Me, Myself And I

1 0 0
                                    

My gosh! This is the part that I hate the most, ang magpakilala. Pero kailangan eh. Okay so Im Sitthie Aldama. The heir of a large real state company. Hindi lang yon ang pag mamay ari ng pamilya ko. I dont have to tell it one by one I guess. Yabang ba? So what? True naman eh. Bilang isang Aldama, nasanay ako na nakukuha ang lahat ng gusto ko. What Sitthie wants Sitthie gets. Isa lang talaga ang hindi ko makuha- kuha, ang ma-inlove. Naranasan ko na rin ang magkacrush noong highschool pa ako pero hanggang dun lang yun. Ni hindi nga ako gaanong kinikilig eh. Sometimes napapaisip ako, hindi kaya I'm a lesbian at sa kapwa ko maganda ako may gusto? No, not and never. As in never to the highest level talaga. Ewww. Isipin pa lang na nagkikipag kiss ako sa kapwa ko maganda makes me wants to vomit. Don't get me wrong ha. I have nothing against lesbians and gays. It's just that sayang naman ang magandang lahi ko diba? Well yung auntie ko nga eh 20 years nyang inakala na tibo sya. Ngayon at asawa na sya ng prinsipe ng Saudi Arabia. Oh diba? Anong say ng mga ex-girlfriends nya. Anyway ako pa bang masasabi ko? Kelangan ba isalaysay ko ang bawat pahina sa kwento ng buhay ko? Na-uh..

Naglalakad ako sa hallway ng school na pinapasukan ko ng matanaw ako ni Jessa na paparating. Si Jessa ay isa sa mga friends ko na masasabi kong masyadong tutok sa love life nya. Oh holy shit?! Bakit sya umiiyak? This is the reason kung bakit minsan ay thankful akong wala akong love life. Ayaw kong maging tanga kagaya na lamang ng isang to.

Nang makalapit na ako ay yumakap pa sya sakin at humagulgol ng iyak.

"Huhuhuh friend anong gagawin ko? I saw him with another girl. They're kissing." Sabi nya sa pagitan ng paghikbi.

"Ang sarap mo din batukan no? I told you not to trust that guy. He doesn't deserve your tears." Sabi ko with matching taas kilay.

" eh sa mahaL ko sya eh." --Jessa.

"Ah ganon? Di ba pwedeng mahaL mo sya pero wag kang tanga?" Sabi ko. My God! Kung ganyan din lang ang love at wag nalang.

"Grabe ka naman sissie. Ang harsh mo naman magsalita. Nasaktan lang tanga na agad?" Depensa naman nya.

"Truth hurts diba? Sapol ka nga eh. Ano bang tawag sa ginagawa mo? Niloko ka na nga pinag aaksayahan mo pa ng luha. Di ba katangahan yan?" --ako

"Palibhasa di ka pa naiinlove."-- Jessa

" kung magiging tanga din lang naman ako sa love na yan, di wag nalang." Kahit ang totoo gusto ko din sana ma-inlove.hehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love StruckWhere stories live. Discover now