Chapter 3

0 0 0
                                    

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Anak, ano ang totoo?" Tanong ni tatay at lumapit saakin.

Pilit akong ngumiti at lumingon sakanya. "Tay! Ay wala ho yun, ginagaya ko lang po yung napanood ko sa pelikula." Pilit akong tumawa.

Tumawa din si tatay. "Ay naku, ikaw talagang bata ka, halika na at hinahanap ka ng nanay mo." Tumango na lamang ako at sumunod kay tatay.

Buti na lamang hindi si Gabriel ang nakarinig non, kasi kapag siya ang nakarinig non ay may posibilidad na masabi ko sakanya ang totoo. Kahit hindi pa ako handa sa mga mangyayari kapag sinabi ko iyon.

Nagising ako ng maaga para sana samahan si tatay mangisda. Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko si nanay na nagluluto ng almusal. "Nay? Asan ho si tatay?" Lumapit ako kay nanay at tinignan ang niluluto niya.

"Ay nak, wala ang tatay mo, kasama ni Gabriel mangisda." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Gabriel? Sumama mangisda? Eh hindi naman yun marunong mangisda ah?

Nag aalala akong tumingin kay nanay. "Nay, hindi po marunong mangisda si Gabriel, baka ho kung anong mangyari sakanya." Nag aalala kong sabi.

Tumingin saakin si nanay at mapang asar akong nginitian. "Sus, nag aalala ka sakanya? Bakit? May gusto ka ba sakanya?" Natigilan ako sa sinabi ni nanay.

Meron nga ba? Sa mga araw na kasama ko siya iba yung nararamdaman ko. Parang yung feeling na sobrang saya at maraming paru paro sa tyan ko kapag hinahawakan niya ako, at kapag tumitingin siya saakin ay parang tumitigil ang mundo ko. Ang ngiti niya ang nagpapaganda ng araw ko, lalo na ang tawa niya. Posible bang gusto ko siya?

"Oh? Bakit natahimik ka? Kasi totoo?" Pang aasar na naman ni nanay.

Pabiro kong sinamaan ko ng tingin si nanay. "Ano ka ba nay! Sempre po wala, nag aalala lang po ako dun sa tao. Kayo naman nay masyadong ma issue." Pagdedepensa ko pa sa sarili ko. Kahit mukha naman akong guilty. Defensive masyado Elora?

"Osiya, tulungan mo na ako dito at pauwi na ang dalawa." Tukoy ni nanay kay tatay at Gabriel. Pagkatapos kong tulungan si nanay ay naligo muna ako. Pag punta ko sa hapag ay nanduon na silang lahat.

"Elora, dito ka." Sabi ni Gabriel at tinapik ang upuan sa tabi niya. Kita ko ang mapag asar na tingin ng apat saakin. Pero, aaminin ko, kinikilig ako sa ginagawa niya.

Ngumiti ako at tumabi sakanya. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsalita si tatay. "Anak, naisip namin ng nanay mo na lumipat na tayo sa maynila." Parang nabulunan ako sa sinabi ni tatay.

"P-Po? Bakit po? Masaya naman po tayo dito sa isla ah, tsaka ayoko po sa maynila." Kasi ayokong makita ni Gabriel ang pamilya niya, hindi pa ako handa na ibalik siya sakanila.

Gusto ko yon sabihin pero parang naputol ang dila ko. Gusto kong pukpukin ang sarili ko sa mga makasarili kong iniisip. "Anak, maganda sa maynila, makakahanap tayo ng magandang trabaho ng tatay mo." Sabi ni nanay. Oo, gusto ko din sa maynila magtrabaho at manirahan dati, pero ngayong dumating si Gabriel, nag iba na ang pananaw ko.

Bigla namang sumingit si Gabriel. "Bakit ayaw mo sa maynila Elora? Maganda naman dun ah." Sabi niya. Tama siya, maganda don pero paano kung may makakita sakanya? O kaya naman may nakakakilala sakanya bilang anak ng Heimsworth?

"Pag iisipan ulit namin ng nanay mo anak." Nakangiting sabi ni tatay. Pilit naman akong ngumiti.

Habang busy sila ay nakita ko si Gabriel na nagsisibak ng kahoy, wala itong damit pang itaas dahil ginagamit niya itong pamunas ng pawis niya. Para akong naglalaway sa napaka perpekto nitong katawan. Sherep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LOST PRINCE Where stories live. Discover now