Chapter 4 -A day with Luhan Part 2-

2.1K 140 1
                                    

Yoona's POV

Hihihihi. Magkasama kami ngayon ni Luhan sa may Jollibee habang nakain ng fries, burger, ice cream, spaghetti, tsaka coke. Nakakahiya nga kasi ang dami kong order tas sa kanya fries at burger lang. [a/n: matakaw ka kasi] oo na, oo na.

"Ano na kayang nangyari kina Seohyun?" Nag-aalalang tanong ko.

"Don't worry, alam ko namang hindi yun matitiis ni Sehun." Nakangiti niyang sabi kaya medyo napanatag ako.

"Bilisan mong kumain para makapag libot na tayo, wag mo muna silang intindihin at mag enjoy ka muna ngayon." Sabi niya kaya tumango ako at nag umpisa na ulit kumain.

Seohyun's POV

Hay, awkward naman ng sitwasyon namin ngayon ni Sehun, hindi ako sanay na cold siya sakin feeling ko maiiyak ako.

"Ahm. S-sehun, ano bang gusto ni Tita?" Nag-aalangang tanong ko, nandito kami sa isang boutique at tumitingin ng damit na maipapanregalo kay Tita.

"Just liker yours, simple but beautiful." Cold na sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan, srsly naiiyak na ako.

Habang naghahanap ako ay hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko, pinupunasan ko yun pero patuloy lang siya sa pag agos, napatakip narin ako sa bibig ko dahil nahikbi na ako.

"Ang tagal mo Seo, ano bang.. Shit! Why are you crying?!˝ Tuluyan na akong naiyak ng makita niya ako at yakapin.

Yoona's POV

Naglalakad lakad lang kami ni Luhan at nagtitingin tingin sa mga boutique.

"Kanina ko pa napapansin na tumitingin ka lang. Ba't hindi ka nabili?" Tanong ni Luhan.

"Eto na kasi ang nakasanayan namin ni Seohyun, bibili lang kami kung kinakailangan." Nakangiting sabi ko, nagulat naman ako ng akbayan niya ako, naramdaman ko namang namumula na yung mukha ko. Omayghad.

"Hahaha. Nagba-blush ka oh." Natatawang sabi niya at kinukurot yung pisngi ko pero nakaakbay parin. Pwede na ba along tumili? Grabe kinikilig ako!

"Huwag ka ngang ganyan Luhan! Baka tuluyan na akong mahulog sayo." Pagbibiro ko pero totoo talaga yun.

"Edi maganda" Rinig kong bulong niya kaya namula nanaman ako at hindi na nagsalita pa.

Luhan'sPOV

Oo, gusto ko si Yoona. Hindi ko pa yun pwedeng sabihin sa kanya hangga't hindi pa niya sinasabi sakin. Hay, ang hirap talaga pero kakayanin ko.

"Luhan! Luhan! Yoohoo." Nabalik naman ako sa ulirat nung kinaway ni Yoona yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"B-bakit?" Pagtatanong ko. Ngumiti naman siya at binaba na ang kamay niya. Ang ganda talaga niya.
"Napatulala ka kasi eh." Naka-pout na sabi niya, napatingin naman ako sa labi niya. Shit. Pigilan mo ang sarili mo Luhan. Kaya napaiwas nalang ako ng tingin, shit talaga.

"S-sorry, t-tara na?" Nauutal na sabi ko, tumango naman siya at ngumiti kaya naglakad na ulit kami at kung saan saan na kami napunta at nakikita ko naman na masaya siya kaya masaya narin ako.
----
[A/N: Huwag niyong kakalimutan na batiin si Sehun! Happy Birthday Sehun! ^^]
[Credits for the picture]

Akin ka lang! [LuYoon and SeoHun ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon