TAGPUAN [002]

34 3 0
                                    

ONE SHOT [002]

"Hi po! Welcome po dito sa bahay." Nakangiti kong wika sa bawat panauhin sa bahay. Birthday ko kasi kaya maraming bisita. Nangangaqit na nga ako kakangiti. Kanina ko pa gustong magpahinga pero masyado pang maraming mga bisita dito at hindi ko sila pwedeng iwanan dito dahil walang mag-aasikaso sakanila. Ako lang naman kasi ang nag-iisang anak ng mga Lavandula. Alam kong kakaiba ang apelido namin pero maganda ito sa aking pandinig.

"Hi Shane,saan dito ang banyo niyo?" Tanong ni tita Felia. Isa sa mga bisita namin.

Gusto kong sumimangot dahil ako palagi ang kinakausap nila pero pinilit ko parin na ngumiti. "Doon po sa may bandang kanan." Itinuro ko pa ang daan dito.

Ngumiti siya sakin."Sige,salamat." Umalis na siya bitbit ang mamahalin niyang bag. Napairap ako sa hangin sa iisiping kaya sila nandirito ay dahil gusto nilang irampa ang mga mamahalin nilang gamit.

Hindi ko na matiis na makipag-palstikan pa dito kaya pumunta ako sa kusina kung nasaan sina Mommy. Agad ko naman silang nakita na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.

Pinapakita ni Mommy ang regalo sakaniya ni Daddy na recycled boque sa harapan nito.

"Hindi ba't ang cute nito? Regalo ito ni Raiden nung anniversary namin." Nakangiti pa si mommy ng sabihin niya ito. Kita ko naman kung paano palihim na umirap itong kaibigan niya.

"Oo nga,pero mas cute itong bag na gamit ko na regalo ng asawa ko noong birthday ko. Ang saya ko nga ng matanggap ko ito. Isa ito sa mga paborito ko and guess what? Ang mahal pa nito. Sigurado akong hindi ito kayang bilhin ng asawa mo." Ngumiti pa ito. Nawala ang ngiti sa labi ni Mommy pero agad din niya itong ibinalik kalaunan.

"Don't get offended ah,hindi ko naman sinasabi na mahirap kayo pero parang ganon na nga." Ngumiti pa ito ulit.

'Tss.Plastic'

Agad akong lumapit kay Mommy para kausapin ito at para narin na malayo siya sa palstic na babaeng ito.

Ngumiti ako ng nasa harapan na nila ako. "Mom,can I talk to you?"

"But I'm talking to your tita Amaih." Nilingon pa niya ito.

"Walang problema sakin yan mare. Go on,take your time. Hihintayin ko kayo dito." Ngumiti pa ito sa amin. Inirapan ko si tita Amaih. Matalim naman itong tumingin sakin. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito.

"Please excuse us." Ngumiti pa ako ulit kay tita. Ngumiti itong tumingin kay Mommy at sinamaan ako ng tingin.

Pumunta kami ni Mommy sa kwarto at doon ko soya kinausap. "Mom,can I go out?"

"No. You know you can't anak. Marami tayong mga bisita ngayon at walang mag-aasikaso sakanila." Malungkot itong ngumiti sakin.

"Papararing narin naman daw si Daddy kaya siya na daw ang mag-aaaikaso sa mga bisita." Ofcourse that was a lie. Gusto ko lang naman na umalis dito at syempre para narin makasama ko si Levi na boyfriend ko. May usapan kasi kami na magkikita kami sa tagpuan namin. May ibibigay daw kasi siya sakin. Dahil nga birthday ko may pa surprise siyang gagawin.

Ngumiti sakin si Mommy. "Okay. Mag-ingat ka sa labas ah? Bumalik ka kaagad."

"Yeah mom. I will." Ngumiti ulit si Mommy sakin bago lumabas.

Nang makaalis siya ay nagmadali na akong magbihis. Sinuot ko ang dress na pula na regalo ni Levi sakin noon ng nakaraan kong kaarawan. Inilugay ko na rin ang buhok ko para magandang tignan. Naglagay din ako ng kaunting pulbo at lip gloss. Isinuot ko rin ang heels na bigay ni Daddy.

Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas. Nagpaalam muna ako kay Mommy bago tuluyang umalis. Nakangiti akong bumyahe papunta sa plaza sa ilalim ng puno kung saan ang aming tagpuan.

Agad kong ipinarada ang sasakyan at lumabas. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi.

'Ano na naman kaya ang pakulo niya?'

Hindi ko maiwasang pamulahan sa pwede niyang isurpresa. Naiisip ko palang kung paano niya pinaganda ang tagpuan namin. May mga pagkain at inumin. Mga bulaklak na iba-iba ang kulay. Para kaming nasa picnic. Ngunit agad din naglaho ang lahat ng iyon pati na rin ang kaninang nakangiti kong labi.

'I-Ito ba ang surpresa niya?'

'Bakit ganito? A-Ang sakit.'

Hindi ko maiwasang mapaiyak sa nakikita ko. Si Levi, m-may kasamang ibang babae. Masaya silang nagsusubuan ng pagkain.

Agad akong umalis sa kinakatatayuan ko at napatigil sa gitna ng kalsada. Wala paring tigil ang pagluha ko. B-Bakit? Iyon ba ang surpresang sinasabi niya? Akala ko ba ikasasaya ko iyon? Bakit ang sakit?

May ilaw akong nakikita na paparating. May naririnig din akong busina ng sasakyan. Hindi ko ito pinansin. Wala na akong pakialam.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagdaan ng kirot sa buo kong katawan. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko.

May mga scenario na nagp-play sa utak ko. Kung saan masaya pa kaming magkasama. Kung saan palagi kaming nagtatawanan. Kung saan pareho naming hinaharap ang lahat.

Unti-unti ko nang ipinikit ang mga mata ko. Ayoko na,nakakapagod. Ito na siguro ang huli kong hininga. As my body hit the road again,everything went black.

'Paalam aking Mahal.'

-THE END-

A.V's comment to this one shot:

-Huwag mong hayaan na lamunin ka ng selos mo. Ugaliing alamin ang lahat bago mag-isip ng kung ano-ano. Hindi sa lahat ng oras ang mga naiisip nating mga tao ay totoo. Kailangan nating alamin ang panig ng isa bago manghusga. There is a reason why those things happened to us. God planned it to know kung hanggang saan ang kaya ng isang taong nagmamahal na ipaglaban ang kaniyang minamahal kung hanggang sa dulo ba ay kaya mo siyang ipaglaban o bibitawan mo na lamang ng di alam ang kaniyang dahilan.

                                               -Ashriel Aven

FLOW OF EMOTIONSWhere stories live. Discover now