Si daddy pala 'yon. Kasama nya sina mommy Reese, daddy Marcus, at si mommy.

"Oh good evening, mi amigos!" bati naman ni tito Richard kina daddy at daddy Marcus

Umupo na kami sa iisang table at napapagitnaan ako ni amery at kendric. Kinukulit ako ng kinukulit ni amy, nako loka loka parin talaga 'to.

"Alam mo ba nandito si Rayden" nang-aasar na bulong nya saakin

"Tapos? Anong gagawin?" Biro ko naman

"Crush mo kaya 'yon dati nung highschool tayo, ano akala mo ba nakalimutan ko na?" Pang-aasar nya parin

Habang nagbubulungan kami ni amy napansin kong nakikinig lang si kendric sa usapan ng mga parents namin.

"Uy papalapitin ko ba dito si Rayden?" Pangungulit parin ni amy

"Nako tumigil ka, mamaya mapansin tayo ng asawa ko ha.." sabi ko naman

"Ay sorry, nakalimutan ko may asawa kana nga pala" pang-aasar pa nito

"Nandito din pala yung kinukwento mo saakin na babae, avi" sabi nya saakin

"Huh? Sino naman?" Nagtatakang tanong ko

"Yung Eloura ba 'yon? Yung malandi na panay dikit sa asawa mo" sagot nya

"Ay nako, hindi naman sya malandi amy" saway ko naman kay amy

Wala talagang preno ang bibig nito.

"Pagkatapos nyang muntik sirain ang relasyon ninyong mag asawa, hindi ba malandi 'yon?" Sabi naman ni amy

Habang kumakain kami ay biglang lumapit sa table namin si.. Eloura..

"Hello ken!" Sabi agad nito

Tinignan lang sya ni kendric. At bumalik ulit sa pag-kain.

"Hello tita reese!" bumeso sya kay mommy reese

Napansin kong medyo naiilang si mommy reese.

"Ahm Yeonah, Amery, halikayo't may ibibigay pala ako sainyo" sabi saamin ni mommy Reese

Tumayo naman agad si mommy reese at sinundan lang namin sya ni amy.

"Ano po 'yon, mom?" Tanong ko kay mommy Reese habang naglalakad kami

"Ito oh, tikman ninyo" nakangiting inabot saamin ni mommy Reese ang box ng cupcakes.

Binuksan namin agad 'yon at tinikman.

"Masarap po! Kayo po ba ang nag bake nito?" Sabi ni amy kay mommy Reese

"Ay nako, oo iha" sagot naman ni mommy Reese

"Sobrang sarap po, sana makatikim ako ulit nito, mom. Thank you po.." sabi ko naman

"Sige, pumunta lang kayo sa bahay kahit anong oras igagawa ko kayo ng marami nyan" nakangiting sabi naman ni mommy Reese

"Mukhang mapapadalas po ang punta namin nyan sa bahay ninyo" sabi ni amy

"Okay lang po ba, kung magpapaturo din kami kung paano mag bake ng ganito kasarap na cupcakes?" Sabi ko

"Oo naman" ngumiti saamin si mommy reese "halina kayo bumalik na tayo doon" sabi saamin ni mommy Reese

Bumalik naman na kami agad doon.
Iniwan ko muna sa kotse na dala namin ni kendric yung box ng cupcakes. Pagbalik ko doon nakita ko na naka dikit nanaman si elle kay Kendric at halata namang inis na inis na si kendric doon.

"Oh nandito na pala kayo" sabi ni mommy

"Yoenah, amy, ito nga pala ang tito rey at tita floren ninyo at ito naman si eloura ang anak nila" sabi ni tito Richard

"Hello good evening po" nakangiting bati ko sa parents ni elle

"Good evening po." Plastik na ngumiti ang bestfriend ko sakanila

Alam ko kung totoo o hindi ang ngiti ni amy. Dahil kilalang kilala na namin ang isa't isa.

"Good evening din sainyo" sabi ng mommy ni elle, si tita floren

Umupo na kami at hindi halos kami nag iimikan dahil walang nag sasalita.

"Speaking of the devil." Pasimpleng bulong saakin ni amy

Pinisil ko ang kamay nya para sawayin sya. Ba't hindi pa nga ba ako nasanay sa bibig nitong bff ko.

"Sus kung maka lingkis naman 'tong babaeng 'to sa asawa mo akala mo sya ang asawa eh, hay sabi sayo malandi talaga 'tong haliparot na 'to eh" inis na bulong ni amy

"Pabayaan nalang natin sila.." sabi ko

Nagulat kaming lahat nang biglang humalik si elle sa pisngi ni kendric..
Para akong na-estatwa sa kinauupuan ko nang makita ko 'yon.. ayoko ng makita ang susunod nyang gagawin sa asawa ko kaya tumayo nalang ako at umalis. nakita kong nagulat sila sa ginawa ko.

"Excuse me po." Sabi ko bago tuluyang umalis

My Husband In LawWhere stories live. Discover now