"Nasaan 'yon?"

Saglit na inalala ng dalaga kung saan niya ba maaaring nailagay ang gamit niya. "Baka naiwan sa kubo," saad nito sa sarili.

Ang unang takot na pumasok sa utak ng dalaga ay baka kinuha na ito ni Jegs, kaya kahit na katatapos lang niya kumain ay nagmadali siya na tumakbo palabas. Sa bungad ay naabutan niya ang binata na papasok din sa loob. Umirap siya at hindi pinansin si Jegs, pero hinarang siya nito. Tumingin sa kanang bahagi ang dalaga sa paghinto niya.

"Wala akong panahon makipagtalo sa 'yo," saad ni Iza.

"Pag-usapan natin ang atraso mo."

"Wala akong atraso."

"Isang linngo, bago magbukas ang isla. Kailangan mo makakolekta ng maraming shells."

Hindi sumagot si Iza, nanaliti ang tingin niya sa malayo.

"Matapos no'n, pwede mo ng makuha ang cellphone mo."

Sa mga salitang ito lang nahimasmasan ang dalaga, lalo pa nang ilabas ni Jegs ang cellphone niya.

"What the bur?! Sinasabi ko na nga bang magnanakaw ka." Sinubukan ng dalaga na agawin ito, pero nailayo kaagad ng binata.

"Hindi mo to makukuha hanggat hindi mo ginagawa ang sinasabi ko."

"Paano kung ayaw ko?"

"Hindi mo 'to makukuha. Kaya Miss Iza, na dalawa ang kulay ng buhok, ngayon pa lang maghanap ka na ng shells." Isang nakakalokong ngiti ang ibinahagi ng binata.

Habang nakikipagmatigasan si Iza, pinipilit niyang kunin ang cellphone niya, pero wala siyang ibang nagawa dahil mas matangkad sa kaniya si Jegs.

"Bwisit ka talaga!"

Sa pagtatangka ni Iza na tuhurin muli si Jegs, napigilan itong binata.

"Oh, hindi na 'yan uubra ngayon."

"Letse! Ang pangit mo talaga! Isusumbong kita sa tatay mo!" Tatlong suntok sa braso ang inabot ng binata bago tuluyang umalis sa harapan niya si Iza.

Si Jegs ang huling nagligpit ng pinagkainan nila, kaya siya ang huling umalis ng kubo. Nang mapansin niya ang phone ni Iza na naiwan, kinuha niya ito para sana ibalik sa dalaga pero noong nakita niyang galit na naman ito habang palapit sa kaniya, naisipan niyang ito ang gamitin para mapasunod ang tigre. Ibabalik niya naman talaga ito, pero sa tamang pag-aasta na ng dalaga.

Simula noong dumating si Iza, malalim na ang bawat daan dahil sa pagdadabog nito. Hinahanap ngayon ng dalaga si Mang Hernan para isumbong ang ginawa ng anak nito. Alam naman ni Iza at nararamdaman niya na mabait ang matanda, sadyang nagkaroon lang siya ng isang anak na katulad ni Jegs.

Kahit na anong paglilibot ni Iza, wala siyang natagpuan na matanda. Kaya ang hinagilap na lang niya ay si Parshang na wala rin doon. Mukhang silang dalawa lang ni Jegs ang naiwan sa isla.

Sa pagpasok muli ni Iza, napansin niyang palapit na naman sa kaniya si Jegs.

"Nakakabwisit talaga ang mukha ng lalaki na 'to."

"Ano, Mam Iza? Nakita mo ba sila?"

"Alam mo naman pala na wala sila, bakit hindi mo pa sinabi kanina?" Humalikipkip ang dalaga.

"Nagtanong ka ba?"

"Nasaan ang phone ko?"

Inilahad ng dalaga ng kanang kamay, pero sa halip na ibigay ang phone, inapiran lang ito ng binata.

"What the bur!"

"Whet de burr! Ano daw kaya 'yon. Sumunod ka na sa akin, magtatrabaho ka pa." Humkbang palakad ang binata habang umaalog ang balikat nito dahil sa pigil na pagtawa.

"Bahala ka mag-isa rito, kapag may multo rito kausapin mo na lang."

Dahil sa mga sinabing ito ng binata, napatakbo pasunod sa kania si Iza.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Isang malakas na sipa ang inabot ng puwitan ni Jegs, dahilan para mapayakp siya sa poste. Nagkiskis ang mga ngipin ng binata habang masama ang tingin kay Iza.

"Oh, ano? mananakit ka ng babae?"

"Pasalamat ka lang talaga.... Naku, tutupiin talaga kita sa tatlo."

Hindi na kumibo si Iza, nagpatuloy na siya sa paglalakad palabas, habang si Jegs ay hinihilot pa rin ang puwitan. Parang nagiging bugbog sarado siya kay Iza.

"Magandang babae pero masyadong barumbado."

Sumunod si Jegs sa paglalakad. Wala ngayon ang kaniyang ama at si Parshang, nagtungo sila sa bayan para bumili ng ibang mga gamit sa isla. Mabuti nga at hindi ito naabutan ni Iza, kung hindi, baka sumama 'yon papuntang bayan. Isa pa, hawak din ni Jegs ang mahalagang gamit nito, hindi aalis si Iza na hindi niya bitbit ito.

Katanghalian ngunit hindi init sa balat ang araw, dahil sa paulap na kalangitan. Nakatayo lang ang dalaga habang nakatanaw kay Jegs na namumulot ng mga shells sa dalampasigan. May bitbit itong maliit na puting balde. Nang mapansin ng binata na siya lang mag-isa ang namumulot, umayos ang tindig niya at hinrap si Iza.

"Ikaw naman." Inabot nito ang balde.

Umiwas ng tingin ang dalaga. "Kaya mo na 'yan. Pasalamat ka nga sinasamahan pa kita."

"Ikaw naman, o itatapon ko sa dagat ang cellphone mo?"

Walang kumibo, masamang tingin lang ang ibinahagi ng dalaga at hinila ang timba na hawak ni Jegs.

"Mamumulot ka lang ng basura kailangan mo pang ituro sa 'kin."

"Hindi nga 'yan basura."

"Wala akong pakialam, basta basura 'yang ginagawa mo." Itinulak ni Iza ang binata, na dalawang beses napaatras.

"Ayusin mo ang pamumulot. magaganda naman kunin mo."

Kahit anong utos ng binata, hindi siya sinusunod ni iza. Kung ano lang ang madampot ng dalaga, 'yon ang inilalagay niya sa balde. Tinturo din ni Jegs ang mga dapat kunin ng dalaga, pero ito naman ang iniiwasan ni Iza. Parehas nilang kinukunsumi ang isa't isa.

Habang nagpapatuloy si Iza sa pagdampot, may napasin siyang isang shell na inaalon sa dagat kaya hinabol niya ito, pero sa kasamaang palad, ang nadampot niya ay ang kulay itim at may matatalim na patusok.

"Awww!" Nabitawan ng dalaga ang balde at hinawakan ang daliri niyang natusok nito.

"Anong nangyari?" Mas mabilis pa sa kidlat ang paglapit ni Jegs.

"May tumusok sa akin. Kasalanan mo 'to!"

"Aba, ako na naman ang may kasalanan? Patingin nga." Hinila ni Jegs ang kamay ng dalaga na nagmamatigas pa no'ng una.

"Patay!" Umiiling na saad ng binata.

"Patay? What you mean? Mamamatay na ako? Kasalanan mo 'to! Bwisit ka talaga." Nagtangka na naman ang dalaga na bugbugin siya.

"Sandali nga lang. Ang oa mo talaga. Hindi ka mamamatay. Natayom ka."

"Tayom?"

"Oo. Kailangan ihian 'yang kamay mo. Sakto naiihi na ako."

"Iihian? Yuck! Ihian mo mukha mo! Kadiri ka!"

"Kapag hindi mo natanggal 'yan, bahala kang lagnatin."

"Kahit mamatay ako, hindi ko papaihian 'tong kamay ko. Kasalanan mo 'tong lahat. Bwisit ka!"

No, But YesWhere stories live. Discover now