naman sa Restaurant ko, ayun sikat na sikat na at ang dami ng branch, may branch pa siya sa ibang bansa. Minsan-minsan nalang din ako mag Chef doon dahil sa mga anak ko. Si Luhan naman ay CEO na ng company nila, pero hindi naman siya nawawalan ng oras para samin.

"Mommy! Punta tayong mall! Bili na tayo ng gamit for school!" Excited na sabi ni Princess, hindi katulad ng ibang bata sila yung laging excited.

"Pero may isang buwan pa bago magpasukan." Sabi ni Luhan, napa-pout naman si Princess at lumapit sa kuya niya.

"Kuya, help me." Natawa naman ako ng mahina, 'to talagang dalawang 'to talaga.

"Mommy, Daddy, kaya nga po ngayon na para po hindi hassle kapag bumili tayo." Paliwanag ni King, nagkatinginan naman kami ni Luhan at napangiti.

"Nako, nagmana ka talaga sa Daddy mo. Sige na nga!" Sabi ko kay King at ginulo ang buhok niya.

"Yehey! Thankyou Kuya!" Sabi pa ni Princess at niyakap ang kuya niya, aww ang sweet.

"Kami, wala kaming hug?" Nagtatampo kong sabi, nagkatinginan naman ang magkapatid at niyakap ako.

"Sali naman ako!" Sigaw ni Luhan at nakiyakap rin samin, napatawa naman kaming lahat.

Hindi man perfect ang pamilya namin pero masasabi ko na masaya at kuntento na kami.

"I love you Wifey ko." Bulong sakin ni Luhan, nako kahit ganito na ang edad namin kinikilig parin ako. Hahaha!

"I love you too Hubby ko." Sabi ko at binigyan siya ng smack sa lips.

"Ayiiiieh!" Pang-aasar samin ng mga anak namin kaya napatawa nalang kami.

Sehun's POV

Nilapag ko na ang bulaklak sa puntod niya. Napangiti naman ako at umupo sa tabi ng puntod.

Ilang taon narin simula nung mawala siya sa mundo, miss na miss ko na siya.

"Hon, ang bilis mo naman maglakad." Napatawa naman ako sa sinabi ng asawa ko, pinupo ko siya sa tabi ko.

"No Hon, sadyang mabagal ka lang." Natatawa kong sabi, napa-pout naman siya.

"Mom! Dad!" Napatingin naman ako sa anak namin na natakbo papunta samin.

Akin ka lang! [LuYoon and SeoHun ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon